Chapter 97 - Move On

653 14 0
                                    

DAHYUN'S POV :

Masakit parin ang nararamdaman ko hanggang ngayon . Iniisip ko parin kung ano ba ang dahilan ng mga nangyayari sa buhay ko . Iniisip ko parin kung hanggang kailan ko kakayanin . Higit sa lahat , Iniisip ko parin siya . Iniisip ko kung ano nang nangyayari sa buhay niya ngayon . Ilang linggo na rin kasi kaming hindi nagkikita . Iniisip ko nga rin kung magkikita pa ba kami eh .

Dahil wala naman akong kasama dito sa bahay , Naisip ko munang magpiano . Oo , May piano kami dito sa bahay . Marunong kasi akong magpiano . Matagal na rin akong hindi nakakapagpiano kaya naman gusto ko ulit subukan .

Magagawa ko pa kayang ibalik yung skills ko sa pagpa-piano noon kahit na ang tagal kong hindi sumubok nito . Tulad ng pagmamahal ko kay Sana, Magawa ko pa kayang ibalik yung dating ako kung saan hindi ko pa siya nakikilala ? Magawa ko pa kayang bumalik sa dati ? Yung tipong "I'm Dahyun , No one can beat me".

Naupo na ko sa upuan at humarap na sa piano . Ano bang magandang tugtugin ? Alam ko na , Tutugtugin ko na lang 'yung "Dating Tayo" ni TJ Monterde . Sinimulan ko nang magpiano , Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko dahil napakanta na rin ako .

"Lagi na lang ganito
Isipan ay gulong-gulo
Lagi na lang nabibigo
Ngunit ikaw parin sigaw ng puso
Ilang liham na ang sinulat sayo
Ilang luha na rin ang natuyo

Kailan kaya muling makakatawang hindi ko pinipilit ?
Walang lungkot na sumisilip ?
Kailan kaya muling makakamit ang 'yong yakap at halik nang hindi sa panaginip ?
Kailan ? Kailan ? Kailan ang dating tayo ?

Kung ano man ang totoo
Isip man ay litong-lito
Handang-handa akong sumalo
Pagkat ikaw parin sigaw ng puso
Ilang awit na ang inalay sayo
Ilang luha na rin ang natuyo

Kailan kaya muling makakatawang hindi ko pinipilit ?
Walang lungkot na sumisilip ?
Kailan kaya muling makakamit ang 'ying yakap at halik na hindi sa panaginip ?
Kailan ? Kailan ? Kailan ? Kailan ? Kailan ang dating ?
Kailan kaya muling matatamasang ikaw ay makasama't sabay tayong kakanta ?
Kailan kaya muling mararanasang sa pagdilat ng mata ikaw hindi lang alaala ?" 🎶🎶🎶

Matapos kong tumugtog ng piano at kumanta , Hindi ko na napigilang maiyak nang sobra .

"Bakit ?! Bakit nangyayari 'to ?!"

"Dub , Sige lang . Iiyak mo lang" Napatingin ako sa harapan ng pintuan . Si Mom pala kasama si Dad.

"Oh , Nakauwi na pala kayo . Hindi ko namalayan" Agad ko nang pinunasan ang luha ko sa mata . Ayokong mag-alala sila sakin .

"Dub , Iiyak mo lang . Ayos lang 'yan" Sabi naman ni Dad.

"Ano po 'yun ? Pahinga po muna ko sa kwarto" Akma na kong pupunta sa kwarto nang biglang magsalita si Mom.

"Alam namin kahit hindi mo sabihin" Sabi niya kaya naman natigilan ako.

"Ang alin ?"

"Alam naming nagkakalabuan na talaga kayo ni Sana" Sabi ni Mom.

"Paano niyo nalaman ?"

"Nararamdaman namin sa mga kilos mo . Saka , Napag-usapan namin ng magulang ni Sana . Nararamdaman din nila yung kalungkutan ni Sana" Sabi naman ni Dad.

RESETKde žijí příběhy. Začni objevovat