Chapter 72 - Set You Free

625 18 3
                                    

SANA'S POV :

Madilim na nang magising si Dahyun . Nandito ko sa likod ng bahay at nagpapahangin bang bigla siyang lumapit.

"Dahyun , Dumating ang parents ko kanina . Kinakamusta ka nila"

"Tapos ? May pakialam ba ko ?" Tanong niya.

"Sinasabi ko lang naman"

"Whatever" Sagot niya sabay irap sakin.

"By the way , Dinala na ng parents ko yung kotse ko dito . Pwede na tayong magala at magbonding nang magkasama"

"As if namang sasama ko" Sagot niya.

"Kailangan mong sumama"

"Ayoko !" Sagot niya sabay akmang lalayo sakin . Agad ko na siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya't paghila sa kanya palapit sakin .

Niyakap ko siya nang mahigpit . Nahihirapan na ko pero kinakaya ko parin para sa kanya .

"Ano bang ginagawa mo ?!" Tanong niya sabay subok na layo sakin kaya naman mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.

"Please , Listen to me . Trust me , I won't lie"

"Bakit ko naman gagawin yun ? Bakit kita pakikinggan at pagkakatiwalaan ?" Tanong niya sabay tulak sakin palayo.

"Cause you need me and I need you"

"Huh ? Nagpapatawa ka ba ? Kapal ng mukha mo ! Hindi kita kailangan" Sagot niya sakin.

"Dahyun , Bigyan mo ko ng chance na patunayan sayo na nagsasabi ako ng totoo"

"Fine.  Patunayan mo" Sagot niya.

"Sumama ka sakin !" Agad ko na siyang hinawakan sa kamay at inisakay sa kotse ko .

"Saan naman tayo pupunta ?!"

"Sabi mo , Patunayan ko . Pwes , Gagawin ko !" Sumakay na rin ako sa kotse at umalis na .

Nang dumating kami sa destinasyon namin , Agad nang bumaba si Dahyun .

"Familiar ang lugar na 'to ah" Sabi niya sakin.

"Dahil madami tayong alaalang nagawa dito"

"Whatever ! Para talagang nakapunta na ko dito . Hindi ko lang maalala nang maayos" Sagot niya.

"Dito naganap ang first date natin . Special talaga ang lugar na 'to"

"Wala parin akong maalala . Sorry ka" Sagot niya .

"Naiintindihan ko . Bumalik na lang tayo dito sa ibang araw.  Let's Go" Hinawakan ko na siya sa kamay . Sasakay na kami ng kotse nang biglang may sumigaw .

"Hoy !" Nagulat ako nang makita ko kung sino yung sumigaw . Hala ! Sila yung mga nakaaway namin sa bar . Hanggang ngayon ba naman ? Hindi parin sila nakaka-move on sa nangyari ?!

"Sino 'yun ?" Tanong ni Dahyun . Hindi ko pwedeng ilagay sa panganib si Dahyun.  Nakita kong biglang humawak sa ulo si Dahyun .

RESETWhere stories live. Discover now