Chapter 36 - Minatozaki Dahyun

850 27 3
                                    

DAHYUN'S POV :

Napagod kami ni Sana sa kakahabol sa isa't-isa sa likuran ng bahay . Kasi naman , Tinatawag niya kong Dub . Bakit kasi ang iingay ng mga kaibigan ko ?! Nalaman pa tuloy ni Sana na "Dub" ang initatawag nila sakin.

Napatawa na lang kami nang mapatingin sa isa't-isa . I don't know what to do . Sana , Why are you doing this to me ?! Natigilan ako sa pagtawa dahil alam kong magulo ang mga bagay-bagay samin ngayon .

Ano ba talagang gustong palabasin ni Sana ? Bakit sinabi niya ang mga bagay na yun sa mga kaibigan ko ? Pakiramdam ko , Pinagtitripan niya ko eh .

Tama ! Pinagtitripan niya ko ngayon . Wala na siguro siyang magawa . Aish , Akala ba niya natutuwa ako sa mga pantitrip niya sakin ngayon ? Sinasabi niyang suot niya ang bracelet at wedding ring dahil yun ang inititibok ng puso niya . Lol , Ano 'yun ?! Baliw lang .

Siya na mismo nagsabi noon na never ngang magkakaroon ng meaning ang mga bagay-bagay sa pagitan naming dalawa .

Tapos , Ini-backhug pa niya ko . What the hell ?! Nare-relax siya kapag niyayakap niya ko ? Kalokohan . Nako ! Hindi ako magpapaniwala sa mga trip niya sakin ngayon .

Ako at si Sana , Never na magkakaroon ng pagmamahal sa isa't-isa . Yan ang palaging tatandaan ko . Tsk . Ginugulo niya ang isipan ko eh .

"Yah ! Dub . Nakatulala ka !" Natauhan ako dahil kinakausap na pala ako ni Sana .

"Huh ? Ah , Wala 'to" Agad na kong bumangon sa pagkakahiga sa damuhan .

"Ano bang iniisip mo , Dub ?" Tanong niya sabay bangon na rin.

"Wala naman . Don't Worry , Wala lang 'to"

"Anong wala lang ? Eh , Hindi ka na nga makausap sa kakaisip sa kung ano man yan" Sagot niya sakin.

"Wala nga 'to , Kulit"

"Dub , May hihingin akong pabor sayo" Sabi niya sakin .

"Please , Don't call me Dub"

"Kung titigilan ko ba ang pagtawag na Dub sayo , Pagbibigyan mo ang pabor ko ?" Tanong niya sakin nang nakangiti.

"Oo ! Wag mo lang akong tawaging Dub"

"Sige , Sabi mo 'yan eh . May hihingin akong pabor sayo" Sagot niya sakin.

"Ano ba yun ?" Bigla siyang tumingin sakin nang paseryoso . Ano na naman 'to ?

"Pwede bang kalimutan mo na yung mga sinabi ko noon ?" Tanong niya sakin.

"Alin ? Anong kakalimutan ko ?"

"Yung sinabi ko na ikaw at ako imposibleng magkagustuhan . Yung mga bagay-bagay sating dalawa na kahit kailan ay walang ibig sabihin . Sana kalimutan mo na yun" Sagot niya sakin.

Heto na naman tayo ! Trip niya talaga ako . Kainis .

"Eh , Ano namang gusto mong mangyari ?!"

"Gusto kong bigyan na natin ng meaning ang lahat" Sagot niya kaya naman natigilan ako.

"What the hell are you talking about ?!" Agad na kong tumayo at akmang lalakad na pabalik sa loob nang bigla siyang magsalita .

"Minatozaki Dahyun , I Love You" Rinig kong sabi niya kaya naman natigilan ako .

Akala ko ba hinding-hindi niya ko tatawaging "Minatozaki Dahyun" ? Bakit sinasabi niya sakin 'yun ngayon ?!

"Hinding-hindi kita tatawaging Minatozaki Dahyun , Diba 'yan yung sinabi mo sakin noon" Humarap ako sa kanya . Nabigla na lang ako nang nasa likuran ko na pala siya . Bigla niya kong hinila palapit sa kanya , Niyakap niya ko nang mahigpit .

"Sa--Sana , What are you doing ?!"

"Seryoso ko sa mga sinasabi ko . Hindi ako nagbibiro" Sagot niya habang yakap ako.

"Nagbibiro ka lang , Diba ? Sana naman eh , Ginugulo mo ang isip ko"

"Seryoso ko , Dahyun" Hinawakan niya ko sa aking balikat at tinitigan ako nang paseryoso .

Sana , Bakit ? Bakit ginaganito mo ko ? Totoo bang may gusto na siya sakin o trip niya lang ako ? Aish !

Hindi ako makakilos nang akma niya kong habalikan sa labi . Anong gagawin ko ?! Omo ! Ang bilis ng tibok ng puso ko .

"Sana !" Agad kong ihinarang ang daliri ko sa labi niya .

"Ba--Bakit ?" Tanong niya sakin.

"Naisip ko na , What if papuntahin natin dito bukas ang mga kaibigan mo at kaibigan ko ?" Wala na kong maisip na ibang sasabihin eh.

"Huh ? Bakit naman ?" Clueless niyang tanong.

"Gusto kong magkakilala rin ang mga kaibigan natin . Masaya 'yun . Promise"

"Okay , Tama ka . Mukhang magandang idea nga 'yun" Sagot niya sakin .

"Tama ka diyan" Tumango na lang ako sa kanya . Umiwas na lang ako nang tingin sa kanya. Ang awkward nito . Shet !

"Ahm , Dahyun . Gusto ko talagang malaman mong seryo---" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya kasi nagsalita na ko .

"Bukas ! Bukas ng gabi natin sila papuntahin dito . Mamili na muna tayo ng mga lulutuin bukas ng umaga" Natigilan na lang siya sa mga sinabi ko .

Heto na naman tayo eh ! Magsasalita na naman siya ng kung ano-ano . Sinusubukan ko na ngang ibahin ang topic eh .

"Sige . Sabi mo eh" Sagot niya sakin sabay kamot sa ulo niya .

"Pahinga muna ko sa loob ng bahay" Nagmadali na kong tumakbo papasok sa loob ng bahay .

Wew ! Umiiwas na nga ko sa topic na 'yun eh , Pilit naman niyang mine-mention .

Hindi dapat ako nababaliw nang ganito eh . Nagsimula lang akong magkaganito nung sinagot niya ang tanong ng mga kaibigan ko . Kainis ! Miski ako , Naguguluhan na rin sa nararamdaman ko .

Ayokong umasa . Ayokong magkaroon ng misunderstanding . Ayokong masaktan .  I'm Dahyun , No one can beat me .

💐To be Continued💐

Kailan nga ba paniniwalaan ni Dahyun ang mga sinasabi ni Sana ? Abangan .

VOTE.COMMENT.SHARE

RESETOnde histórias criam vida. Descubra agora