Chapter 58 - Here For You

608 20 7
                                    

MOMO'S POV :

Ikinagulat naming lahat ang balitang nalaman namin kay Sana . Nang malaman naming may masamang nangyari kay Dahyun , Pumunta kaagad kami sa hospital .

Naabutan namin si Sana na halatang punong-puno ng kalungkutan . Alam naming mahirap . Alam naming kailangan ni Sana ng nmakakausap kaya naman dinamayan na muna namin siya .

Nakakalungkot isipin na nangyari 'to . Kung kailan , Masayang-masaya na si Sana at Dahyun sa isa't-isa . Biglang nagkaroon ng ganitong aksidente . Sana magising na siya .

Sana maging maayos na ang kalagayan ni Dahyun . Alam naming hindi magiging okay si Sana hangga't hindi pa nagigising si Dahyun . Alam naming mahal na mahal siya ni Sana .

Lumipas ang ilang araw , Kumpirmado nang nacomatose si Dahyun . Dinamayan namin si Sana . Nagpakatatag kaming lahat para kay Dahyun at Sana .

Sa tuwing bibisita kami kay Dahyun sa hospital , Palagi naming nakikita si Sana na matiyagang naghihintay sa tabi ni Dahyun . Siyempre , Palagi naming dinadamayan si Sana .

Hanggang sa kailanganin na naming umalis .

"Sana , Kailangan na naming umalis eh" Sabi ni Jungyeon.

"Ayos lang ako. Sige na , Mauna na kayo"

"Sigurado ka bang ayos ka lang ?"

"Ayos lang talaga . Mahirap pero kakayanin ko" Sagot ni Sana sakin.

"Tiwala lang . Magigising rin si Dahyun" Sabi naman ni Mina.

"Sana nga . Sige na , Kaya ko na 'to . Salamat" Sabi ni Sana kaya naman lumakad na kami .

Babalik na lang kami sa ibang araw . Magdadasal na lang muna kami na sana gumaling na si Dahyun .

Habang papalabas ng hospital , Nagkatinginan kami ni Mina .

"Anong tinitingin-tingin mo ?" Tanong ni Mina sakin.

"Mina , Huwag ngayon"

"Anong huwag ngayon ?! Sinisimulan mo na naman ako eh" Sagot niya.

"Wala akong panahong makipagasaran ngayon . Pakiusap"

Agad na kong lumakad palabas ng hospital . Hindi ko alam kung bakit sobrang lungkot 'tong nararamdaman ko .Sana magising na si Dahyun . Nakakamiss na siya .

💍💍💍💍💍

SANA'S POV :

Sa paglipas ng ilang araw , Mas lumala ang pag-aalalang nararamdaman ko para kay Dahyun . Nacomatose na siya ngayon .

Kinakabahan ako . Natatakot ako . Ayokong mawala si Dahyun sakin . Hindi ko kakayanin . Nag-aalala ko na baka hindi na siya magising . Baka hindi ko na muling makita ang ngiti niya na nakakapagpasaya sakin .

Kahit papaano , Nababawasan ang kalungkutan ko kapag bumibisita ang mga kaibigan namin ni Dahyun sa hospital . Sinusubukan kasi nila kong pasayahin kahit na alam nilang malabong sumaya ko hangga't hindi nagigising si Dahyun.

RESETWhere stories live. Discover now