Kabanata 13 - Kiel

5.4K 88 5
                                    

"Farrah," tawag ko sa kanya

Malapit na kami, "Farrah?"

Hindi pa rin siya nagsasalita

"Farrah, tulog ka?"

Wala pa ring sagot. Nakatulog ata siya sa kanta ko, "Sige matulog ka na lang dyan."

Medyo mabigat si Farrah pero kaya ko naman kaso pag matagal na, bumibigat na.

Nang makarating kami sa lugar, binaba ko na muna siya sa isang folding bed.

Inayos ko na kasi tong lugar na to bago ko pa siya dalin dito. Maayos na yung lawn para hindi siya mapalisod o matapilok. Pinacut ko na din yung grass na dadaanan namin.

Matagal ko nang nakita tong lugar na to bata pa lang ako. At simula nung nakilala ko si Farrah, siya na agad yung naisip kong unang babaeng dadalin ko dito.

Nagiipon pa ako pero dahil sa dami ng nangyari, ngayon ko lang matutupad to. Sa lahat ng surprise ko sa kanya ito ang palaging hindi natutuloy non.

Maganda ang lugar na to kaya ko pinabili kay Papa. Nung una ayaw niya dahil wala naman daw akong paggagamitan pero nung nakita niya yung buong location at nalaman namin na for sale nga talaga ay binili na namin. Regalo ni Papa sakin nung birthday ko.

Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin. Ngayon ko lang napaayos.

Nasa gitna siya ng gubat at puro punong matataas. Puno ng Thailand. Sa gitna may ilog na sobrang linis. Sa dulo ng ilog may waterfalls. Ito yung dulo kaya maganda talaga.

Pinapantay ko na yung lawn dito sa lugar na to at tinanggalan ng damo para siguraduhing walang ahas o kung ano man. Para safe kami.

Naglagay din ako ng maliit na bonfire na may nakaikot na semento na natatakpan. Para kahit umulan, safe pa rin yung mga nasa ilalim. Nag lagay din ako ng trapal at upuan, folding bed at unan sa ilalim. Para kumportable pa rin si Farrah.

Dito ako naging busy these past few weeks. Pinaganda ko talaga para sa kanya. Regalo ko na din para sa kanya bilang kaibigan at future wife.

Naupo ako sa harap niya para pantay lang yung mukha naming dalawa. Maganda si Farrah. Maganda talaga. No words can't explain how beautiful she is in my eyes.

"Farrah," tinapik ko siya ng konti

"Hmm. Andito na tayo?" Tanong niya habang hindi pa rin dumidilat at humihikab hikab pa

Natawa ako, "Oo. Gising ka na."

Kailangan na niyang magising dahil lalabas na yung araw, maganda ang view dito ng pag sikat at pag lubog ng araw kaya dapat niyang makita.

Tumayo siya na pupungas pungas pa. Ina adjust yung mata niya sa munting liwanag. Ilang minuto na lang kasi ay tataas na ang araw.

"Sleeping beauty,"

Inikot niya yun tingin sa paligid tapos tumingin sakin ng may ngiti sa mga labi at mata.

A genuine smile she gave me.

"Grabe ang bigat mo," umarte pa ako na parang ngalay habang minamasahe yung balikat ko

"Talaga?"

"Sobra," Sabi ko tapos umupo, "Kala ko payat ka kaya hindi ka ganun kabigat pero yun pala itinatago mo lang yang mga taba mo,"

"Grabe ka! Ang sama mo! Ikaw ang nag offer ng piggy back ride sa akin at hindi ako."

Natawa ako, "Bakit ka nagba-blush?"

Bigla siyang lumayo ng tingin kaya sinundan ko na lang yung tingin niya

"Ang ganda no?" Tanong ko

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now