Chapter 76 - Effective Idea

568 16 14
                                    

DAHYUN'S POV :

Dahil nakakabuwisit ang pang-aasar ni Sana , Nagdesisyon akong lumabas muna ng bahay . Kapal kasi ng face niya , Binobigyan ng meaning ang mga bagay-bagay .

Nang buksan ko ang pinto , Natigilan ako sa taong nakita ko .

"Hello , Guys . Good Morning !" Sabi niya samin ni Sana . Nakita ko na ang taong 'to ah ah.

Agad na siyang pumasok sa loob ng bahay namin . Nagulat din si Sana nang makita siya . Tama ! Siya yung isa pang nasa hospital nang magising ako . Sino ba siya ?! Nakalimutan ko ang name niya eh .

"Anong ginagawa mo dito , Momo ?" Tanong ni Sana sa kanya . Ayun ! Momo pala ang pangalan niya .

"Bumibisita sa inyo" Sagot niya samin.

"Si--Sige , Tuloy ka" Sabi ni Sana sa kanya kaya naupo na sa sofa si Momo .

"Kukuha lang ako ng maiinom mo" Sabi ni Sana kay Momo sabay punta sa kusina .

Napatingin naman sakin si Momo kaya umiwas na lang ako nang tingin .

"Dahyun , Come here" Tawag niya.

"Me?" Napaturo ako sa sarili ko kaya naman tumango siya . Dahan-dahan na kong umupo sa tabi niya .

"Namiss kita" Bigla siyang umakbay sakin kaya para kong natigilan . Close ba kami nito ? Kung umasta siya , Parang close na close kami . Ni hindi ko din nga siya maalala .

"Hi--Hindi kita maalala eh"

"Ayos lang 'yun . Naiintindihan ko . Maaalala mo din ako someday" Sabi niya sakin sabay smile.

"Sige , Sabi mo eh" Yumuko na lang ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin .

"Heto na ang inu------" Narinig ko si Sana na sumulpot na . Pero , Bigla siyang huminto sa pagsasalita kaya napatingin ako sa kanya . Nakatingin siya samin ni Momo.

"Oh , Salamat" Sabi ni Momo kay Sana . Naupo na rin si Sana sa tabi ko . Hindi parin tinatanggal ni Momo ang pagkaka-akbay sakin . Shet ! Feeling close naman 'to .

"Namiss talaga kita , Dahyun . Mabuti na lang at nagising ka na" Sabi ni Momo sakin.

"Ta--Tama ka , Buti na lang . Hehehe"

Maya-maya pa , Biglang tumayo si Sana at kinuha ang isang baso ng juice .

"Momo , Inumin mo na 'to" Sabi niya sabay abot ng baso kay Momo kaso bigla niyang natapunan si Momo sa damit.

"Oh My God ! Sorry , Momo . Di ko sinasadya" Sabi ni Sana kay Momo.

"No , It's Okay" Sagot ni Momo sabay tanggal ng pagkaka-akbay sakin .

"Sorry talaga , Momo . Maharot este magalaw ka kasi eh" Sabi ni Sana. Ano daw ? Maharot ? Hahaha . Biglang lumingon sakin si Sana nang medyo masama . Ano bang nagawa kong masama ?! Tsk .

What the fvck ?! Nagseselos ba si Sana ? Omo ! Mukhang nagseselos nga siya. Hahaha . May naisip akong idea .

"Ahm . Momo , Pahiramin kita ng t-shirt"

RESETDonde viven las historias. Descúbrelo ahora