Chapter 87 - Sweeter Than Ice Cream

532 14 5
                                    

MINA'S POV :

Nang matapos ang pagba-ballet class ko , Lumabas na ko sa studio para umalis na . Natigilan na lang ako nang makita ko si Momo na nakatambay sa labas .

"Oh , Anong ginagawa mo dito ? May hinihintay ka ?"

"Yes , Kanina pa nga ko naghihintay dito eh" Sagot niya.

"Oh , Sige . Bye na" Lumakad na ko kaso bigla niya kong pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko.

"Wait , Mina . Hindi mo ba nabasa yung text ko ?" Tanong niya.

"Anong text ?"

"Nagtext ako sayo kanina" Sagot niya.

Agad ko nang kinuha ang phone ko't tiningnan yung sinasabi niyang text . Oh , Nagtext pala si Momo sakin kanina .

"Pupuntahan kita diyan sa studio na pinagba-ballet-an mo . Kain naman tayo sa labas" Nakita kong text niya sakin kanina pa.

"Oh , Meron nga . Pasensya na , Di ko nabasa eh . Naging puspusan kasi ang ballet class namin kanina"

"Ayos lang . Naiintindihan ko . So ngayon, Pwede ba tayong kumain sa labas ?" Tanong niya .

"Ahm , Kasi pagod ako"

"Please , Kahit ngayon lang" Pakiusap niya.

"Iba na lang ang yakagin mo"

"Ikaw yung gusto kong kasamang kumain eh" Sagot niya.

"Sige na nga , Oo na . Ang weird mo . Nagiging nice ka ba talaga sakin or trip mo ko ?!"

"Relax , Gusto ko lang naman na maging magkaibigan na tayo sa kabila ng lahat . Magkakabati na nga ang lahat kaya dapat tayo din" Sabi niya.

Napatingin na lang ako sa kanya nang kaduda-duda .

"Promise" Sabi niya sakin sabay smile.

"Oh sige na nga . Let's go ! Saan ba tayo kakain ?"

"Dun sa restaurant kung saan una tayong nagkakilala" Sagot niya .

Bigla ko na namang naalala yung pagkadulas ko noon dahil sa kagagawan niya . Napa-glare ako sa kanya . Bigla naman siyang nag-peace sign sakin .

"Tara na nga !"

"Dala ko yung kotse ko , Let's Go" Sabi niya.

"Good , Hindi ko kasi dala yung sakin"

"Siyempre , Ready ako noh . Ako pa" Sabi niya kaya napailing na lang ako.

Sumakay na kami sa kotse niya at pumunta na sa restaurant kung saan una kaming nagkakilala . Pumuwesto na kami at umorder na agad siya .

Nang makuha na namin ang iba't-ibang pagkain na inorder niya , Nagsimula na kaming kumain .

"Ano bang dahilan ng paglabas nating 'to ?"

"Bakit ? Ano ba sa tingin mo ?" Tanong niya sabay ngiti.

"Ewan ko . Ano ba ?"

RESETWhere stories live. Discover now