Chapter 67 - Should I ?

539 18 12
                                    

DAHYUN'S POV :

Nang ikwento ko sa kanya yung mga bagay na naalala ko tungkol sa bracelet , Natigilan na lang ako nang malaman kong alam rin niya ang mga bagay na 'yun .

Mas naguluhan ako sa mga sinabi niya . Yung taong kasama ko sa mga naalala ko habang pinaguusapan yung bracelet , yung taong nagsabing maganda ang ngiti ko , yung taong tumapik sa ulo ko at yung taong nagpangiti sakin sa alaalang 'yun . Siya ba talaga 'yun ?

Gulong-gulo na 'tong puso't isipan ko . Tapos bigla na naman niya kong niyakap nang mahigpit . Pakiramdam ko obsessed na siya sakin eh . Bigla kasi siyang lumuha nang yakapin niya ko . Ang oa kasi para sakin .

Hindi ko na nga alam kung anong dapat kong gawin eh . Naguguluhan talaga ako . Nang makita ko 'yung luha niyang bumagsak mula sa mata niya , Nakaramdam ako ng kung ano .

Hindi ko alam kung ano ba 'to . Basta , Nakita ko sa mata niyang nalulungkot siya . Kaya naman , Nagdesisyon akong isuot na muna ulit ang singsing at bracelet . Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko 'to , Siguro para matigil na siya sa pagluha . Baka sabihin pa kasi ng magulang ko na pinaiyak ko siya . Siguro ganun nga lang .

Lumabas na muna siya ng bahay para magpahangin daw sa labas kaya pumunta na ko sa taas at pumasok sa kwarto . Tama , Isa nga lang ang kwarto . Totoo kayang magkasama kaming natutulog dito ?

Naupo na muna ko sa kama at tumingin sa palibot ng kwarto . Hindi ko parin talaga maalala ang lahat . Totoo bang dito ko tumira o sadyang nagsisinungaling lang sila sakin ?

Nahiga na muna ko sa kama para naman makapagpahinga ako . Ipipikit ko na sana ang mata ko nang biglang sumakit ang ulo ko nang humarap ako sa kabilang part ng kama .

"Aray !" Nasabi ko nang sumakit ang ulo ko dahil sa alaalang pumasok sa utak ko .

Flashback :

Nakahiga ako sa kama habang katabi ang kung sinong blurred pa din ang mukha .

"Sana hindi lang 'to isang panaginip" Sabi ko sa kanya .

"Panaginip man 'to o hindi , Wala paring magbabago sa nararamdaman ko para sayo" Sagot ng kung sino sakin .

"Natatakot ako na baka isang araw magising na lang ako sa katotohanang isang panaginip lang at isag imahinasyon lang ang lahat" Sagot ko sa kanya .

"Don't be afraid . I'll be here for you no matter what happen . My feelings for you are real" Sagot ng kung sino sakin.  Nakaramdam ako ng saya dahil sa sinabi niya .

End of Flashback

Napahawak na lang ako sa'king ulo dahil sa sakit nito . Agad na kong bumangon sa kama dahil sa sakit ng ulo ko .

Sino siya ?! Sino ba yung taong may blurred na image sa mga memories na bumabalik sakin ?! Si Sana ba 'yun ? Totoo bang mahal ko siya't mahal niya ko ?! Should I believe everything now ?

Pinagmasdan ko 'yung kama na inuupuan ko ngayon . Familiar 'to dun sa alaalang naalala ko . Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko . Bakit ganun ? Pakiramdam ko ang sakit-sakit . Pakiramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko ngayon .

"Dapat na ba kong maniwala sa mga sinasabi niya ?" Pinunasan ko na lang ang luha ko.  Tumayo na ko't lumakad palabas ng kwarto . Kailangan kong makausap si Sana .

RESETWhere stories live. Discover now