Kabanata 14 - Farrah

5.2K 83 6
                                    

Maghapon kaming magkasama ni Kiel. Nagpunta sa kung saan saang tourist spots dito sa Thailand. Mga magagandang tanawin.

Malaking pera ang nagastos namin kakabili ng kung anu anong mga bagay na makita namin. Minsan kahit walang kwenta binibili pa rin namin.

May mga oras na hindi ko mapigilang malungkot dahil pagkatapos ng buong maghapon na ito, sabay na namin tatalikuran lahat lahat at pilit na kakalimutan lahat ng namagitan saming dalawa. Kahit alam naming pareho na hindi madaling kalimutan yun. Maguumpisa ulit kami sa hindi magkakilala.

Mahirap at malungkot pero kailangan kong gawin to para na rin sa akin, sa kanya at kay Candice. Atleast, kasama ko pa rin siya. Yung taong mahal ko.

Pero nagui guilty talaga ako. Dati mahal ko lang siya pero guilty na ako kay Candice, ngayon papakasalan ko pa.

Naupo kaming dalawa sa hood ng kotse ngayon sa lugar na mataas at kita ang buong tanawin, sabay na pinagmamasdan yung paglubog ng araw. nakakatuwang isipin na yung bestfriend ko ay andito lang kahit ako na mismo ang lumalayo sa kanya pero hindi pa rin nawawala sa isip ko yung kasla at truce na ginawa naming dalawa.

Hindi naman yun para sa akin kundi para sa pamilya ko at para din kay Candice. Naalala ko pa yung huling paguusap namin ni Candice. Umiyak ito sa harap ko para lang hindi ko ituloy yung pag putol sa pagkakaibigan naming dalawa. Paulit ulit siyang nagtatanong kung anong nagawa niyang masa at kung may problema kaming dalawa. Hindi ko siya masagot. Dahil alam ko na siya ang may kasalanan sa kanya. Ilang beses pa siya humingi ng kapatawaran sakin pero sa huli ako pa rin ang nag sorry sa kanya kahit hindi ko maipaliwanag ng maayos kay Candice ang tunay na dahilan.

Natatakot ako na baka lalong masira ang friendship namin ni Candice pagsinabi ko ang totoo sa kanya. Sasaktan ko lang siya. Kaya mas okay nang ako ang masaktan wag lang ang kaibigan. Wag lang siya at si Kiel. Alam kong mahal na mahal ni Kiel si Candice kaya nagawa kong magdesisyon kahit na ang kapalit ay sarili kong kaligayahan. Martyr na kung Martyr wala na lang pakialamanan.

"Ang tagal naman," Angal ko

"Bakit naman parang minamadali mo yung paglubog ng araw? Ayaw mo na ba ako makasama?"

Tumingin ako sa kanya at ganun din siya sakin, "Loko. Syempre hindi. Nangangalay na rin kasi yung leeg ko kakatingala."

Tumawa si Kiel.

"Anong nakakatawa?" Tanong ko

"Hindi ka na nagbago. Dalaga ka na Farrah. Umayos ka naman kahit konti," Sabi ni Kiel

Hinampas ko siya sa braso, "Aray!" Sigaw ni Kiel habang minamasahe ang brasong pinalo ni Farrah

"Loko ka talaga,"

Ngumiti si Kiel, "Halika nga dito. Payakap ako sa Bestfriend kong makulit at selosa," Tapos hinabig niya ako sa tagiliran at niyakap

"Makulit at selosa ako? Hindi no. Kung boyfriend pa kita baka pa," Sabi ko sabay hilig ng ulo ko sa balikat ni Kiel

May binulong si Kiel pero hindi ko na narinig. Masyadong mahina para marinig ko.

Tumahimik na lang ako.

**

Sabay naming pinagmasdan ang araw na unti unting lumulubog. Ganun pa din ang posisyon naming dalawa. Naka yakap si Kiel sa bewang ko habang nakahilig naman ang ulo ko sa balikat niya. Hanggat hindi pa natatapos ang araw na to, pagbibigyan ko na muna ang nararamdaman ko. Kahit hindi ko aminin, ipaparamdam ko na lang sa kanya na mahal ko siya.

Hindi ko alam kung kelan pero alam ko sa puso ko na mahal na mahal ko si Kiel. Walang pakialamanan sa nararamdaman. Masokista ako at gusto kong makasama ang taong mahal ko kahit iba naman ang laman ng puso nito.

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora