Kabanata 27 - Farrah

4.9K 81 5
                                    

Maayos na dumaan ang araw ng Sunday

Nagusap naman kami ni Kiel pero hindi na maiiwasan ang awayan namin. Simula nang nakasal kami ay hindi na tumigil ang dahilan para magaway kami. Kahit na siguro maliit na bagay ay nagtatalo na kami. Ako na rin ang naghanda ng breakfast pati lunch at nung gabi si Kiel na. Naghati kami sa labahin kaya mabilis na din kaming natapos. Tinulungan din ako ni Kiel na maglinis ng bahay maghapon habang wala sila Manang Medz at Ate Violy. Nasa ospital kasi ang anak ni Manang at si Ate Violy naman ay kinailangan nila papa sa bahay dahil gusto ni Gino si Ate kaya kaming dalawa na lang sa bahay.

Nung monday, sabay kaming pumasok. Hinatid pa ako nito sa room kaya pinagtitinginan kami ng lahat. Pinagbubulungan din. Okay din naman kami ni Jared. Naguusap pa rin kami at sabay naglunch dahil sumabay si Kiel kay Candice. Pagdating ng uwian ay isinabay ulit ako ni Kiel papauwi pero hindi mawawala ang awayan.

Halos paulit ulit ang nanyayari sa amin the whole week. Pero ngayong week, hindi na kami masyadong sabay ni Kiel dahil may practice ito dahil sa laro nito sa isang linggo. Nagkakasama lang kami paminsan minsan sa uwian dahil isinasabay ako ni Kiel o kaya ay ihahatid niya muna ako pauwi bago bumalik para magpractice pero sa mga panahong iyon ay nagkakatampuhan at nagaaway pa rin kami.

"Andito na ako." Bungad ni Kiel ng makapasok ito sa bahay.

Lumabas ako galing ng kusina at sinalubong siya, "Bakit ngayon ka lang?" Tumingin ako sa wall clock "Hindi naman ganitong oras uwian niyo ah."

"Nagalit si coach dahil maraming late kanina sa practice kaya ayun overtime kami." Sabi nito tapos ay ibinaba ang gamit saka umupo sa salas para magtanggal ng sapatos.

"Ah ganun ba? Naghanda na ako ng pagkaen natin. Sumunod ka na sa kusina at kakaen na tayo." Sabi ko tapos ay tumalikod na.

Nagsasandok na ako ng ulam ng marinig ko si Kiel na umupo sa table.

"Ano yan?" Tanong ni Kiel ng ilapag ko yung ulam sa lamesa

"Ginisang sardinas."

Kumunot ang noo ni Kiel "Sardinas? Ginisa mo? Tapos nilagyan mo ng sabaw?"

Nagnod ako, "Alam mo naman na hindi ako marunong magluto diba? Itlog lang kaya kong iluto."

Tinikman ni Kiel yung luto ko. Napapikit siya tapos tumingin sa akin, "Bakit ang tamis?"

Tumingin ako sa likod ni Kiel tapos tumingin ulit kay Kiel "Sugar ata nailagay ko."

"What?!"

Nagpout ako,

"Sana binabasa mo muna. Anu ba yan Farrah!."

"Wag mo ng kainin. Ipagluluto na lang kita ng itlog or kung gusto mo ikaw na lang magluto ng ulam mo." kukunin ko na yung ulam ng biglang hawakan ni Kiel yung kamay ko

"Hindi na. Ok na yan." Tapos kumuha na si Kiel

"Sinabi na kasing wag na!" Tapos hinila ko yung ulam pero pinigil ni Kiel kaya natapon sa sahig. Napatayo siya

"Ano ba? Di ba sabi ko okay na."

"WAG MO NA NGA KASING KAININ! ANG SAMA SAMA NG LASA NITO!!!" Tapos tinapon ko lahat ng ulam sa sink

"ANO BANG GINAGAWA MO?! ANONG KAKAININ NATIN?! SABI KO OKAY LANG! AKIN NA YAN AT KAKAININ KO NA!!.." sabi ni Kiel habang pinipigilan ako

Binitawan ko yung bowl, "WALA!! MAGLUTO KA NG ULAM MO OR BUMILI KA!!." Sigaw ko tapos ay naglakad papalayo kay Kiel

"Ano bang problema mo? Di ba sabi ko naman na ayos lang? Bakit ka ba nagkakaganyan?" Habol ni Kiel

"WALA!!.. Kumaen ka na dyan.. Matutulog na ako." Sabi ko habang nakatalikod kay Kiel

Hinawakan ni Kiel yung braso ko, "Hindi ka pa kumakaen. Halika, lumabas tayo."

Hinila ko yung brasoko, "Hindi nga ako gutom! Kung gutom ka ikaw na lang," Tapos ay dumaretso na ako sa taas

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now