Chapter 62 - Amnesia

643 20 3
                                    

SANA'S POV :

Nang yakapin ko si Dahyun , Bigla niya kong initulak palayo . Ikinagulat ko ang ginawa niya . Nagsimula nang maguluhan ang utak ko nang magsalita ulit siya .

"Sino ba kasi kayo ?!" Tanong niya samin .

Bakit ganyan siya samin ngayon ? May nagawa ba kong masama ? Anong nangyari sa kanya ?

"Sana , May kailangan kang malaman" Sabi ni Momo .

"Ano 'yun ? Tell me"

Agad akong hinila ni Momo palabas ng kwarto . Hindi ko alam kung anong sasabihin niya pero kinakabahan ako .

"Si Dahyun kasi" Sabi niya.

"Ano ?! Tell me ! Anong meron kay Dahyun ? Bakit ganun siya ?"

"May amnesia si Dahyun" Sagot ni Momo kaya naman napaupo na ko sa isang tabi .

"Totoo ba 'yan ? Hindi niya tayo naaalala ? Wala siyang naaalala ? Ganun ?!"

"Hindi niya tayo naaalala . Pero , Naaalala niya ang magulang niya at ang buhay niya . Nakausap na rin namin yung doctor eh . Nagkaroon ng matinding damage sa utak niya kaya ganun ang nangyari . Nawala ang huling mga alaala niya pero wag kang mag-alala dahil babalik rin naman daw yun nang paunti-unti" Sagot ni Momo sakin.

"Bakit ganun ?! Akala ko ayos na ! Akala ko wala nang problema"

"Sana , Magpakatatag ka . Maaalala rin niya ang lahat . Babalik din siya sa dati . Tiwala lang" Sabi ni Momo sabay tapik sa balikat ko.

"Akala ko kasi wala nang problema . Akala ko magiging masaya na ulit kami nang magkasama . Hindi parin pala"

"Kakayanin niyo 'to ! Sige , Kailangan ko na ring umalis eh . Bibisita na lang ulit ako sa inyo sa ibang araw" Sabi ni Momo.

"Salamat" Agad na ring umalis si Momo . Mas pinili ko munang maupo sa isang tabi sa labas ng kwarto .

Bakit ganun ?! Kung kailan nagkakaroon na ulit ako ng pag-asang maging masaya , Bigla namang gumagawa ng paraan ang tadhana para pigilan yung sayang nararamdaman ko .

Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa sobrang pagiisip sa mga nangyayari . Ni isa pala sa alaala namin nang magkasama , Walang naaalala si Dahyun . Naaalala niya lang yung mga panahong wala pa ko sa buhay niya .

Ano nang gagawin ko ? Gulong-gulo na ko eh . Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin . Maya-maya , Lumabas na ng kwarto ang magulang ko at magulang ni Dahyun .

"Sana , Ano pang ginagawa mo diyan sa labas ? Bakit hindi ka na bumalik sa loon ?" Tanong ni Mom.

"So , May amnesia pala siya . Ano bang dapat kong gawin para matigil na 'tong problema namin ?!"

"Sana , Relax lang . Sabi ng doctor , Maaalala rin naman daw ni Dahyun 'yung mga nakalimutan niyang alaala nang paunti-unti" Sabi ni Dad.

"Kailan pa ? Sa katapusan ng mundo ? Sana nga maaalala niya na kaagad . Sana maaalala niya na mahal na mahal ko siya at ganun din siya sakin"

"Naiintindihan namin ang nararamdaman mo , Sana . Pero kailangan talaga nating intindihin ang sitwasyon ni Dahyun" Sabi naman ng Mom ni Dahyun .

"Nagkakaganito lang naman po ko dahil mahal na mahal ko siya"

"Alam namin 'yun . Kaya nga naniniwala kaming kakayanin niyo ni Dahyun eh . Tiwala lang" Sabi naman ng Dad ni Dahyun .

"Puntahan mo na si Dahyun sa loob ng kwarto . Huwag kang mag-alala , Natutulog na ulit siya . Kailangan niya kasing magpalakas" Sabi ni Mom . Tumango na lang ako sa kanila .

Agad na rin akong tumayo sa kinauupuan ko para puntahan si Dahyun nang bigla akong awatin ni Dad.

"Sana , Bakit may sugat yang binti mo ?" Tanong ni Dad.

"Ahm , Medyo nadapa lang po kanina"

"Gamutin natin" Sabi ni Mom.

"Ayos lang po ako . Wala 'to sakin . Walang-wala ang sakit nito kumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa mga problemang nangyayari"

Tinapik na lang ni Mom ang balikat ko kaya naman lumakad na lang ako sa loob ng kwarto .

Nang buksan ko ang pintuan , Nakita kong mahimbing na ulit na natutulog si Dahyun . Agad na kong naupo sa upuan sa tabi niya .

Ang dami nang sakit na pinagdadaanan ni Dahyun ngayon . Naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya eh . Hindi ko lang talaga maiiwasang malungkot dahil kinailangan niya pa 'tong maranasan .

Kung pwede nga lang , Ako na lang ang mapunta sa sitwasyon niya . Ako na lang sana ang nasaktan basta wag lang siya .

Hinawakan ko na lang ang kamay niya't inayos ang buhok niya .

"Sana maaalala mo na ang lahat , Dahyun . Maghihintay ako"

Maghihintay ako kahit na gaano katagal . Mananatili lang ako sa tabi niya kahit na ipagtabuyan pa niya ko . Naiintindihan ko naman kung bakit niya ko initulak kanina . Yun ay dahil hindi pa niya naaalala kung gaano niya ko kamahal . Sa oras na maalala na niya ang lahat , Yayakapin rin niya ko nang sobrang higit .

Sa ngayon , Alam kong pahinga ang kailangan niya . Hindi namin siya dapat binibigyan ng stress . Dapat na hayaan namin siyang maka-recover agad . Hindi madali ang pinagdaraanan niya ngayon . Basta , Isa lang ang sisiguraduhin ko . Hindi ako aalis sa tabi niya hanggang sa maalala niya ko .

Ayos na rin 'to . At least , Nagising na siya . Masaya na ko na masiguradong ligtas na nga siya . Makita ko lang na nakangiti siya masaya na rin ako . Sa oras na ma-discharge na siya sa hospital na 'to , Gagawin ko na ang lahat para maaalala niya ko .

Hinawakan ko lang ang kamay niya habang natutulog siya nang mahimbing . At least , Sa ganitong paraan maipapakita ko parin na hindi ko siya susukuan .

"I love you so much , Dahyun" Ngumiti na lang ako habang pinagmamasdan siyang matulog .

💐TO BE CONTINUED💐

VOTE.COMMENT.SHARE

RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon