Kabanata 15 - Kiel

5.3K 74 4
                                    

Para akong hindi naka tulog. Para akong nasa isang bangungot na hindi ko malagpasan. Isang bangungot na kahit gising ako ay hindi ko matatakasan.

Ngayong araw ang kasal namin ni Farrah pero wala akong ganang tumayo sa kama. Kung pwede lang na naka higa na lang ako habang kinakasal ay ipinanalangin ko na.

Buong gabi kong inisip nang inisip si Farrah. Buong gabi siya lang ang nasa utak ko. To be honest, dalawang buwan na siya lang ang nasa utak ko.

Siya ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sakin si Candice. Dahil sa tuwing kakausapin ako ni Candice, I am out of my mind. Si Farrah ang iniisip ko. Puro siya. Sa umaga pag gising ko, hinahanap ko siya. Gusto ko siyang makita para malaman kong okay lang siya. Hanggang sa gabi, pag tulog na ang lahat, papasok ako ng palihim sa kwarto niya para bantayan siya.

Isang gabi na iniyakan ko lang siya.

Gusto kong tanungin yung mga rason sa mga desisyon niya. Gusto ko siyang tulungan dahil alam ko, nararamdaman ko at nakikita ko kung gano na siya nahihirapan sa sitwasyong ginawa niya.

Farrah won't make a complicated situation unless she's sacrificing one thing. Sacrifice? Ako ba yun sinacrifice niya? para kanino ba?

"Batugan ka talaga!"

Ayan. Isa sa mga hallucinations ko. Naririnig ko na naman ang boses niya. Sinisigawan ako. Sinusungitan, tinatarayan at pinag mamalditahan.

Kagabi, alam kong wala na siya at hindi ko na makikita pero andun pa rin ako. Nakatayo. Nagiintay nang babaeng tumatakbo papalapit sakin. Segundo, minuto at oras ang dumaan pero walang Farrah ang bumalik.

Pagkatapos non, sinabi ko na, wala na. Wala na nga. Tapos na. Pag uwi ko dito sa hotel, kay Mama ako umiyak. Isang bagay na alam kong ikinagulat nila ni Papa pareho.

After nun, puro boses niya ang naririnig ko o di kaya'y namamalik mata ako na siya yung nakikita ko.

"Ito na tatayo na. Baka sabihin mo kasi, ayaw kitang pakasalan. Di mo ba alam? Naging masama akong tao dahil pinapaasa ko si Candice kahit na gustung gusto ko nang makasal sayo ngayon?" Sabi ko habang papuntang cr.

Naligo na ako. Weird at ang maniac lang ng dating dahil habang naliligo ako si Farrah naiisip ko. At hindi lang basta isip ang ginagawa ko, ini imagine ko pa na nasa harap ko siya.

Napatigil ako. Sinara yung shower. Sabay kuha ng towel at labas ng cr.

"Sira ulo ka Kiel. Bastos. Wag kang maliligo sa harap ng babae," Sabi ko sa sarili ko

Maaga naman akong nagising dahil maagang nang gising si Mama. Dadating na daw yung make up artist.

Hindi ko talaga alam kung para saan pa yung make up artist. To think na, ang gwapo ko na naman talaga.

Okay, medyo ang yabang ko lang. Hindi humble lang talaga ako. Hindi nga lang halata.

Sa sobrang bagal ko kumilos, yung stylist ko na yung mismong nagsuot sakin ng damit ko.

Simple lang naman pero elegante ang dating. Black suit with white long sleeves sa loob at isang red neck tie.

Sa totoo, hindi ko masyadong pinaghandaan to. Syempre, kung papakasalan ko si Farrah, ayoko ng ganito. Gusto ko, pareho at sabay naming ginagawa lahat ng bagay bagay.

Sabay naman kami pumili ng lahat ng details ng kasal yun nga lang palagi kaming nauuwi sa, "Ano po bang maganda? Kayo na po ang bahala."

Kanina ko pa nilalagay yung neck tie ko pero tinatanggal ko ulit. Hindi ko maayos. Paulit ulit lang ako. Palagi kasing pangit sa paningin ko.

Hindi naman engrande ang kasal na magaganap ngayong umaga. Sa isang garden lang dito sa Thailand ang napili naming venue. Puro relatives at close friends lang ang imbitado. Hindi ko alam ang itsura ng mapapangasawa ko syempre alam kong si Farrah pero hindi ko alam kung anong itsura niya. Hindi ko alam kung bagay ba sa kanya yung gown na napili ko. Oo ako ang pumili ng gown niya at si Mommy ang nagdesign. Si Mama Isabel naman ang nagtahi.

Narinig kong may kumatok. Napagod na ako sa kakaayos ng neck tie ko kaya hinayaan ko na lang at binuksan yung pintuan. Si Mama.

"Come in," Sabi ko at humarap ulit sa salamin

"Dapat nasa venue na tayo. Aren't you done yet?" Tanong ni Mama

Lumingon ako at ngumiti ng pilit sabay harap ulit sa salamin para ayusin yung neck tie ko, "kasi tong neck tie ko, kanina pa. Hindi sumusunod. Ang kulit." Anal ko kay mama habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin sabay tanggal ng neck tie at humarap sa kanya

Tumawa si Mama, "Akin na." Sabi niya at siya na nagayos ng neck tie ko

"Im so proud of you anak." Sabi ni Mama

Hindi ko alam kung bakit at para saan pero this is the first time na maging proud sakin si Mama. Ngumiti ako, "Thank you po," Sabay yakap kay mama

Tinapik niya ako sa balikat saka humiwalay, "Halika na at baka ma late tayo. Pag dating don ikaw ang iniintay ng bride mo,"

Dugdug.Dugdug

Napahawak ako sa dibdib ko. Kinakabahan ako?

Napa tingin sakin si Mama, "May problema ba Kiel?"

Napa iling ako, "Wala po Ma. Lika na,"

Kinuha ko na yung suit ko, huminga ng malalim at lumabas na rin kasunod ni Mama

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now