Kabanata 37 - Kiel

4.2K 61 7
                                    

Dahil saturday ngayon, maagang akong nagising.

Nag handa ng mga damit dahil yayayain ko si Farrah na mag beach ngayon. Nag handa na agad ako ng breakfast namin ni Farrah pagkatapos kong maiayos lahat ng kailangan namin para sa surprise swimming. Oo, alam kong may schedule kami kung sino ang mag luluto ng breakfast araw araw pero masaya na akng pinaglulutuan ko si Farrah at nakikita itong naka ngiti tuwing umaga habang kumakain siya nang niluto ko para sa kanya.

Habang nagluluto ay na umpisa na din akong mag laba. Since may washing machine naman, inumpisahan ko nang ibabad yung mga damit namin ni Farrah. Ang pinagtataka ko lang, bakit hanggang ngayon ay tulog pa rin si Farrah kahit ilang beses na kong naka labas pasok sa kwarto niya. Lagi na lang siyang late kung magising. Ganun ko na ba siya napapagod every night? Oh well.

Nag linis na rin ako ng buong bahay at pinunasan ang kasuluksulukan nang bahay pero tulog pa rin si Farrah.

"Tss. Naiinis na ako. Minsan lang ako maging masipag eh!" Umakyat ako sa kwarto ni Farrah at nakita siyang tulog mantika.

May naisip ako.

Kinuha ko na muna yung video camera ko sa kwarto at nilagay sa tripod saka itinutok kay Farrah.

Lumapit ako sa kanya ng dahan dahan. Umupo ako sa tabi ni Farrah.

"Farrah.." Sabi ko habang marahang niyuyugyog ito.

"Hmn?"

"Gising na."

Gumalaw si Farrah at inilabas ang mukha galing sa pagkakabalot sa kumot. Tapos ngumiti ito at nakatulog ulit.

Nakatitig lang ako kay Farrah.

Na aadik na ako. Ilang beses na ito. Adik na adik na ako sa lips niya. Pink, small pouted lips. Nakakainis! Bakit ba minamanyak ko sarili kong asawa? Adik lang talaga. Magpigil ka Kiel! Magtigilka!

Lumapit ako ng kaunti kay Farrah.

My mind silently cursed myself pero Farrah, Sorry. Na aadik lang talaga ako sayo ngayon.

Lumapit pa ako ng konti sa mukha ni Farrah.

Saka hinalikan ito sa labi.

Hindi ko malaman kung anong mangyayaring sunod basta ang alam ko ay ninakawan ko ng halik si Farrah.

I'm really a Kiss Stealer. Pero syempre. Sa asawa ko lang yun.

Napa tayo ako bigla ng maalalang naka camera sabay napa balikwas. Patay!

Tatakbuhin ko na sana yung camera ng biglang nagising si Farrah, "Kiel..?"

Tawag nito. Humarap ako sa kanya at nag stiff ng konti. Nag scratch pa si Farrah ng isang mata habang ang isang mata ay pilit na idinidilat at naka pout pa.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Farrah

"Ha? Ah.. Wala. Ginigising kita. Kaso hindi ka magising eh. Tulog mantika."

"Ah.. Ganun ba? Sorry ha." Tapos ay nagunat ito.

Kailangan ba talagang mag pa cute sa harap ko, Farrah? Tense na ako dito, oh? Hindi mo pa ba feel?

Tumayo si Farrah tapos ay humarap sa akin. Bigla niya akong niyakap. Sana hindi pa rin niya pansin yung camera. Pero ang dami nang narecord nun. Nakakahiya

Kahit kinakabahan dahil sa camera, niyakap ko na rin si Farrah.

"Farrah."

"Hmn?"

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now