Chapter 45 - Roadtrip

668 20 15
                                    

DAHYUN'S POV :

Kinaumagahan , Agad na kaming kumilos ni Sana dahil parating na ang mga kaibigan namin . Nang makapagready kami , Dumating na din silang lahat .

Dala na ni Jihyo 'yung van nila . Yung mga kaibigan naman ni Sana may mga dala nang pagkain .

"Ano pang hinihintay natin ?" Tanong ni Sana sa kanila.

"Let's Go ! Magsisakay na kayo sa Van . Alam ko naman 'yung beach resort na pupuntahan natin" Sabi ni Jihyo samin.

"Sakay na, Guys" Sabi ni Sana sa kanila.

"I'm sure mauuntog ang Yoda na 'yan kapag pumasok siya sa Van" Pagpaparinig ni Chaeyoung .

"I'm sure na walang kauntog-untog ang Smurf na kasama natin. Pwede na nga siyang isilid sa loob ng mga bag natin eh . Walang problema about dun kasi ang liit niya . Kasyang-kasya siya" Sabi naman ni Tzuyu.

Hay Nako , Heto na naman sila . Hanggang ngayon , Hindi parin sila natatapos sa pag-aaway nila .

"Isakay niyo na yung mga pagkain" Utos ko kila Momo.

"I'm sure hindi tatagal yung pagkain . May kakain na agad niyan for sure" Sabi ni Mina.

"Huh ! Ang boring siguro ng outing na 'to . Kasama kasi yung nananampal nang basta-basta . Ay ! Baka kasi gusto niya ulit madulas" Sabi naman ni Momo.

Eto pa ! Si Momo at Mina . Pag-uuntugin ko na sila eh . Hindi parin sila natatapos .

"Tama na nga 'yan , Tumigil na kayo o maglalakad kayo papuntang beach resort" Sabi ni Jihyo sa kanila kaya nanahimik na lang sila.

Agad na kaming nagsisakayan sa loob . Napansin ko namang huling sasakay sila Jungyeon at Nayeon .

"Alalayan na kita , Nayeon .Baka mahulog ka eh" Sabi ni Jungyeon sabay alalay kay Nayeon pasakay ng Van .

"Salamat , Jungyeon" Sabi ni Nayeon kay Jungyeon. 

May napapansin ako sa dalawang 'to eh . Parang may sarili silang mundo. Pinopormahan ni Jungyeon ang kaibigan ko . Hmmm , Mukha namang interesado din 'tong kaibigan ko eh. 

Mas mabuti nang ganyan kaysa naman magaya sila dun sa apat na walang ginawa kundi mag-away .

Agad na rin naman kaming umalis nang makasakay na ang lahat . Si Jihyo ang magmamaneho ng Van .

Hanggang sa kalagitnaan ng pagbiyahe namin , Nag-aaway parin yung apat .

"Ikaw kasi talaga ang may kasalanan !" Sabi ni Chaeyoung kay Tzuyu.

"Ako na nga 'yung mapapatay mo noon eh. Tapos ako pa ?!" Sabi naman ni Tzuyu kay Chaeyoung .

"Ay ! Bahala ka nga . Kasalanan mo !"  Sagot nu Chaeyoung sa kanya.

Sa kabilang side naman ay sina Momo at Mina na nagtatabigan sa pwesto nila . Magkatabi kasi sila .

"Sinabi ko na sayong hindi ko sadya 'yun" Sabi ni Momo kay Mina.

"Sabihin mo , Matakaw ka talaga !" Sagot ni Mina kay Momo.

Siyempre , Abala rin si Nayeon at Jungyeon .

"Gutom ka na ba , Nayeon ? Sabihin mo lang sakin ah . May mga pagkain dito" Sabi ni Jungyeon kay Nayeon.

"Salamat . Mamaya na lang" Masayang sagot ni Nayeon sa kanya .

Nagkatinginan na lang kami ni Sana sa isa't-isa.

"Jusko ! Imbes na magbungangaan kayo , Maglaro na lang tayo !" Sabi ni Jihyo.

"Laro ? Ano namang laro ?" Tanong namin sa kanya.

"Since si Sana at Dahyun ang may pa-outing . Para na rin 'tong celebration natin para sa kanila . Kaya naman , Magtanong tayong lahat ng tig-iisang tanong sa kanila . Mamili kayo kung sino sa kanila ang tatanungin niyo" Sagot ni Jihyo.

"Tama ! Magandang idea . Ako na ang mauunang magtanong" Sabi ni Jungyeon kaya naman wala na kaming nagawa ni Sana. 

"Game na !" Sabi ni Jihyo .

"Para kay Dahyun ang tanong ko . Dahyun , Ilang relasyon na ang napasukan mo ?" Tanong ni Jungyeon sakin. 

"Ahm . Ito ang unang relasyon na meron ako"

"Dahyun . So , Sinasabi mong meron na nga kayong relasyon ni Sana ? Hindi na kayo napipilitan ?" Tanong naman ni Chaeyoung.

"Ahm. Basta alam ko masaya kami kapag kasama ang isa't-isa"

"Dahyun , Ano ang unang pagkakakilala mo kay Sana ?" Tanong ni Momo.

"Mayabang . Walang modo . Hindi marunong magsorry . Walang galang . Gageu"

Bigla naman silang nagtawanan . Nagpeace sign na lang ako kay Sana . Hahahaha .

"Para kay Sana ang tanong ko . Sana , Anong unang pagkakakilala mo kay Dahyun ?" Tanong ni Mina kay Sana.

"Baliw . Mataray . Mayabang . Palaban . Siga" Sagot ni Sana sabay peace sign din sakin .

"Sana , Ilang beses na kayong nagkiss ni Dahyun ?" Tanong naman ni Jihyo . Aish ! Ano ba namang tanong 'yun ?!

"Hindi ko na mabilang eh" Sagot ni Sana kaya bigla kaming tinukso ng mga kaibigan namin .

"Kinikilig ako, Mga Bes !" Sabi ni Jihyo kaya nagtawanan na lang kaming lahat .

"Sana , Anong gagawin mo kapag kinalimutan ka ni Dahyun ? Kapag nakalimutan niya lahat ng pinagsamahan niyo ?" Tanong ni Nayeon kay Sana .

"Siyempre , Hindi ako susuko hanggang sa maalala niya lahat nang 'yun . Ipaalala ko sa kanya na mahal ko siya at mahal niya ko" Sagot ni Sana sabay smile sakin.

"Sana , Sino ba si Dahyun para sayo ?" Tanong ni Tzuyu kay Sana.

"She's my everything" Sagot ni Sana sabay hawak sa kamay ko.

"Mga bes , Yung puso ko ! Hahahaha . Kinikilig ako eh !" Sabi na naman ni Jihyo kaya tawa lang kami nang tawa .

Nang mapagod sa kakausap at kakatawa , Nagpahinga na muna kami habang nasa biyahe . Basta , Alam kong masaya na ko kay Sana . Hindi ko siya kakalimutan kahit na anong mangyari . Makalimutan ko man siya , Maalala naman siya ng puso ko .

💐To be Continued💐

VOTE.COMMENT.SHARE

RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon