Chapter 83 - A Letter Of Love

532 14 6
                                    

DAHYUN'S POV :

Nakakaramdam ako ng pagkainis sa kanya habang kinakausap niya ang magulang ko .

Bakit mas pinipili niyang masaktan ?! Bakit hindi siya nagagalit sakin ngayong nasasaktan ko na ang feelings niya ?! Ganyan na ba niya ko kamahal ?! Bakit ni hindi man lang niya ko kamuhian ?!

Ano ba naman 'tong nararamdaman ko ? Pakiramdam ko , Hindi ko dapat siya sinasaktan . Hindi ko alam kung bakit pero 'yun ang sa tingin kong dapat na gawin .

Ginagawa niya lahat para lang sakin ? Bakit ? Sobrang selfless naman niya . Nagi-guilty lang siguro ko sa mga nangyayari.  Siguro naaawa lang ako sa kanya kaya nagkakaganito ako .

Hanggang sa tuluyan na siyang lumabas ng bahay namin kasama ng parents ko.

Dapat pa ba kong magpaalam sa kanya ? Aish . Bakit naman ako magpapaalam ? Close na ba kami ?! Tsk .

Magpapaalam o hindi ? Ang gulo kasi eh . Nakakainis dahil nagkakaganito ako . Napansin ko naman yung suot kong bracelet at singsing . Omo , Dapat na ibalik ko sa kanya 'to kaya naman nagmadali na kong bumaba sa hagdan at lumabas ng bahay .

"Sana !" Tawag ko sa kanya . Mabuti na lang at naabutan ko pa siya .

Hindi ko alam kung anong dahilan ko kaya agad ko siyang nayakap nang mahigpit.

Siguro dahil kahit paano ay naging magkaibigan nga kami . Ganun nga . Wala nang ibang meaning pa .

Ibabalik ko na sana yung bracelet at singsing sa kanya kaso pinigilan niya ko . Ayaw niyang tanggapin . Sabi niya , Itapon ko na lang daw kung ayaw ko na talagang ingatan 'yun . Ang sama ko naman kung gagawin ko 'yun . Kaso , Ano namang gagawin ko sa mga 'to ? Aish .

Tapos, May ibinigay pa siyang sulat sakin . Sakin daw galing 'to sabi niya . Hindi ko naman maalala na nagbigay ako ng sulat para sa kanya .

Hanggang sa tuluyan na siyang umalis . Pumasok na lang ako sa loob .

"Dub , Kumusta ka na ba ?" Tanong ni Mom.

"Ayos lang po ako . Medyo sumasakit lang po ang ulo ko kapag may mga memories na nabalik sa utak ko"

"Ganun ba ? Mawawala rin 'yan" Sagot niya.

"Dub, Talaga bang mas gusto mong magstay dito kaysa sa bahay niyo ni Sana ?" Tanong naman ni Dad.

"Gusto ko pong mapag-isa . Gusto ko po ng space"

"Dub , Sana naman maging maayos na ang relasyon niyo. Nakakaawa na si Sana eh . Kitang-kita namin kung paano ka niya alagaan noong mga panahong wala ka pang malay" Sabi ni Mom.

"Ginagawa ko naman po ang lahat para makaalala eh . Kaso , Wala parin talaga"

"Wala parin ba talaga o sadyang ayaw mo paring paniwalaan 'yang sinasabi ng puso mo ? Dub , Panahon na para paniwalaan mo si Sana . Paniwalaan mo 'yang sinasabi ng puso mo" Sabi naman ni Dad.

"Magpapahinga po muna ko sa kwarto" Agad na kong umakyat sa hagdan papunta sa kwarto. Napahinga na lang ako nang malalim sabay higa sa higaan ko.  Namiss kong humiga dito .

Paulit-ulit tuloy pumasok sa utak ko yung sinabi ni Dad sakin na "Wala parin ba talaga o sadyang ayaw mo paring paniwalaan ang sinasabi ng puso mo?"

Wala parin nga ba ? Sinasadya ko nga bang hindi paniwalaan ang nandito sa puso ko ? Pinipigilan ko nga ba ang tunay na nararamdaman ko ? Gulong-gulo na talaga ko.

"Sige nga ! Tingnan natin kung anong nakasulat dito" Kinuha ko na lang yung sulat na inabot ni Sana sakin kanina .

Ano nga bang pinagsusulat ko sa sulat na 'to ? Curious ako eh . Naupo na muna ko sa kama at agad na binasa ang sulat .

💌Sana , Dahil alam kong pagod na pagod ka hindi na kita isinama sa pamimili ng pagkain para sa handa mamayang gabi .  Don't Worry , Kaya ko na 'to . Ako nang bahala . Gusto kong makabawi sayo . Panahon na para ako naman ang mag-effort . Magpahinga ka na muna diyan , Basta tandaan mo na mahal na mahal kita . Just you and I , Forever and ever . Babalik din agad ako . You're my Unexpected Happiness . When destiny calls you , You must be strong . I may not be with you but you've got to hold on . Joke lang ! Haha , Hindi naman ako aalis sa tabi mo eh . Wait for me , Fighting ! 💌

Matapos kong mabasa yung sulat na ginawa ko daw noon , Hindi ko maiwasang mapaisip . What if totoo nga ang lahat ? Anong gagawin ko ?

Natauhan na lang ako na tumutulo na pala ang luha ko .

"Aish , Ano bang nangyayari sakin ? Letcheng luha 'to" Agad ko nang pinunasan ang luha ko. Punong-puno ng pagmamahal ang sulat na 'to .

Inilapag ko na lang sa loob ng cabinet ko yung sulat at nahiga na lang muna ulit . Kung talagang minahal ko nga siya , Malamang sobrang sakit ng mga nangyayari para sa kanya ngayon . Nasaktan ko talaga siya nang sobra .

Maibabalik ko pa kaya yung dati ? Yung sinasabi niyang dating kami ? Paano ? Anong gagawin ko ?

💍TO BE CONTINUED💍

VOTE. COMMENT.SHARE


RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon