Kabanata 2 - Candice

8.3K 139 18
                                    

Halos kasunod lang ako ni Farrah na dumating. Malayo pa lang nakita ko na si Kiel sa entrance ng building. Hindi niya siguro ako napansin.

Okay lang naman sakin yung ganito. At least okay kami. Okay kami ng best friend ng boyfriend ko.

Sanay na sanay na rin ako na makita silang sweet na dalawa. Wala naman kasi akong karapatan na tanggalin at pagbawalan sila sa ganun dahil matagal na silang ganun sa isa't isa. Nauna sila bago ang KAMI ni Kiel.

Sanay na ako sa tawagan ng dalawa. Minsan nga paiba iba pa. Hindi ako naiinis or whatsoever sa katunayan nga, kinikilig pa ako sa paglalambingan nila. Kung magkahiwalay man kami ni Kiel in the future, mas gugustuhin kong makita siya with Farrah kesa sa ibang babae. Ako pa ang unang unang magiging number 0 fan ng love team nila.

Oo ganyan ako kaadik sa kanila. Minsan nga ginagawa ko na sila ng fan fiction. Pero kahit konting selos wala akong nararamdaman sa relasyon nilang dalawa. Mas gusto ko ngang nakikita silang sweet kesa hindi naguusap at may problema.

I remember nung nagaway yung dalawa, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Feeling ko nga, ako ang kaaway nila kahit kausapin ko sila ng kausapin ay hindi nila ako pinapansin.

Pero kahit ganon, may konting kirot akong nararamdaman. Babae pa rin ako. Nakakaramdam. Minsan kasi kung papanoorin ko sila, parang mas higit pa sa magkaibigan ang turingan nila. It's like there's something more feelings beneath the friendship.

Yung para bang isang magkaibigan na nagka-in love-an pero natakot magaminan dahil sa pinagkakaingatang pagkakaibigan.

Masaya naman akong makita silang dalawa. Kahit minsan ang pakiram ko ay si Farrah ang girlfriend at ako ang best friend.

I envy Farrah in a good way. Teka, may good and bad na pala ngayon ang pagkainggit? Wow. Naiba na. Anyways, totoo, I envy her. Bakit hindi? Kahit anong pagkamanhid nito ay marami pa ring nagmamahal dito. Friends and her family really loves her big time. She's the apple of the eye. Matalino at maganda. Well, kahit minsan ay engot, pasaway, careless at childish si Farrah, mahal ko pa rin siya sa pagiging simple at humble niya.

Anu ba ang perfect friend? Para sakin yon ay si Farrah. Perfect definition of a perfect friend. Mdali kasi siyang magpatawad pero madali ding masaktan. Fragile siya in and out. Basta, maraming bagay ang maganda at nagpapaganda kay Farrah.

Not just outside and her soul is very beautiful. Kaya hindi na ako magugulat kung one day, sabihin ni Kiel sakin na mahal niya si Farrah more than just a friend.

Hay. Ito na naman ako. Day dreaming.

I trust Kiel so much. Pero sabi nga nila, you can't teach your heart who to love. Hindi na ako umaasa na si Kiel ang The One for me. Kasi nafo-foresee ko na ang kinabukasan kahit wala pang nakakaalam kung yun nga ba ang mangyayari. Malakas kasi ang kutob ko. Atleast, I prepared myself sa magiging break up namin. If ever.

Nagring na yung bell kaya hinila ko na si Farrah papunta sa room namin. Hiwalay yung room namin ni Farrah sa room ni Kiel. Parehas lang naman ng section kaso napunta lang siya sa kabilang building dahil mas tumaas yung grades niya kesa samin ni Farrah.

Matalino din naman kami ni Farrah. Actually, nahihiya pa nga ako kay Farrah dahil di hamak na isang cheer leader lang ako samantalang si Farrah ang entitled sa pagiging Geek Goddess ng school.

"Bakit ka late?" Tanong ni Farrah that pulls me back in realization

"Late na ako nakatulog. Ginawa ko pa kasi lahat ng projects at assignments natin. Ayoko naman na dito gawin lahat yun. Nakakahiya."

"Ako nga rin." Sagot ni Farrah sabay hikab, "Late na din ako nakatulog."

Naupo na si Farrah sa upuan niya malapit sa bintana at naupo naman ako sa tabi niya.

"Sabay tayong maglunch. Treat naman ni Kiel eh." Yaya ni Farrah

"Talaga? Aba! Hindi na siya kuripot ha."

"Ha? Hindi naman talaga siya kuripot ah."

"Anong hindi? Lagi kami KKB nun."

"Weh?? Sabagay, ganun naman talaga un. Pati sakin ganun ung kumag na yon. Hayaan mo at sasabihin ko na wag siya masyadong kuripot." Sabi ni Farrah habang nakanguso.

Natawa na lang ako bigla

"Bakit?" Tanong ni Farrah habang nakatingin sakin

"Eh kasi... ang cute cute mo pag nakanguso ka.." Sabi ko sa pagitan ng mga tawa "Kung lalaki lang ako, naligawan na kita. hahahah!"

"I'll take that as a compliment." Sabi ni Farrah na tumatawa na rin.

Maya- maya pa ay dumating na ang teacher nila. 

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now