Chapter 55 - First Love

605 16 11
                                    

SANA'S POV :

Nang imulat ko ang mata ko , Wala si Dahyun sa tabi ko . Agad na kong nagmadaling bumangon sa sofa . Nakatulog na pala ako . Hindi ko namalayan . Agad ko nang hinanap si Dahyun sa buong paligid at sa buong bahay kaso hindi ko siya makita .

Nasaan na kaya si Dahyun ? Aalis pa naman kami nang magkasama . Tsk !

Agad na kong bumalik sa living room para kunin ang phone ko . Nakita kong may nakalapag na sulat sa lamesa kaya agad ko itong binasa .

Nang mabasa ko na ang sulat , Nalaman kong umalis na pala si Dahyun nang mag-isa . Ni hindi man lang ako hinintay . Tsk , Pasaway talaga .

Napaupo na lang ako sa sofa . Ano pa bang magagawa ko ? Eh , Umalis na siya sakay ng kotse namin.  Naiintindihan ko naman na gusto niyang mapasaya ko nang sobra pero ayos na naman ako makita lang siya't makasama.  Hindi na niya kailangan pang gumawa ng kung ano-anong bagay para mapasaya ko . Ngumiti lang siya , Sapat na 'yun sakin. 

Hihintayin ko na nga lang siya . Alam ko namang kayang-kaya niya 'yun . Pero iba parin talaga kapag magkasama kaming namili . Wala eh , Naisahan niya ko .

Sa totoo , Si Dahyun 'yung pinakamagandang bagay na natanggap ko . Hindi ako 'yung kumuha sa kanya eh , Siya 'yung umangkin sakin at sa puso ko . Simula nang makilala ko siya , Sa kanya na sumasaya 'tong puso ko. 

I'm Sana , I can get everything I want . I can do whatever I want . All I want is to make Dahyun happy . I want to give her everything I had . My life belongs to Dahyun so I will use it for her .

The birds are singing . My heart's in peace . Everything's in slow motion . There's only one in my heart . She's the one who makes my heartbeats fast . She's the reason why I keep on smiling . She's the reason why I'm being like this . She's my Dahyun . She's my first love .

Kinuha ko na lang ang phone ko't tinawagan na ang Mom ko .

📱ON THE PHONE📱

"Hello Mom , How are you ?"

"Sana , Ayos lang kami ng Dad mo . Napatawag ka . May problema ba ?" Tanong ni Mom.

"Wala naman po . Ayos naman po kami ni Dahyun . May gusto lang po kong itanong"

"Ano 'yun ?" Tanong ni Mom.

"Busy po ba kayo mamayang gabi ? Kasama niyo po ba ang magulang ni Dahyun ? "

"Hindi naman . Oo , Kasama namin sila . Bakit mo natanong ?" Tanong ni Mom.

"Gusto sana namin kayong imbitahan ni Dahyun na pumunta dito sa bahay mamayang gabi . Maganda kung sama-sama tayong magdi-dinner . Sana makapunta kayo"

"Oo naman ! Darating kami mamaya . Sasabihin ko na s Dad mo at sa magulang ni Dahyun" Sagot ni Mom.

"Thanks Mom"

"Welcome , Sana . Ano ba yung sasabihin mo ?" Sagot niya.

"Sige na , Mom. Mamaya na lang namin sasabihin ni Dahyun"

"Sasabihin mong mahal mo si Dahyun ? Alam na namin . Inikwento ng magulang ni Dahyun samin" Sagot ni Mom.

"Mabuti naman kung ganun . Si Dahyun po 'yung may sasabihin mamaya eh"

RESETWhere stories live. Discover now