Kabanata 25 - Kiel

5K 82 6
                                    

Saturday, September 28, 2011

Maagang akong nagising. Nakapag isip isip na rin ako ng matino. Ako ang lalaki kaya gagawa ako ng paraan para ako naman ang sundin ni Farrah ngayon. Nagpalit ako ng pambasketball tapos ay dumaretso sa basketball court ng subdivision naming

Magisa lang akong naglalaro ng dumating si Jared.

"Pwede sumali?" Sabi nito

Hinagis ko ang bola sa kanya tapos nag shoot ito sa ring pero hindi pumasok tapos ay pinasa ulit sa akin ang bola tapos ay nagshoot ako pero pasok na.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Hari ng ring pa rin." sabi ni Jared

"Bakit ikaw? Shooter ka pa rin."

"Shooter? Hindi nga pumasok eh."

"Laban?" Tanong ko

Nag nod lang si Jared tapos nagumpisa na kami.

Nang matapos na ay tie ang score naming dalawa. Naupo kami sa bench at nagusap.

"Kiel," tawag ni Jared

"Bakit?"

"Lahat ng nangyayare may rason hindi ba?"

Napatingin ako kay Jared "Ano? Hindi kita maintindihan."

Tumingin siya sa akin, "Alam ko na kasal ka na kay Farrah."

"Alam mo na pala. Pano?"

Ngumiti si Jared. "Hindi mo na kailangan malaman kung paano. Basta alam ko."

"Anong gusto mong iparating?"

"Gusto ko si Farrah."

"Gago ka ba? Alam mo na ngang kasal kami pero gusto mo pa rin siya?"

"Gago na kung gago pero yun ako eh. Gusto ko siya. Alam kong kasal kayo pero hindi naman asawa ang tingin mo sa kanya hindi ba? You never treated her like one."

"Pare, wag si Farrah."

"Seryoso ako sa kanya Kiel. Siya lang ang babaeng nagturo sakin ng tunay na pagmamahal. Corny, pero totoo. Siya yung babaeng siniseryoso."

Ngumisi lang ako pero hindi na nagsalita.

"Sapakin mo ako Kiel." Sabi ni Jared

Hindi na ko nagdalawang isip at sinapak ko siya. Natumba si Jared at medyo dumugo ang labi nito. He lick his lips as he tastes the blood on it.

"Pag umiyak si Farrah, hindi na ako magdadalawang isip na kunin siya at ilayo sayo. Kahit na kasal kayo, gagawin ko yun Kiel. Kilala mo ako." Tapos ay tumayo siya

"Eh gago ka naman pala eh!" Tapos sinuntok ko ulit si Jared pero nakailag si Jared at ako naman ang sinuntok nito sa mukha, natumba ako at dumugo din ang labi.

"Mas gago ka kung hahayaan mo siyang makawala sayo. Pero sige, hahayaan ko siya sayo. Wag lang siyang tatakbo sakin na umiiyak dahil ilalayo ko siya talaga." sabi ni Jared.

Ngumiti ako tapos ay kinuha ang kamay ni Jared para makatayo ako.

"May the best man wins." Sabi ni Jared

Tinapik ko lang ang balikat ni Jared saka umuwi.

Naligo ako saka bumaba ulit sa salas.

Nakakabwiset ang ganung pangyayari. Asawa mo na nga may nagkakagusto pang iba. Sayo na nga may aangkin pa! Bwiset talaga.

Nakita ko si Farrah sa garden at nagdidilig ng halaman.

"Farrah, sandali." Tawag ko

Pumasok kami sa kusina. Kumuha ako ng tubig saka humarap kay Farrah

"Bakit ba?" Tanong niya habang nakapameywang pa

"Gagawa ako ng bagong arrangements natin. Babaguhin ko ang contract na ginawa mo. Baguhin natin lahat lahat. As in bago." Sabi ko

"Ano? Baliw ka na ba?" Tanong ni Farrah

Napakamot ako ng ulo "Babaguhin lang contract baliw na agad? Anu ba? basta akin na ang contract babaguhin natin yun."

"OO NA!" sigaw ni Farrah sabay akyat ng hagdan.

Magkatapat kaming nagsusulat ng contract namin. Lahat ng mga gusto naming gawin para sa isa't isa ay gagawin namin.

"Tapos na ako." sabi ko

Tumingin si Farrah sa akin, "Ako din."

Tapos ay nagpalit kami ng papel. Binasa ko ang kay Farrah.

1. Schedule sa pag gawa ng breakfast. (Wag laging naka asa kay Manang at ate Violy)

2. Schedule sa paglilinis at pagtulong kay Manang at Ate Violy sa loob ng bahay.

3. Walang makakaalam ng about sa kasal.

4. Walang pakeelamanan ng mga gamit unless manghihiram.

Napatingin ako kay Farrah "Yun lang?"

Nag nod si Farrah tapos binasa naman yung akin

1. Sasabay sa kotse every weekdays. Papasok at papauwi.

2. Magpapaalam kung saan pupunta bago umalis.

3. Gusto ng isa gusto ng lahat. Ayaw ng isa ayaw ng lahat. (Para fair kay Manang at Ate Violy)

"Sus. Dinamay mo pa sila Manang," Sabi ni Farrah

4. Tulungan sa laundry para hindi laging pagod si Manang at Ate Violy.

5. Kung saan pupunta ang isa dapat kasama ang isa.

6. Tatawag kung gagabihin o hindi uuwi.

7. Laging suot ang wedding ring.

8. Bawal ang bisita.

9. Bawal ang lumabas every sunday. Family day yun. Kaya bawal.

10. NO THIRD PARTY

Napatingin siya sakin, "Ano to?! Puro kalokohan! Bakit kailangan ng ganito? Ayoko nito!" Sabi ni Farrah

"Wala kang magagawa. Napirmahan ko na tong sayo. Pirmahan mo na lang yan."

"AYOKO."

"Hoy! Wala akong reklamo sa mga nakalagay sayo ha! Wag kang maarte dyan at pirmahan mo na lang!!"

"Bobo ka talaga! Wala nga dapat makakaalam ng kasal natin tapos dito naman sayo kailangan laging suot ang wedding ring?!"

"Edi tanggalin natin tong sayo!." Sabi ko tapos biglang binura yung number three niya. "Yan! Solve ang problema mo!"

"Madaya ka!"

"Bakit? anong madaya dun? Wala naman sa contract mo bawal magbura ah!"

"Sayo din naman ah!"

"Anong wala meron pa yan sa likod no!"

Tinignan ni Farrah yung likod nag bond paper.

11. Bawal magbura ng kahit isa sa kontrata.

12. Final contract na ito. Bawal na baguhin.

13. Every Friday and saturday ang date natin. Bawal ang umayaw.

14. Call me HoneyBabe.

Napatingin ulit si Farrah sakin. "Bwiset!" sabi niya sabay pirma.

Ngumiti sa ako, "Thank you HoneyLove."

Sinamaan niya ako ng tingin, "Che! HoneyLove mo mukha mo!" Sabay tayo papuntang garden para magdilig na ulit.

"Hoy! Nasa kontrata kung anong itatawag mo sa akin! Bawal yang kasungitan mo!"

"Oo na HoneyBabe! At aba! Wala sa kontrata yung hindi pwedeng magsungit! Che!" Sigaw ni Farrah na naiinis na.

Tumawa ako ng tumawa. Alam kong babagsak din sa akin si Farrah. This marriage will be exciting. I smirk, "C'mon and get her Jared."

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now