Chapter 26 - You & I

848 28 0
                                    

DAHYUN'S POV :

Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Sana sakin nang mag-usap kami sa labas ng bahay . Ayaw niya kong ngumiti . Ganun na ba ko kapangit sa paningin niya laya pagngiti ko pinagbabawalan niya ? Aish ! Ang sama talaga .

Bumalik na lang ulit kami sa loob at nagpatuloy nang makipagbonding sa mga kaibigan niya . Ang sarap palang kasama ng mga kaibigan niya . Nakakatawa silang lahat at mababait lalo na si Momo .

Hanggang sa abutin na kami ng gabi , Nagdesisyon nang umuwi sina Chaeyoung , Momo at Jungyeon .

"Kaya na naming umuwi sa sarili namin" Sabi nila kay Sana.

"Sure kayo ?" Tanong ni Sana sa kanila.

"Oo naman . Kami pa ? Kaya na namin 'to . Salamat sa bonding natin" Sagot nila.

"Thanks Dahyun" Sabi ni Momo sakin.

"Welcome , Bisita ulit kayo next time"

"Bye Guys . Ingat" Paalam ni Sana sa kanila hanggang sa tuluyan nang umalis yung tatlo .

Naiwan kaming mag-isa ni Sana . Heto na naman , Napuno na naman ng katahimikan ang buong bahay . Hindi na lang ako umimik kay Sana . Nagpunta na lang ako sa likod ng bahay at naupo na sa damuhan para mapag-isa .

Hindi ko na naman magets si Sana . Palagi na lang siyang ganyan . Pinapaisip niya ko sa maraming bagay .

Inilabas ko na lang ang bracelet sa bulsa ko't pinagmasdan 'to . Ibibigay ko pa ba sa kanya 'to o ibabalik ko na lang kay Lola ?

Wala rin namang saysay kung susuutin namin 'to . Hindi naman namin mahal ang isa't-isa kaya balewala rin na may ganito kaming dalawa .

"Hindi namin kailangan 'to" Sabi ko habang pinagmamasdan ang bracelet namin .

"Anong hindi natin kailangan ?" Nagulat na lang ako nang sumulpot siya sa likuran ko . Nagmadali kong initikom ang kamay ko para maitago ang bracelet sa kanya .

"Ah , Wala naman . Bakit nandito ka sa labas ?"

"Gusto kitang makausap" Sagot niya sakin.

"About What ?"

"About Us" Sagot niya sabay upo na sa tabi ko.

"Fine , Ano bang paguusapan natin tungkol sa isa't-isa ?"

"Yung sinabi ko sayo kanina . Pwede bang kalimutan mo na ?" Tanong niya nang paseryoso.

"Alin dun ?"

"Yung sinabi kong huwag ka nang ngingiti sakin" Sagot niya .

"Hindi kita maintindihan eh"

"Basta , Ngumiti ka lang kung gusto mo . Kalimutan mo na yung sinabi ko" Sagot niya.

"Bakit naman biglang nagbago ang isip mo ?"

"Naisip kong wala naman kasing meaning ang mga bagay-bagay sating dalawa" Sabi niya sakin.

"Fine . Kakalimutan ko na yun"

"Now , Magkwentuhan naman tayo tungkol sa buhay ng isa't-isa" Sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya .

RESETWhere stories live. Discover now