Chapter 91 - I'll Protect You

578 12 2
                                    

SANA'S POV :

Kahit na nakainom na ko , Alam ko parin ang ginagawa ko . Isa pa , Alam kong nasa paligid si Dahyun .

Sinadya kong iwanan ang sulat sa seaside para makita ko siya kahit pasimple lang . Alam kong pupulutin niya ang sulat na 'yun . Hindi niya napansin na nakita ko siyang pinulot ang sulat .

Hindi ko naman akalain na susundan parin niya ko hanggang sa bar . Hinayaan ko na lang . At least , Nakikita namin ang isa't-isa kahit na pasimple lang .

Alam kong pinagmamasdan niya ko habang umiinom ako . Hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa isip niya .

Mas mabuti na 'to . Mas mabuti nang makita namin ang isa't-isa kahit pasimple lang kaysa naman hindi .

Nang makaramdam na ko ng pagkahilo , Huminto na ko sa pag-inom . Lumabas na ko ng bar at naglakad na . Tulad ng sinabi ko , Alam ko parin ang ginagawa ko .

Nararamdaman ko ang pagsunod niya sakin . Balak ko na sana siyang harapin nang biglang sumulpot yung grupo ng mga sigang kaaway namin nila Chaeyoung .

Naisip ko na kung tatakas ako , Baka si Dahyun ang makita nila . Hindi ako papayag na masaktan si Dahyun .

Kaya naman , Mas pinili kong kunin ang atensyon ng mga sigang 'yun . Kakayanin ko 'to para kay Dahyun .

Habang nakikipag-usap sa mga sigang 'yun , Nasa isip ko lang ay "Please Dahyun , Lumakad ka na palayo . Please , Kailangan mo nang umalis para hindi ka madamay dito"

Nang simulan akong kalabanin ng mga sigang 'yun , Hindi ko inaasahan ang gagawin ni Dahyun.

Narinig namin ang pagsigaw niya kaya huminto ang mga sigang bumubugbog sakin . Kay Dahyun nabaling ang atensyon nila .

Hindi ako papayag na masaktan si Dahyun ng kahit na sino . Poprotektahan ko siya kahit na anong mangyari .

"Huwag na huwag niyo siyang sasaktan . Subukan niyo, Sisiguraduhin kong masasaktan kayo!" Nagmadali na kong tumayo para ipagtanggol si Dahyun .

Handa akong makipagpatayan para sa kanya . Habang pinagtutulungan ako ng mga sigang kaaway namin nila Nayeon , Naririnig ko ang paulit-ulit na pagsigaw ni Dahyun .

Nakita ko siyang nagpupumiglas sa iba pang kasamahan ng kaaway namin .

"Da-Dahyun , Run !"

"Hindi , Sana . Please !" Sigaw ni Dahyun habang nakatingin sakin na halos maluha na .

"Sinabi kong tumakas ka na!"

"Ano ?! Papalag ka pa , Dapat sayo pinapatay !" Sigaw sakin ng mga sigang 'yun.

"Saktan niyo na ko , Huwag lang siya . Hayaan niyo na siyang umalis" Pakiusap ko sa kanila.

"Talaga ? Sa tingin mo , Patatakasin namin 'tong babaeng 'to ? Nagkakamali ka ! Pahihirapan din naman siya para mas dama mo yung sakit !" Sabi nila kaya naman nag-init ang dugo ko.

"Mga hayop kayo , Pakawalan niyo siya !" Sigaw ni Dahyun sa kanila.

"Huwag niyo siyang saktan , Please . Wala siyang kinalaman" Pakiusap ko ulit sa kanila . Agad naman akong hinawakan sa magkabilang braso ng dalawang miyembro nila at agad akong pinagsusuntok hanggang sa mapahiga na ko sa sahig .

Halos mawalan na ko nang malay dahil sa mga bugbog na natamo ko . Tuluyan nang bumagsak ang luha ko habang nakikita si Dahyun na nasasaksihan ang nangyayari sakin.

"Sana !" Malakas na sigaw ni Dahyun sabay tulak sa kanila kaya naman nakawala siya .

Agad siyang nagtatakbo papunta sakin . Naupo siya sa sahig sabay hawak sa pisnge ko.

"Sana , Please . No . Kaya mo 'yan , Nandito na ko" Sabi niya sakin sabay hawak sa pisnge ko.

"Mamatay na kayo !" Rinig kong sigaw ng isa sa mga siga sabay hawak ng isang pahabang kahoy .

Agad akong humarang kay Dahyun sa pamamagitan ng pagyakap sa kanya . Ipinikit ko na lang ang mata ko dahil alam kong maaaring katapusan ko na .

"Hoy !" Rinig kong sigaw ng kung sino . Nakita kong nagtakbuhan yung mga siga . May napadaan palang patrol ng pulis kaya nagmadali silang habulin ang mga 'yun .

"Ayos lang kayo ?" Tanong ng isang pulis.

"Nabugbog po ang kasama ko" Sagot ni Dahyun sabay alalay sakin.

"Dalhin na natin sa hospital" Sagot ng pulis.

"Hindi na po . Ayos lang po ako . Kaya ko pa po . Ko--konti lang 'to , Hulihin niyo na lang po sila . Napagtripan kami ng mga sigang 'yun"

"Sigurado ka ba ?" Tanong ng pulis sakin.

"O--Opo , Ayos lang po ko"

Agad nang umalis ang pulis at sumunod sa iba pang pulis na humahabol sa mga sigang 'yun .

"Sa--Sana ?" Rinig kong sabi ni Dahyun sabay tingin sakin.

"Dahyun, I'll protect you" Hinawakan ko siya sa pisnge at ngumiti na lang kahit na nakakaramdam na ko nang sobrang pagkahilo .

"Sana ? A--Ayos ka lang ba ?" Tanong niya.

"Oo naman , Ayos lang ako . Huwag mo kong intindihin . Ma--Mabuti , Ligtas ka . Mahal ki---"

Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil bigla akong niyakap ni Dahyun nang mahigpit.

"Sana ! Akala ko mawawala ka na sakin" Sabi niya sakin . Napansin kong umiiyak na siya.

Hindi ko na namalayang tumutulo na rin pala . Ganun din ang nararamdaman ko . Akala ko mawawala na siya sakin .

"Dahyun , I'm fine . Pro--Promise"

"No , Sana . You're not fine . Dadalhin kita sa hospital" Sabi niya sabay lingon sa paligid.

Napayakap na lang ako sa kanya dahil sa sobrang pagkahilo .

"I'll protect you even if saving you sends me to heaven"

"Sana , Ang dami mong sugat sa katawan . Dadalhin kita sa hospital" Sabi niya sakin.

"No , I'm fine . Kaya ko pa ! Trust me , Uuwi na ko sa bahay . Umuwi ka na rin"

"Ihatid na kita sa bahay . Sakay na sa kotse ko" Sabi niya sabay alalay sakin.

"Kaya ko pa nga . Promise"

Hindi ko na kailangang magdalawang-isip sa bagay na 'to .Kapag nasa panganib si Dahyun, Ililigtas ko siya kahit na mamatay pa ko . Ganyan ko siya kamahal .

Lumakad na ko papunta sa kotse kaso hindi ko na nakayanan at nawalan na ko ng malay dahil sa sobrang sakit ng katawan .

💐To be Continued💐

VOTE.COMMENT.SHARE

RESETWhere stories live. Discover now