Chapter 1 - The Stubborn Girl

1.9K 50 30
                                    

DAHYUN'S POV :

"Dub ! Dub ! Dub !"

"Nakapagbihis ka na , Dub ?"

"Male-late na tayo , Dub"

"Dub , Ano ba ?! Nag-aayos ka na ba diyan sa loob o natutulog ka pa din ?"

"Dub ! Lumabas ka na diyan"

"Kim Dahyun ! Pagbilang ko ng lima't hindi ka pa diyan sumasagot , Talagang malalagot ka sakin"

"Yes , Mom ! Babangon na" Sumagot na ko sa Mom kong kahit kailan ay hindi napapagod na kulitin ako nang kahit na ilang beses .

"What do you mean ? Babangon ?!" Rinig kong tanong niya mula sa labas ng kwarto ko.

Agad nang bumukas ang pinto ng kwarto ko't nakita kong nakakunot-noo na ang Mom kong sobrang kulit .

"Dub ! Ang kulit mo talaga . Sinabihan na kitang dapat kumilos ka ng maaga ngayon eh" Sermon niya sakin sabay pamewang pa.

"Mom , Nagmana lang ako sayo . Sa'ting dalawa , Alaman nang mas makulit ka" Sagot ko sabay ngisi na lang sa Mom kong nakatingin lang sakin nang masama.

"Kahit kailan talaga , Dub . Bilis na , Kumilos ka na't mag-ayos ng sarili mo" Sagot niya sakin .

"Mom , Wag niyo na nga kong tawaging Dub . Hindi na ko bata eh . Instead of calling me Dub , Dahyun ang itawag niyo sakin"

"Kahit na anong gawin mo . Kahit na anong mangyari . Kahit na tumanda ka pa , Ikaw parin ang Dub namin" Sagot ni Mom kaya naman napakamot ulo na lang ako.

"Mom naman eh . Wag na ngang Dub"

"Dub , Tama nang angal . Hihintayin ka namin ng Dad mo sa living room" Sagot niya sabay labas na ng kwarto ko.

As usual , Kailangan ko na namang makipagdate sa anak ng mga nagiging business partners ng parents ko .

Hello , Ako nga pala si Kim Dahyun . 20 . Maganda . Mabait . Matalino . Masayahin . Kaisa-isang anak . Kulang man ako sa height , Biniyayaan naman ako ng sobrang cuteness . Lumaki sa pamilyang may ari lang naman ng Chocolate Factory . Business ng parents ko ang "Chocolatey Sweety" Store na may iba't-ibang branch sa bansa .

"Dub ! Ang tagal mo" Rinig kong malakas na sabi ng Mom ko sa labas ng aking kwarto.

"Kikilos na , Mom"

Ano pa bang magagawa ko ? Nasanay na yata ako sa kaka-ganyan ng parents ko sakin eh . Kailangan kong makipagdate sa mga pipitchugin na anak ng business partners nila kahit na labag sa kalooban ko .  Curious kayo kung bakit ginagawa ko parin 'to ?

Malapit nang ma-bankrupt ang business ng pamilya namin . Para masagip ang business na pinaghirapan , Napagdesisyonan ng magulang kong i-reto ko sa anak ng business partners nila o sa iba pang anak ng mga popular at mayayamang businessman .

Ayos diba ? Kahit naman ilang beses pa nila kong ipa-date sa mga walang kwentang anak ng business partners nila , Walang tatagal sakin . Sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay ng sino'mang ipade-date nila sakin .

RESETWhere stories live. Discover now