Kabanata 3 - Farrah

7.9K 139 30
                                    

Maagang natapos yung klase namin. May meeting naman daw kasi yung mga teachers namin ngayon kaya hinayaan na lang nila kaming walang klase at walang ginagawa sa loob ng class room namin.

Pabor naman kami ni Candice dun kase mas gusto namin magkwentuhan kesa magaral. Ganito talaga, may mga panahon na nakakatamad lang talagang magaral. Lalo na kung stress na stress ka na sa mga pangyayari sa buong week. One week na ata kaming tambak ng mga projects at assignments.

"Si Kiel!" narinig kong sigaw nung isa kong classmate

Wala din sigurong klase sila Kiel kaya dito siya tumuloy. Makikipagkwentuhan lang siya dito.

Tuloy parin yung pagke-kwentuhan namin ni Candice. Hindi niya siguro napansin ang pagdating ni Kiel.

Naramdaman kong naupo si Kiel sa likod namin. Nakatalikod kasi kami mula sa pintuan, masyado kasing mainit kaya humarap kami sa bintana. Ewan ko ba dito sa school namin, mahal mahal ng bayad tapos walang aircon.

"Dadating na nga pala si mommy next next week. Punta ka sa house party namin ha." Yaya ko kay Candice.

Matagal na kasi yung last na uwi ni mama galing ibang bansa kaya tuwing uuwi naman siya nagpapa-house party kami. Parang thanks giving na rin dahil sa safe at successful life niya don sa Italy.

"Talaga? Eh next next week na din yung dating ng mommy ni Kiel diba?" Tanong ni Candice

"Ha? Ewan ko. Wala naman siyang nasabi sakin na tungkol dun."

"Oh? baka nakalimutan niya lang."

"Hmm. Baka nga. So may house party din ulit sila?" tanong ko

Kagaya kasi ng nanay ko ang nanay ni Kiel. Ilang years yun bago bumalik. Kung si mama, 5 to 6 years ang pagitan ng mga paguwi niya, yung kay Kiel minsan 10 years pa bago umuwi.

"Oo so, pano yun? Baka magkasabay yung house party niyo? Hindi ka makakapunta sa kanila? at hindi din siya makakapunta sa inyo?"

"Oo nga no? Pero malay mo naman, magkaibang araw gaganapin. May pagasa pa." Sagot ko

"Pero pano nga kung magkasabay?"

"Kung ganon nga, wala akong choice. Hindi nga ako makakapunta kasi sure ako na hindi ako papayagan ni papa. Saka house party din ni mama yun."

Bumuntong hininga si Candice, "Ibig sabihin, I have to choose between you two kung kaninong house party ako pupunta?"

"Don't worry babe, you can go to my house after ng bisita mo kila Farrah." Singit ni Kiel

"Nakakagulat ka naman, babe." Sabi ni Candice na sapu-sapo yung dib-dib niya

"Kanina pa ako dito. Masyado kasi kayong busy sa pagke-kwentuhan kaya hindi niyo narinig ang pagpasok ko. Nagtilian pa nga yung mga fans ko," Sabi ni Kiel sabay kindat pa

"Eww." Sagot na para bang masusuka sa pagkindat niya

"Ew ka dyan! Talaga naman na fans ko ang mga yan. Sa gwapo ko ba naman na ito, hindi ba pwedeng magkaron ng fans?"

"Nananaginip ka na naman ng gising babe," Sabi ni Candice na natatawa sa pagtatalo namin ni Kiel

"Anung nananaginip?" Tanong ko tapos tumingin ulit kay Kiel, "May lagnat ka no? o naka drugs ka? Ah lasing ka no?"

"Pwede ba Farrah, just accept the fact. You are so blind of the realization." Sabi ni Kiel na naka ngisi tapos tumingin kay Candice, "Tara kain na tayo. Gutom na ko saka lunch time na din." Sabi niya sabay tayo

"Accept the fact. Blind of the realization." I murmur, "Pwede ba gutom lang yan!" Sabi ko

"Alam mo ikaw, hindi ko alam kung bestfriend nga ba kita o kaaway. Lage mo na lang akong binabara. Pwede bang agree ka na lang muna?" Sabi ni Kiel sabay kuha ng bag ni Candice at ibang libro ko

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang