Chapter 60 - The Ring & Bracelet

563 18 6
                                    

SANA'S POV :

Nang dumating ako sa bahay , Naramdaman ko na naman 'yung sobrang kalungkutan .

"Anak , Kaya mo na bang mag-isa ? Gusto mo samahan na muna kita dito ?" Tanong ni Dad.

"Kaya ko na po ang sarili ko"

"Sigurado ka ?" Tanong niya.

"Opo , Ayos lang talaga"

"Sige. Mauna na ko . Tumawag ka o magtext kung may kailangan ka" Sabi niya kaya tumango na lang ako .

Nang umalis na si Dad , Agad na rin akong humarap sa bahay namin ni Dahyun . Ang bahay na 'to na puno ng masasayang alaala naming dalawa .

Sa tuwing nakikita ko ang lugar na 'to o bumabalik ako dito sa bahay , Hindi ko maiwasang makaramdam ng sobrang kalungkutan dahil sa mga nangyari .

Nasasaktan ako dahil sobrang namimiss ko siya sa tuwing maaalala ko yung masasayang alaala naming dalawa . Miss na miss ko na siyang makita , mayakap at makasama .

Kung hindi ko lang sana siya hinayaang umalis nang mag-isa noon . Kung sinamahan ko lang sana siya . Kung hindi sana siya mag-isa noon . Siguro hindi niya pinagdaanan kung anong nangyari sa kanya ngayon . Oo , Hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko sa nangyari sa kanya .

Napayuko na lang ako't naglakad-lakad muna sa labas nang bahay namin hanggang sa may makita akong matandang babae na nakatayo sa di kalayuan . Sino kaya siya ? Bakit nakatingin siya dito sa bahay namin ? Bakit nakatingin siya sakin ?

Dahil curious ako , Nilapitan ko ang matandang babae .

"Ahm . Hello po , Ano pong kailangan niyo ?"

"Ikaw ba ang nakatira sa bahay na 'yan ?" Tanong niya sakin.

"Opo , Bakit po ?"

"Nasaan ang asawa mo ?" Tanong niya.

"Kilala niyo po ang asawa ko ?"

"Oo naman , Kapit-bahay niyo ko . Nagtataka kasi ako dahil ilang linggo ko na siyang hindi nakikita" Sagot niya.

"Sa totoo , Nasa hospital po siya . Naaksidente siya't na-comatose"

"Jusko ! Totoo ba 'yan ?" Gulat na tanong ni Lola .

"Opo . Paano niyo po nakilala si Dahyun ?"

"Napadaan siya sa bahay namin noon . Naisip kong makipagkwentuhan sa kanya . Nasabi niyang hindi daw kayo magkasundo . Sakto namang nagbebenta ko ng bracelet at naga-advice sa iba" Sagot niya.

"So , Sa inyo po nanggaling ang bracelet na 'to ?" Ipinakita ko kay Lola 'yung bracelet na suot ko.

"Tama ka , Sakin nga nanggaling 'yan" Sagot niya.

"Maraming Salamat po"

"Para Saan ?" Tanong niya.

"Salamat sa pagbigay ng bracelet . Salamat sa pagbibigay nito dahil naisip kong mahal ko siya"

"Hindi ako o ang bracelet ang may gawa kung bakit minahal mo siya . Minahal mo siya dahil 'yun ang isinisigaw ng puso mo" Sabi niya sakin.

RESETWhere stories live. Discover now