Chapter 6 - Drunken or Crazy ?

852 31 6
                                    

SANA'S POV :

"Miss , Wake Up . Kotse ko 'yang dinadantayan mo" Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang babaeng 'to na umalis sa harapan ng kotse ko pero mukhang wala siyang pakialam sa mga sinasabi ko.

"Please Miss , I have to go" Sinusuyo-suyo ko pa siya . Dahil sa wala na kong choice kundi i-alis siya , Agad ko na siyang inalalayan at initayo . Nang makita ko ang mukha niya , Parang nagkita na rin kami ng babaeng 'to dati. Hindi ko lang maalala kung saan .

"Hmm , Sino ka ba ? Bitawan mo nga ko . Kotse ko 'yan eh" Sabi niya sakin habang inaalalayan ko siya.

"Sorry , Kotse ko 'to" Sagot ko na lang sa kanya.

"Damn ! Akin 'yan eh . Magnanakaw ka ng kotse" Sagot niya sabay biglang pitik sa tenga ko . What the hell ?!

"Miss , Lasing na lasing ka na . Delikado kayang mag-isa kapag gabi"

"Mas delikado ang buhay mo dahil kotse ko 'yan" Sagot niya sakin . Natutumba-tumba pa siya kaya naman nakaalalay ako sa kanya.

Para talagang nagkita na kami ng babaeng 'to . Saan nga ba ?! Kailangan ko nang umalis pero hindi ko naman pwedeng iwanan ang babaeng 'to .

Bakit kaya nagpakalasing ang babaeng 'to sa Bar kanina ? Baka may problema o baka walang magawa sa mundo .

"Miss , Mabuti pa ihahatid na kita sa inyo"

"May kotse ako" Sagot niya sakin.

"Nasaan ? Makakapagdrive ka pa ba ? Lasing na lasing ka na . Mabuti pa ihahatid na nga kita . Balikan mo na lang 'yung kotse mo"

"Lahat ng kotse dito akin" Sagot niya sakin .

Lasing ba talaga ang babaeng 'to o baliw talaga ?! Ang lakas ng tama eh . Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin .

What if iwananan ko na lang siya dito ? Aish ! Hindi pwede dahil baka makita na naman siya ng mga kaaway namin kanina . Mapapa-trouble ang babaeng 'to .

"Uuwi na ko . Letcheng buhay 'to" Sambit niya na halatang nahihilo na talaga.

"Ihahatid na kita , Let's Go" Dahan-dahan ko na siyang dinala sa kotse ko . Wait , Saan ko ba ihahatid ang babaeng 'to ?

Inicheck ko na ang phone niya kaso lowbat na . Wala naman akong mahanap na ibang details about sa kanya sa wallet niya . Wala na siyang pera sa wallet niya .

Bahala na nga . Makakayanan ko 'to . Agad na kong nagmaneho para maihatid na siya .

"Miss , Saan ang address ng bahay mo ?" Tanong ko habang nagmamaneho.

"Lumiko ka diyan" Sagot niya sakin kaya naman sinunod ko siya .

"Ay , Sa kabila pala" Extra na naman niya kaya bumalik ako.

"Dun yata sa kabila eh" Sagot niya sakin . Kanina pa ko napapagod sa kakapaikot-ikot namin .

"Miss , Ano ba ? Saan nga ?!" Nakakunot-noo kong tanong.

"Hindi ko maalala eh . Hahaha !" Sagot niya sabay biglang tawa.

Ini-park ko muna sa isang tabi ang kotse'r tumingin sa kanya.

"Niloloko mo ba ko ?! Iiwanan kita dito" Warning ko sa kanya.

"Okay , Goodbye" Sagot niya lang sakin . Tinamaan na ng lint*k . Ano nang gagawin ko sa babaeng 'to ?! Bakit nga ba ko nakikipag-usap sa lasing ? Kainis .

Since hindi ko na alam kung anong dapat na gawin sa lasing na babaeng 'to . Patutuluyin ko na muna siya sa bahay para naman mahimasmasan muna siya. 

"Anong pangalan mo , Miss ?"

"I don't know" Sagot niya sabay higa na lang sa pwesto sa likod.

Napabuntong-hininga na lang ako . Tama na ! Nagmaneho na ako't bumiyahe na pauwi sa bahay .

Inicheck ko muna kung dumating na sila Mom and Dad . Sakto namang wala pa pala sila . Hindi yata sila makakauwi ngayon . Tamang-tama , Pwede kong patuluyin ang babaeng 'to kahit sa sofa .

Agad ko na siyang inalalayan at dinala sa loob ng bahay . Bigla naman siyang nagkamalay .

"Hmm , Ano bang ginagawa mo ?!" Rinig kong tanong niya habang inaalalayan ko siya palapit sa sofa .

Natigilan na lang ako nang makaramdam siya ng kung ano . Napatingin na lang ako sa kanya . Nanlaki ang mata ko nang bigla niya kong sukahan . WHAT THE FVCK ?!

"Shet !" Nasabi ko na lang dahil sa ginawa niya . Kadiri !

Nagmadali na kong ihiniga siya sa sofa dahil wala naman siyang suka . Ako 'yung nasukahan niya eh . Buwisit talaga ! Sinira ng babaeng 'to ang araw ko .

Nagmadali na kong nag-ayos ng sarili ko dahil nakakadiri talaga 'to .

Matapos kong mag-ayos ng sarili , Binalikan ko siya sa sofa sa living room . Tulog na tulog na siya . Aish ! Bakit kasi tinulungan ko pa siya ?! Hindi ko dapat ginagawa 'to eh .

Napagod ako nang sobra nang dahil sa babaeng 'to kaya matutulog na rin ako . Buwisit !

💐To be Continued💐

VOTE. COMMENT.SHARE

RESETWhere stories live. Discover now