Kabanata 26 - Farrah

5K 71 13
                                    

"Nakakabwiset!!" Singhal ko

Pero bakit ba ako naiinis? Diba eto naman ang gusto ko? Eto ang gusto ko. Mas gusto ko kesa yung nasa iisa kaming bahay pero nagiiwasan naman kami pareho na akala mo hindi magkakilala.

"Bwiset talaga!!" Sigaw ko ulit

"Ano bang problema mo anak at nagkakaganyan ka?" Biglang tanong ni Manang Medz

Nagulat ako, "Manang naman! Wag ka naman bigla bigla susulpot dyan. Nagugulat ako e."

Tumawa si Manang "Oh sige. Aalis muna ako at mag gogrocery. May ipapabili ka ba?"

Ngumiti ako at umiling "Wala po. Ingat po kayo."

"Oh kung ganun ay tutuloy na ako. May inihanda na rin akong pagkaen dyan dahil baka gabihin ako dahil dadaan pa ako dun sa dorm ng anak ko. Kayo na muna bahala sa bahay ha? tatawag na lang ako."

"Okay po."

Pagkaalis ni Manang ay pumasok na ako sa loob ng bahay para kunin ang phone ko at tignan kung may text na akogaling kay Jared. Umupo alp sa sofa kaharap si Kiel at iniintay ang text ni Jared sa akin.

"Itext mo na si Jared. Sabihin mo, hindi na kayo tuloy ngayon. Tapos magbihis ka na." Sabi ni Kiel habang naglalaptop sa harapan ko.

Inirapan ko siya, "Bakit? Saan tayo pupunta?"

"Magdate tayo ngayon. Remember, saturday ngayon." Sabi ni Kiel habang nakatingin pa rin sa monitor ng laptop.

"Date?! Bakit ngayon na agad? Di ba pwedeng sa susunod na lang? Pagod pa ako."

Ngumisi si Kiel. Hindi ko alam kung para sa akin ba yung ngising yun or napangisi ito dahil sa ginagawa nito sa laptop niya.

"Ayoko." Sabi ko

"Bawal ang umayaw. May kontrata tayo. At may punishment pag hindi sinunod ang kontrata. Kaya kung ako sayo itext mo na yan si Jared dahil kahit anong gawin mo, hindi na yan pupunta dito at hindi na rin matutuloy ang date niyo."

"Edi punishment. Ayokong makipagdate sa isang katulad mo."

Tumingin si Kiel sa akin "Ano bang problema mo? Kanina mo pa ko sinusungitan ah."

"Ako walang problema. Pero ikaw meron."

"Ako? pano nangyaring ako? Wala naman akong ginagawa. Pwede ba."

"Oo ikaw. Alangan namang si Manang, eh wala naman siya dito. Kung gusto mong lumabas ikaw na lang magisa. Wag mo na akong idamay dyan sa kalokohan mo."

"Kalokohan? Mag asawa tayo Farrah. Mag asawa, eh parang mas gusto mo pang kasama yung Jared na yun kesa sa akin ah. Ako ang asawa mo at hindi siya."

"Asawa? Oo nga pala, Asawa nga pala kita. Sa kontrata. Baka nakakalimutan mong kontrata lang tong kasal na ito. Legal sa harap ng maraming tao. Sa Ibang tao mag kaibigan. Pero satin, kontrata lang to. Wala lang. Wag mo ngang masyadong siniseryoso ang kasal na ito. Isipin mo pa rin yung napagusapan natin bago ang kasal natin Kiel. Hindi mo ako asawa. Kaya tumigil ka na. Saka wag mo na ngang idamay pa si Jared dito. Nananahimik yung tao. Kaibigan ko lang siya. Kaya sana wag mo na siyang idamay sa mga nangyayari sa atin. Mabait na tao si Jared."

Tumayo siya at hinahawakan ang kamay ko papatayo. "Asawa pa rin kita. Kahit na anong sabihin mo, asawa kita. Siguro nga, wag natin tong seryosohin. Pero asawa mo pa rin ako. Magbihis ka na aalis na tayo in 20 minutes." Sabi niya tapos ay umalis na dala dala ang laptop sa kamay at habang nakafist ang isang kamay

Napailing na lang ako. Tama siya. Mali ako. At masakit yung mga sinabi ko.

Nagayos na rin ako. Nakita ko ang sakit sa mga mata ni Kiel nung sinabi ko ang mga linyang yun.

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें