Chapter 70 - Someday , Somewhere

523 14 4
                                    

SANA'S POV :

Nang magising ako , Nagulat na lang ako dahil nakakumot na ko . Pasaway talaga si Dahyun . Sinabi ko na sa sulat na para sa kanya 'yun eh .

Agad na kong bumangon at pumunta sa living room . Nakita ko siyang natutulog nang nakaupo habang nakasandal. 

Hindi ko maiwasang pagmasdan siya . Kapag tulog siya , Malaya kong natititigan at nakikita nang mas maayos ang mukha niya .

Hanggang ngayon , Hindi parin siya nabibigong mapatibok nang sobra ang puso ko.

Agad ko nang inilagay sa kanya ang kumot . Mas mahalaga sakin ang kalusugan niya . Kapag ayos siya , Ayos na rin ako eh .

Hindi ko napigilang hawakan ang pisnge niya't ayusin ang buhok niya . Ang tagal ko ring hindi nagawa 'to . Miss na miss ko na talaga yung memories namin nang magkasama noon .

Lumakad na lang ulit ako pabalik sa kwarto para naman hayaan na siyang makapagpahinga nang mas maayos .

Mas pinili nga niya dun sa sofa kaysa sa tabi ko . Siguro talagang ayaw niya na sakin . Siguro ipinagtabuyan na niya ko . Kahit ganun , Hindi ako susuko . Alam kong someday maaalala niya rin ako . Somewhere , Magkakasama ulit kaming mamasyal .

Kinuha ko na lang ang phone ko't nakipag-usap na muna sa GC namin ng mga kaibigan ko.

📱JUNGMOSACHAENG GC📱

ME : Guys , Kumusta na kayo ?

JUNGYEON : Heto , Mas nagiging closer kami ni Nayeon 😘

MOMO : Ikaw ang dapat na tanungin namin niyan , Sana

CHAEYOUNG : Tama si Momo , Sana . Kumusta ka na ba ? Kumusta na kayo ni Dahyun ?

ME : Heto , Ginagawa ko parin ang lahat para maalala niya ko . Para mahalin na ulit niya ko .

MOMO : Tama 'yan ! Wag kang susuko , Laban lang.

JUNGYEON : Maaalala ka rin niyan . Baka nga may mga naaalala na 'yan , Ayaw niya lang sabihin eh.

ME : May mga naaalala na nga siyang memories pero ayaw niyang maniwala sa mga 'yun . Hindi niya pinaniniwalaan kung anong naaalala niya.

CHAEYOUNG : Mahirap nga 'yan ! Pero alam kong kakayanin mo . Kakayanin niyo.

ME : Salamat sa suporta , Guys . Lalaban ako hanggang sa huli .

MOMO : Ganyan nga ! Kung kailangan mo ng tulong natin , Handa kami.

ME : Salamat , Guys

JUNGYEON : Wala 'yun . Basta para sa inyo ni Dahyun .

ME : Sige , Mag-iisip muna ko ng paraan para maalala na niya ko .

📱End of GC Conversation📱

Matapos makipagchat sa mga kaibigan ko , Pumunta na lang ulit ako sa living room kung saan naabutan kong tulog padin si Dahyun .

"Dub , Magpahinga ka lang . Maghihintay ako hanggang sa mahalin mo ulit ako" Pinagmasdan ko na lang siyang mahimbing na natutulog .

Lumabas na lang muna ko ng bahay at naglibot sa paligid . Ang dami talaga naming alaala ni Dahyun dito nang magkasama . Tumambay na lang ulit ako sa likuran ng bahay namin .

Tila nag-flashback sakin yung memories na meron kami noon sa likod ng bahay .

Flashback :

Kasama ko si Dahyun na nakaupo dito sa damuhan .

"Sa tingin mo , Anong mangyayari satin sa future ?"

"Hindi ko din alam . Malalaman din natin yun someday" Sagot ni Dahyun sakin.

"Tama ka , Sumabay na lang tayo sa agos ng buhay"

End of Flashback

Ano nga bang mangyayari samin sa future ? Magiging masaya ba talaga kami hanggang huli o mauuwi kami sa hiwalayan ? Sa tingin ko , May reason kung bakit nangyayari ang lahat .

Kailangan lang naming sumabay sa agos ng buhay . Kung ano man ang mangyari sa future , Malugod kong tatanggapin yun . Lalaban ako hanggang may pag-asa . Lalaban ako hanggang sa huli .

Habang nage-emote ako sa likod ng bahay , Bigla na lang may tumawag sakin .

"Sana !"

"Mom ?" Nakita kong kumakaway si Mom sakin.

"Bakit po nagpunta kayo dito ?"

"Kukumustahin lang namin kayo ni Dahyun" Sagot niya.

"Natutulog po si Dahyun sa living room"

"Bakit nasa living room ?!" Tanong niya sakin.

"Hindi ko siya pwedeng gisingin . Kailangan niyang magpahinga eh"

"Tama ka . Di bale , Ikaw na lang ang kakausapin namin . Aalis na rin naman kami maya-maya . May dinala lang kami para sa inyo" Sabi niya.

"Talaga po ? Where 's Dad ?"

"Nandun sa harapan ng bahay niyo.  Puntahan mo.  Malalaman mo kung ano yung dinala namin dito" Sabi niya kaya lumakad na ko papunta sa harapan ng bahay namin .

Omo ! Nanlaki ang mata ko nang makita ang sariling kotse ko . Ang tagal kong di nakita at nagamit ang sariling kotse ko .

"Sana , Naisip namin ng Mom mo na mas mabuti kung pupuntahan niyo yung mga lugar na pinuntahan niyo noon ni Dahyun kaya naman dinala na namin 'tong kotse mo para magamit niyo" Sabi naman ni Dad.

"Thanks Mom and Dad"

"Paano ? Mauna na kami . Next time , Babawi kami sa inyo . Busy lang talaga sa business natin eh" Sabi ni Mom.

"Ayos lang po . Naiintindihan namin"

"Sige , Mauna na kami . Pakisabi na lang kay Dahyun na bumisita kami . Enjoy" Sabi nila sabay lakad na .

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang kotse kong matagal kong do nakita at nagamit .

May magagamit na kami ni Dahyun ngayon . Mapupuntahan na namin kaagad ang mga lugar na dapat naming puntahan nang magkasama . Kaso may problema , Paano ko siya mapapasama sakin at mapapasakay sa kotse ko ? Ni ayaw niya nga kong makasama eh .

Bigla ko na lang naalala yung nangyaring aksidente sa kanya.  Dahil hindi niya ko kasama nang panahong 'yun , Nasaktan siya't nagkaganito . Hindi ko na 'yun hahayaang mangyari ulit .

💐To be Continued💐

VOTE.COMMENT.SHARE

RESETWhere stories live. Discover now