Chapter 64 - A New Beginning

561 14 0
                                    

SANA'S POV :

Nang makalabas ako sa kwarto ni Dahyun , Napaupo na lang ako sa isang tabi . Hindi pa rin niya ko maalala .

Tuluyan nang pumatak ang luha kong kanina ko pa pinipigilan . Pinipigilan kong maluha sa harapan niya . Bakit ? Dahil ayokong isipin niya na kasalanan niya kung bakit pumapatak ang luhang 'to .

Hindi man niya ko pinaniniwalaan ngayon. Balang araw , Magagawa rin niyang maniwala sakin dahil alam kong babalik rin naman ang alaala niya . Babalik din 'yung pagmamahal niya sakin na nakalimutan niya.

Kahit na hindi niya tinanggap yung phone niya , Nagpapasalamat na rin ako dahil kahit papaano ay pumayag siyang sa kanya muna yung bracelet at singsing . Alam ko namang kahit na hindi niya yun maalala , Iingatan niya parin 'yun .

Sana lang talaga mapabilis na ang recovery niya , Para naman mayakap ko na ulit siya nang mahigpit . Miss na miss ko na kasi yung pagyakap ko sa kanya . Miss na miss ko na yung ngiti niyang hindi man lang niya pinakikita sakin ngayon.

Tumayo na lang ako't umalis na muna . Uuwi na muna ko sa bahay namin . Kailangan kong linisin ang buong bahay para sa pag-uwi niya , Malinis na't maayos ang lahat .

Agad na kong sumakay sa taxi at umuwi na sa bahay namin . Sinimulan ko na kaagad ang paglilinis hanggang sa matapos ako . Nakita ko na naman yung huling sulat na iniwan niya para sakin . Makakatulong 'to para maalala niya ko kaya naman initago ko hanggang ngayon .

Naupo na muna ko sa sofa . Hindi na ko makapaghintay na umuwi siya dito . Gusto ko na siyang makasama .

Ano bang dapat kong gawin sa mga oras na 'to ? Alam ko na . Panahon na siguro para ako naman ang gumawa ng sulat para sa kanya . Kumuha na ko ng papel at ballpen at nagsimula nang magsulat .

💌My Dahyun , Dub , Baliw o kahit na ano pang itawag ko sayo . Gusto kong tandaan mo na isa lang ang nararamdaman ko para sayo . Hindi magbabago 'yun kahit na ano pang itawag ko sayo . Sa mga oras na inisusulat ko 'to , Hindi mo parin talaga ako naaalala . Hindi mo parin nari-realize na mahal natin ang isa't-isa . Ayos lang ako , Hindi naman ako susuko hanggang sa maalala mo ko . Alam kong maaalala mo rin ako balang araw . Diba nga't Unexpected Happiness ang nangyari satin . Sa hindi inaasahang pagkakataon , Sumaya tayo sa isa't-isa . Sa isang iglap , Mahal na kita . Ganun ka rin sakin . Ganun naman talaga ang Love , Diba ? Minsan , Bigla mo na lang minamahal ang isang tao nang walang rason . Basta , Mahal mo lang siya nang sobra . Sa Love , Kahit ang matalinong tao nagiging tanga . Yun ang katotohanan . Wag kang mag-alala , Ayos lang talaga saking sinisigawan at tinatarayan mo ko ngayon . Alam mo kung bakit ? Kasi naaalala ko yung mga panahong parang aso't pusa pa tayo . Masasabi kong masasayang alaala ang mga 'yun dahil kasama kita sa memories na yun . Mahal kita , Dahyun 💌

Napahinga na lang ako nang malalim nang matapos ko nang isulat ang letter para kay Dahyun . Sa tingin ko , Parang bumalik ang lahat sa simula . Sa simula kung saan para pa kaming aso't pusa . Baka may dahilan nga talaga kung bakit ganun . Siguro kailangan ko lang sumabay sa agos ng buhay .

Tama , Ituturing ko 'tong bagong simula . Nagsisimula na naman kaming maging aso't pusa , Pero sa huli alam kong mamahalin niya na ulit ako .

Nahiga na lang muna ko sa sofa't naidlip na muna . Sana sa paggising ko , Maayos na ang lahat . Kung pwede lang sanang maalala na niya kaagad ako .

💐💐💐💐💐

DAHYUN'S POV :

Nang gumabi , Agad na dumating ang magulang ko upang samahan ako .

RESETWhere stories live. Discover now