Kabanata 17 - Farrah

5.5K 77 8
                                    

Napa balikwas ako sa kinauupuan at muntik pang mauntog sa head board dahil sa sobrang gulat ko. Nakita ko si Kiel na naglalakad papasok ng bahay. Ayos sa trip tong lalaking to. Di na lang nang gising ng maayos. Nakakainis.

Walang ibang ginawa kundi mang asar at mang bwisit. Sana naman, kahit konti tigilan niya ako para maging matiwasay yung pagsasama naming dalawa.

Nag unat ako saka bumaba ng sasakyan. Binagsak ko yun pintuan ng sasakyan kahit alam kong hindi amin yun. Hindi naman ako magbabayad kundi siya.

Napatigil ako. Wow.

Medyo kalakihan ang bahay. Wooden walls ito at puro bintanang salamin sa unahan ng bahay. Maganda. Two storey ito. Naexcite ako bigla. Sa labas pa lang maganda na, pano pa sa loob?

Dali dali akong pumasok sa loob.

Pag pasok, maliit lang yung salas. Parang visitor's area lang ang dating. Walang TV o kahit ano. Basta isang malaking aquarium na may iba't ibang klaseng isda na nagsisilbing harang. May dalawang malalaking puting sofa sa dalawang gilid at isang flower vase sa gitna tapos may maliit na hallway sa gilid, sa kanan, andon naman ang entertainment room na isang salamin lang ang dibisyon kung saan naman andon ang 24" inches LED TV at DVD player sa ilalim. May isang medium size na sofa na nakaharap sa TV at dalawang speaker sa magkabilang gilid.

Sa kaliwa naman ang long table na nasa likod ng malaking aquarium. May mga built-in shelves na puro libro at isang pintuan papuntang garden. Sa harap nito yung hagdanan. Daretso non, ang tunay na dining area at kitchen na may isang malaking table bar sa gitna tapos tatlong pinto. Isang dirty kitchen kung nasaan din ang laundry room, kwarto ng mga katulong at cr.

Grabe. Hindi naman kami mahirap pero hindi din naman ganito kayaman. Akala ko simpleng pamumuhay pero hindi pala. Akala ko nga fairy tale lang yung ganito pero totoo pala. Grabe.

Umakyat ako ng hagdan. Hagdan pa lang pamatay na. Pwede kang mahiga sa bawat baitang. Malapad at hindi steep ang dating. Saktong sakto sa mga paang aakyat dito.

Pag akyat ko, may isang couch at apat na malalaking throw pillow na kulay yellow, blue, red at green na nakalapag sa carpet tapos isang lumang baby grand piano. Steinway and Sons ang tatak. MSK-501A Louis XV. 5'7" inches or 170 centimeters ang haba niya. Syempre alam ko, mahilig ako sa piano. At bata pa lang ako, marunong na kong tumingin ng mga ganito. Tapos isang malaking wooden desk sa gitna habang may mga built-in cabinets na may laman ding mga libro. May dalawang wooden doors na magkaharap sa dalawang gilid.

Mukhang pabor sa akin ang bahay na to. Puro libro na, may mga isda pa sa baba tapos may piano pa. Sino kaya nagdesign nito? Ang galing naman niya.

"Ang kwarto mo doon sa kanan at dito naman ako sa kaliwa," nagulat ako ng biglang nagsalita si Kiel sa likod ko. "Andun na rin mga gamit mo. Matutulog na ako." Sabi nito sabay pasok sa sariling niyang kwarto

"Pakialam ko kung matutulog ka na? Che!" bulong ko. Makapasok na lang sa kwarto ko kesa makita pa mukha mo!

Pag pasok ko, nakita ko na agad yung kama ko. Isang double-sized bed na may white bed sheets at pillows tapos isang lamp shade sa gilid na naka sabit sa ding-ding. Pink and white painted walls, isang red love seat na naka harap sa terrace tapos isa pang pinto para sa CR.

Hindi naman ganun kalaki yung kwarto pero ayos na rin. Kasing laki lang din ng kwarto ko sa bahay. Pinagkaiba lang, dito may sarili akong CR, doon wala.

Hinatak ko yung luggage ko papuntang kama at inilapag don saka umupo sa tabi non. Kumuha ako ng pajama's at saka pumasok sa loob ng cr.

May katamtamang laki ng bath tub tapos sa harap ang bowl at lavatory. Sa gilid ang mga built-in cabinets na lalagyanan ng mga damit at isang mirror walled sa harap nito.

Itinali ko muna yung buhok ko saka naghilamos. Baka kailangan kong mahimasmasan. Sobrang ganda ng bahay na titiran ko. Totoo ba talaga lahat to? Nagpalit na ako ng damit habang paunti unting nagtutupi ng mga damit ko sa cabinet.

Si Kiel. Ano bang nangyari sa kanya at ganun ang ginawa niya kanina sa kasal? Parang baliw lang din. Bigla bigla ngingiti, bigla biglang susungit, tapos huminto pa ng lakad. Isa pa, akala mo kung sino. Pwede namang man gising ng maayos bakit kailangan pang bumusina? Bwisit yun ah. Bumabalik na naman siya sa makulit na Kiel. Hay. Nawala tuloy yung antok ko. Buti pa siya, makakatulog na ng mahimbing.

Napatingin ako sa orasan. Eight fourty two pa lang? Ang aga naman niyang matulog. Alam ko, hindi siya mabilis na makatulog dahil na rin sa insomia niya. Ay bahala siya sa buhay niya!

Hindi ko mapigilan ang hindi magisip ng kung anu ano. Bwisit na bwisit talaga ako sa ginawa nung lalaking yun sa akin. hindi pwedeng hindi ako gaganti sa ginawa niyang kalokohan sa akin.

Naku. Mag intay ka Kiel. Gaganto ako. Just wait and see.

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now