Kabanata 9 - Farrah

5.6K 104 8
                                    

Nagising akong nakahiga, unan unan yung bag ni Kiel pero wala si Kiel. Umunat ako at umupo. Nasan kaya iyon? Sumilip ako sa labas, hindi pa ganun kaliwanag pero konting oras na lang sisikat na ang araw. Lumabas ako ng bahay bahayan.

Wala si Kiel sa paligid. Hindi naman ako na alarma na baka iniwan na niya ako dahil nasa loob yung bag niya. Umupo ako sa isang swing at pauntiunting inuyog yon. Wala na akong magagawa pang iba.

Kagabi, lahat na ata na sa isip ko. Alam kong hindi si Kiel magdamag. Ramdam ko pa ang paghawak niya sa kamay ko. Lagi naman nitong ginagawa iyon sakin kaya sanay na ako.

Biglang pumasok sa isip ko yung arrange marriage. Kaya ako napasok sa arrange marriage na to ay dahil sa utang ng family ko sa family nung lalaki. Pero hindi naman ata makatarungan na ako ang magiging bayad sa utang na iyon. Paano kung lalaki din ako? ganun pa rin ba ang kasunduan? Siguro nga. Dahil hindi naman ako panganay sa magpipinsan kundi kuya Spencer. Pero ako naman ang unang anak na babae sa pamilya. Kung siguro si Kuya Spencer ay naging babae lang, siya na siguro ang ipapakasal.

So, ibig sabihin ay matandang lalaki na ang mapapangasawa ko? Wag naman sana. Kung sakaling mapakasal nga ako dun, ayoko naman ng 3M. Ano yung 3M? Matandang Lalaking Malapit nang Mamatay. Syempre naman, kung mapapakasal nga ako, gusto ko din naman maexperience yung magkaron ng asawang kasama ko hanggang pagtanda. Hindi yung isang taon o dalawang taon pa lang biyuda na agad ako. Saklap naman non. At mas lalong hindi ako papayag magpakasal.

Wala na kong maisip. Pumayag na lang kaya ako? Para sa ganon, mawala na ang utang ng pamilya ko sa kanila. Sabagay, hindi din naman kami magkakatuluyan ni Kiel dahil may Candice na siya at ako nganga. Bahala na si Batman at Superman. Magkagulo na lahat ng villains. Wala na akong pakialam. Family first. Syempre, mahal ko pamilya ko. Mahal na mahal at gagawin ko lahat para sa kanila. Kahit ako pa ang kabayaran sa lahat ng iyon. Wala na rin naman akong magagawa. Hindi ako pwedeng tumakas na lang habang buhay.

Hindi pwede. Mas mabuting kilalanin ko na muna yung mapapangasawa ko. Malay ko naman kung gwapo yun. Gwapo na mayaman pa. Eh pano kung gwapo nga, mayaman kaso masama naman ugali. Ayaw ko na.

Pero, yun na nga lang muna ang dapat kong gawin. Ang kilalanin ko ang fiance ko. Yun na nga lang siguro muna ang gagawin ko. Kilalanin.

Napansin kong palapit na si Kiel sakin.

"Kiel," tawag ko

Kumaway siya at tumakbo, "Buti at gising ka na. Bumili ako ng almusal natin." sabi niya ng makalapit sakin

Tumayo ako at bigla ko siyang niyakap.

Hindi ko alam kung bakit basta niyakap ko na lang siya bigla.

Nalungkot ako bigla. Parang ang lungkot lungkot ng nararamdaman ko ngayon.

Naka subsob lang ako sa dibdib niya. Hindi nagsasalita.

Naramdaman kong yumakap din siya. Isang mainit at mahigpit na yakap at ibinigay niya.

Isang segundo lang. Umiiyak na ako sa harap niya. Umiiyak na naman ako sa harapan niya.

Hindi siya nagsasalita. Wala siyang tinatanong o sinasabi pero patuloy yung kamay niya sa paghagod sa likod ko. He's silently hushing me down.

Sobra na din yung pag hikbi ko sa pagitan ng mga iyak ko.

Bakit ako umiiyak? Hindi ko alam. Basta ang alam ko ngayon, sobrang lungkot ko. Sobrang lungkot.

"Mommy?"

Umiiyak pa rin ako, "Hmm?"

"Tama na. Baka atakihin ka na naman ng asthma mo,"

On cue, hindi na nga ako makahinga. Pero hindi ako tumitigil sa pagiyak. Hindi ko mapigilan yung iyak ko.

"Mommy, hinga ng malalim. Nasan gamot mo? Kukunin ko. Nasa bag?" Natatarantang tanong ni Kiel

Nagnod lang ako sa kanya dahil hindi na talaga ako makahinga.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong umiyak. Inaatake ako. Iniupo ako ni Kiel sa swing ulit at saka siya tumakbo pabalik sa bahay bahayan kung nasan yung mga bag namin.

Pinipilit kong huminga. Close eyes. Close fists. Breathe in. Breathe out. Breathe in. Breathe out.

"Farrah! Wala yung gamot mo! Where the hell is it!?" Galit na tanong niya

Hindi ko maalalang nilagay ko yun sa bag ko. I guess na iwanan ko nga.

Tumingin ako sakanya. Medyo blurred pa dahil sa luha ko saka umiling.

He lookes frustrated. Napapunas siya ng mukha niya at tumingin sakin, "Your pale."

Pumikit na lang ulit ako at pinilit na mag breathe in and out.

Maya maya naramdaman ko na lang na may humalik sakin. Pagdilat ko, si Kiel.

He's lips on mine. Actually, he's giving me air so I can breathe. Nakapikit siya. His right hand on my nape, pulling my head on him and his left hand on my cheeks.

Nakaupo ako sa swing habang siya nakaluhod sa harap ko.

Its not a kiss.

Its mouth to mouth resuscitation.

But I'm actually kissing him.

Matapos nang nangyari, hindi siya kumibo kahit ako.

Nakatingin lang kami sa isa't isa. Alam mo yung awkward? Yun ang pakiramdam ko.

"Thank you," sabi ko

Tumayo siya, "Tara. Kumain na tayo." Aya niya

Naupo kami sa isang table sa park, "Anong plano mo?" tanong ko habang kumakain na kami.

Bumili lang siya ng dalawang coffee at dalawang sandwhiches. Sa convenient store niya lang ata nabili.

"Wala. Hindi ko alam." Sabi niya, "Ang hirap kasi. Masyadong magulo. Kahit anong pilit kong wag isiipin ay ganun pa din ang nangyayari."

Napabuntong hininga kami pareho. Parehas lang kami. Anobang problema niya? Wala naman siyang nababanggit.

Napatingin ako sa kalangitan, "Tignan mo! Sunrise na!" Tumayo pa ako para mas lalong matitigan ang pagsikat ng araw

"Ang ganda pala ng sunrise no?" tanong ko.

"Ngayon ka lang ba nakakita niyan?" Tanong ni Kiel

"Oo ay hindi pala. Pero tulog pa kasi ako pag nangyayari yan." Sagot ko

"Sleepy head,"

"Hindi naman. Sobrang aga lang talaga ng sunrise na yan kaya hindi ko naaabutan kahit gustuhin ko," Sabi ko sabay kagat sa sandwhich na binigay ni Kiel

Tahimik lang si Kiel. Nakatingala lang siya.

"Sa mga oras na to, sigurado akong hinahanap na nila tayo." Tanong ko ulit

"Oo naman. Baka nga kagabi pa."

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Kde žijí příběhy. Začni objevovat