Chapter 23 - Bracelet

761 29 9
                                    

DAHYUN'S POV :

Dahil wala pa si Sana , Naisipan kong maglibot muna sa paligid . Malawak naman 'tong lugar . Malayo nga lang 'yung mga kapitbahay namin . Ang boring tuloy dito .

Naglakad-lakad na ko . Gusto kong bumisita sa mga kapit-bahay namin dito .

"Iha , Bago ka lang dito ?" Rinig kong tanong ng isang matandang babae na nakaupo sa terrace ng bahay nila .

"Opo , Nakatira po ko dun sa bahay na medyo malayo dito sa inyo"

"Ah ! Ikaw yung nakatira dun sa bagong gawa na bahay . Yung sosyaling bahay na malawak ang lupain ?" Masayang tanong niya sakin.

"Opo , Ako nga po . Hello po . Ako po si Dahyun , 20 years old"

"Ikaw lang ba mag-isa ang nakatira dun , Iha ?" Tanong sakin ni Lola.

"Hindi po . Kasama ko po yung asawa ko"

"May asawa ka na sa batang edad mo ?" Gulat na tanong ni Lola.

"Opo . Arranged marriage lang po kasi"

"Ganun ba ? Kumusta naman ang buhay mo kasama siya ?" Tanong ni Lola.

"Hindi po kami magkasundo ng asawa ko . Hindi naman po kasi kami ikinasal dahil mahal namin ang isa't-isa . Ikinasal kami dahil 'yun ang desisyon ng mga magulang namin"

"Mahirap 'yan , Iha . Hindi kayo nagkakasundo ? Hindi naman kayo umaabot sa puntong magkakasakitan na kayo ?" Tanong niya sakin.

"Nung isang araw po , Nagkaaway kami at muntikan ko na siyang masapak sa mukha . Pero ngayong araw , Pakiramdam ko bigla siyang naging nice sakin"

"Baka naman may pag-asa kayong magkaayos . Baka naman may pag-asang magustuhan niyo ang isa't-isa" Sabi ni Lola.

"Nako , Malabo pong mangyari 'yun . Hindi talaga namin gusto ang ugali ng isa't-isa"

"Iha . Pagdating sa Pag-ibig , Lahat tayo ay may pag-asa . Palaging may pag-asang magmahal" Advice niya sakin.

"Kayo po ? Sino pong kasama niyo dito ?"

"Kasama ko ang mga anak ko . Pumanaw na ang aking asawa . Sa ngayon , Nagtitinda ako ng bracelet sa Park malapit dito . Nagagawa ko ring mag-advice sa mga taong may problema sa pag-ibig . May mga natulungan na nga ko eh" Sagot niya sakin.

"Kaya po pala mukhang magaling kayong mag-advice"

"Oo , Iha . Ikaw ? Baka gusto mong magpa-advice sakin ?" Tanong niya.

"Sige po . Kami po ng asawa ko . Bigla na lang kaming naging awkward sa isa't-isa simula nang magkatabi kami sa pagtulog kagabi . Tapos , Naging interesado pa siyang malaman kung sino ang nakausap ko sa phone . Mukhang nagseselos po siya"

"Ganyan talaga ang buhay , Iha . Kung talagang kayo ang para sa isa't-isa , Magiging kayo talaga" Sagot niya.

"Ganun po ba 'yun ? Salamat na lang po sa advice . Hindi ko po malalaman kung anong mangyayari sa buhay ko kasama siya eh"

"Malalaman mo rin yan sa tamang panahon . Darating din yung tamang panahon na maiisip mo kung posible ba talagang magustuhan niyo ang isa't-isa" Sabi niya sakin kaya napangiti na lang ako kay Lola.

Tama siya . Malalaman ko rin ang lahat sa tamang panahon . Hindi ko alam kung anong magiging future ko kasama siya . Hindi ko alam kung hanggang kailan kami tatagal nang magkasama . Pero , Isa lang ang masasabi ko ngayon . Magiging handa ako sa kung ano mang mangyayari sakin sa future .

"Sige po . Salamat po sa advice , Lola . Babalik na po ko sa bahay namin"

"Welcome , Iha . Sandali lang . May ibibigay ako sayo" Sabi niya sakin kaya natigilan ako sa paglakad.

Pumasok siya sa loob ng bahay kaya hinintay ko siya sa labas . Maya-maya pa , Lumabas na siya dala ang dalawang bracelet .

"Heto , Para sa inyo ng asawa mo" Sabi niya sabay abot sakin ng couple bracelet .

"Po ? Para samin po ?"

"Oo naman . Bigay ko na 'yan sa inyo . Naging successful ang pagmamahalan ng ilan sa mga nabigyan at napagbentahan ko ng mga bracelet ko . Gusto kong ibigay sa inyo 'yan para kung sakaling maging successful din kayo . Pero tandaan , Hindi bracelet o ano mang bagay ang dahilan kung bakit nagiging successful ang bawat istorya ng pagmamahalan . Dahil 'yun sa pagtitiwala at pagmamahal sa isa't-isa" Sagot niya sakin sabay smile.

"Salamat po , Lola"

"Walang anuman , Sana magkausap ulit tayo" Sabi niya sakin kaya naman nagpaalam na ko't lumakad na pabalik sa bahay .

Kakaiba rin ang Lola na 'yun . Gusto ko na ang Lola na 'yun . Nakakatuwa siyang kasama .

Habang naglalakad pauwi , Pinagmasdan ko ang bracelet na ibinigay ni Lola . May nakasulat pala .

💐 "UNEXPECTED HAPPINESS" 💐

"Unexpected Happiness ?" Tanong ko nang mabasa ko ang nakasulat .

Bakit kaya ito ang ibinigay ni Lola samin ? Ni hindi ko pa nga nararamdaman na masaya ko kapag nandiyan si Sana . Puro ka-buwisitan lang ang nararamdaman ko kapag kasama siya. 

Bahala na nga . Siguro naman balang araw malalaman ko rin ang rason kung bakit Unexpected Happiness 'to . Inilagay ko na sa bulsa ko ang couple bracelet na inibigay ni Lola samin .

Nagpatuloy na lang ako sa paglakad hanggang sa makuha ng magagandang bulaklak sa tabi ng bahay namin ang atensyon ko .

Ang gaganda naman ng mga bulaklak dito . Nakakapagpagaan ng loob kahit na tingnan mo lang .

Ipinikit ko na lang ang aking mata at ninamnam ang payapa at tahimik na ihip ng hangin. 

"Kim Dahyun !" Rinig kong pagtawag ng kung sino kaya naman napamulat na ko't napalingon sa taong tumawag sakin .

💐To be Continued💐

Sino nga ba ang taong tumawag kay Dahyun ? Abangan .

Nagbabalik po si Lola 😍😘💞 Hahaha . Hanggang dito nakarating siya . Omo . Lol

VOTE.COMMENT.SHARE

RESETWhere stories live. Discover now