Chapter 12 - Preparations

724 27 9
                                    

SANA'S POV :

Nang makaalis na si Dahyun at ang kanyang magulang , Agad ko nang kinausap ang magulang ko.

"Mom ! Dad ! Bakit naman kailangan pang tumira kami sa isang bahay ?!"

"Sana , Ganun naman talaga ang nagpapakasal" Sagot ni Dad.

"Pwede namang magkahiwalay kami ng bahay ?!"

"Tingnan mo kami ng Dad mo . Magkasama kami sa iisang bahay dahil mag-asawa kami" Paliwanag ni Mom.

"Pero iba naman 'yung samin , Hindi namin mahal ang isa't-isa . Kung ano man 'yung meron samin , Yun ay ang pagiging kasal lang sa papel . Hanggang dun lang 'yun"

"Nako , Sana . Huwag ka nang makulit . Masasanay rin kayong dalawa . Close na naman kayo diba" Sabi naman ni Dad.

"Hindi naman totoo 'yun eh ! Kunwari lang na close kami . Kung alam niyo lang , Delubyo ang dala ng taong 'yun"

"Masasanay rin kayo sa isa't-isa . Kaya nga titira kayo sa isang bahay , Para naman mas magkakilala kayo" Sabi naman ni Mom.

"Ayoko padin" Nakakunot-noo kong sagot sa kanila.

"Fine , Ibalik mo na yung credit card" Sambit ni Dad sakin.

"Kailan ba kami lilipat ? Sabihin niyo lang kung kailan . Walang pagaalinlangan akong sasama" Agad namang napangiti ang parents ko dahil sa sagot ko.

"Mabilis naman palang kausap ang anak natin eh" Sabi ni Dad kay Mom.

"Mabuti pa at magpahinga ka na muna , Sana.  Pagkatapos ng kasal , Doon na mismo ang deretsyo niyo" Sagot ni Mom.

Napakamot-ulo na lang ako dahil wala naman akong magagawa .

Nahiga na lang ako sa aking kama sa kwarto at ikinuwento sa mga kaibigan ko ang nangyari .

📱JUNGMOSACHAENG GC📱

ME : Guys , Naalala niyo yung babaeng ipinagtanggol ko sa Bar ?

JUNGYEON : Aba ! Oo naman . Bakit ? Anong meron ?

ME : Siya pala 'yung pakakasalan ko 😢

MOMO : Talaga ? Congrats ! Meant to be 😘

ME : Meant to be ka diyan , Momo ! Delubyo yun sa buhay ko eh . Hindi talaga kami magkakasundo 😑 By the way , Noong gabing ipinagtanggol ko siya ay nagkita ulit kami sa parking lot . Lasing na lasing siya tapos pinagpipilitan pa niyang kanya 'yung kotse ko .

CHAEYOUNG : Kinikilig tuloy ako ✌😂 Totoo ba 'yan ?! Pinagtagpo na naman kayo ! Emegesh .

ME : Hindi yun ang una naming pagkikita dahil nagkita kami sa seaside nung isang araw . Noong time na hinahabol ako ng mga kaaway natin , Nagkabungguan kami kaya naman isinama ko siya sa pagtakbo ko.

JUNGYEON : Bakit naman inisama mo siya ?

ME : Dahil baka mapagkamalan siyang kasama ko . Madadamay siya .

MOMO : Wow ! 👏😂 Kinikilig rin ako . Tatlong beses na kayong pinagtatagpo ng tadhana 😍

CHAEYOUNG : Baka siya na ang destiny mo , Sana . Ang taong makakapagpa-realize na hindi lahat makukuha mo ✌😂

ME : Mga baliw ! Ginagawa ko lang 'to para sa Credit Card . Isa pa , Titira na daw kami sa iisang bahay after ng kasal . Like what the fvck ?!

MOMO : Emegesh ! Meant to be nga 😍😘💞

ME : Bye na muna . Mababaliw na ko dito 😢

📱End of GC Conversation📱

Nakakaiyak na talaga eh . Nahiga na lang ako sa aking higaan at nagmukmok .

Lumipas ang ilang araw , Palagi ko nang nakikita ang pagmumukha ng Dahyun na 'yun . Bakit ? Dahil inaasikaso na ang nalalapit naming kasal .

Sari-sari na ang natatapos ayusin ng parents namin . Mas excited pa nga sila samin .

Sa ngayon , Magpi-pictorial kami ng Dahyun na 'to para sa wedding .

"Pumuwesto na kayo" Sabi ng photographer samin.

Nagkatinginan na lang kami ni Dahyun .

"Sumunod na kayo" Sabi ni Dad maya wala na kaming nagawa kundi pumuwesto .

Nakakadiri naman 'tong ginagawa naming pictorial . Kung ano-ano pang cheesy pose ang pinagagawa samin .

"Smile naman diyan" Utos ng photographer.

No choice kami kundi mag-pretend na natutuwa talaga kami . Kanina pa ko nagpipigil dito eh .

"Sana , Magbackhug ka naman kay Dahyun" Utos na naman ng photographer .

What if siya kaya ang papuwestuhin namin dito ?! Tsk ! Daming utos .

"Buwisit ka talaga" Bulong ko kay Dahyun habang naka-backhug sa kanya.

"Aray ko !" Bigla naman niya kong tinapakan sa paa .

"Sorry not sorry" Sambit niya sakin kaya napakunot-noo na lang ako.

"Ngayon , Face to face naman . Bigyan niyo ng mapagmahal na stare sa isa't-isa" Utos na naman ng photographer.

Since wala namang magagawa kung tututol kami , Sumunod na lang kami at humarap sa isa't-isa .

Nang magtagpo ang paningin naming dalawa , Hindi ko maiwasang maging awkward sa kanya kaya napaiwas tingin na lang ako .

Kadiri naman 'tong ginagawa namin eh . Nasusuka ko sa tuwing makikita ko siya . Palagi kong naaalala kung paano niya ko sukahan noong lasing siya . Tsk !

"Okay , Great Job !" Sambit ng Photographer samin . Sa wakas , Natapos na rin .

"I really hate you" Bulong ko sa kanya .

"I hate you too" Sagot niya sakin nang paseryoso.

"I'll make sure that you'll regret everything" Bulong ko sa kanya .

"And I'll make sure that you'll suffer . No one can beat me" Bulong rin niya sakin sabay smirk at lakad na papunta sa magulang niya .

She's unbelievable ! Napailing na lang ako at lumapit na lang sa parent ko.

Lumapit na samin si Dahyun at ang parent niya .

"Sa isang araw na ang kasal" Sabi ni Mom.

"Tama ! Mabuti at ayos na ang lahat ng dapat ayusin" Sagot naman ng Mom ni Dahyun .

Nagkatinginan na lang ulit kami ni Dahyun . Bigla na lang niya kong inirapan . Pahihirapan niya ko ? Ganun ?! Baka ako pa ang magpahirap sa kanya eh .

💞To be Continued💞

Ano nga bang mangyayari sa oras na ikasal na sila ? Abangan .

VOTE.COMMENT.SHARE

RESETWhere stories live. Discover now