Chapter 98 - Choose To Be Happy

642 15 5
                                    

SANA'S POV :

Ilang linggo ko na ring hindi nakikita si Dahyun . Siguro nagsisimula na nga talaga siya ng bago niyang buhay na hindi ako kasama .

Mukhang kailangan na nga naming ayusin yung divorcement namin para naman tuluyan na siyang makalaya mula sakin .

Bakit ganito ? Ilang linggo na ang lumipas pero sobrang sakit padin . Parang kada araw , Mas tumitindi pa ang sakit imbes na mabawasan .

Kahit na binibisita ko ng magulang ko , Hindi ko parin magawang ngumiti . Ginusto ko 'to eh , Dapat panindigan ko . Dapat tiisin ko . Para kay Dahyun , Kailangan kong tiisin kahit gaano kasakit .

Nagmumukmok lang ako sa loob ng kwarto nang biglang tumawag si Momo .

ON THE PHONE :

"Ano na ? Balita sa inyo ?" Tanong niya.

"Wala na , Wala nang balita"

"Aish , Lumaban ka na kasi para sa kanya ! Nakakulong na kaya yung mga kaaway natin" Sabi niya.

"Bakit ?"

"Ayun ! Nabalitaan kong nakipagrambulan na naman yung mga kaaway natin kung kanino . Nagkataong inireklamo sila , Ayun ! Sa kulungan ang uwi" Sagot ni Momo.

"Mabuti kung ganun"

"Ano pang problema mo ? Wala na yung mga asungot na kaaway natin . Wala ka nang dapat ikabahala . Balikan mo si Dahyun" Sabi niya.

"Hayaan na natin siyang makapagsimula ng bagong buhay"

"Gague ! Mahal na mahal ka parin niya hanggang ngayon . Nung nagkita kami , Ikaw parin talaga" Sagot niya.

"Makakalimutan niya rin ako . I dont deserve to be loved"

"Gague ka talaga ! Lumaban ka ! Mahal niyo ang isa't-isa eh" Sagot niya.

"Hayaan na lang natin"

"Aish , Bahala ka . Basta , Ang masasabi ko lang ay ipaglaban mo siya" Sabi niya.

"Sige na ! Bye na muna , Momo . Saka mo na lang ako sermonan"

END CALL


Ano bang dapat kong gawin ? Dapat ko na ba siyang puntahan at aminin sa kanya ang totoo ? Nag-aalala ako na baka masaktan na naman siya sa mga desisyon ko . Baka napapakasaya na siya ngayon , Bakit ko pa siya guguluhin ?

Happiness lang naman niya ang mahalaga sakin eh . Yun lang . Siguro , Nagmu-move on na siya ngayon . Nasaktan ko kasi siya . Ipinagtabuyan ko na siya eh , Hindi ako karapat-dapat dahil duwag ako . Ni hindi ko siya magawang protektahan nang maayos .

Lumabas na lang ako ng bahay at naupo sa ilalim na liblib ng puno . Hindi ko na alam ang dapat kong gawin eh . Ang gulo-gulo na ng utak ko ngayon . Napayuko na lang ako dahil sa mga nangyayari .

Hanggang sa mapatingin na lang ako sa bracelet na suot ko , Unexpected Happiness . Kung may Unexpected Happiness , Meron din namang Unexpected Sadness . Yun ang sobrang nararamdaman ko ngayon .

Hanggang kailan magtatagal ang problemang 'to ? Gusto ko nang matapos ang lahat eh .

Tumayo na lang ako't pumasok sa loob ng bahay . Dapat kayanin ko . Dapat maging matapang ako . Hindi ako dapat umiyak dahil ako ang nagdesisyon nito .

RESETNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ