Chapter 2 - Everything

1.1K 39 7
                                    

SANA'S POV :

"Guys , Kita kits na lang bukas" Agad na kong lumabas ng kotse at nagpaalam na sa mga kaibigan kong sina Jungyeon , Chaeyoung at Momo.

"Sana , Bukas ah . Wag kang mawawala sa birthday celebration ko sa Bar" Paalala ni Chaeyoung.

"Tama ! Baka naman hindi ka na makatakas sa magulang mo niyan" Sabi naman ni Jungyeon na may-ari ng kotse na ginamit namin.

"Goodluck sa pagpapaliwanag mo ngayon sa Mom mo" Extra ni Momo sakin .

"Ako ? Hindi makakatakas ? Kailan pa ko nabigong gawin 'yun ? Basic na lang sakin 'yun . Sige na , Bye na" Nagpaalam narin ako sa kanila't pumasok na sa loob ng bahay.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at dahan-dahan pumasok sa loob . Patay ang lahat ng ilaw . Sinigurado kong bawat hakbang na gagawin ko ay hindi makakagawa ng ingay.

Paakyat na sana ko ng hagdan papunta sa kwarto ko nang biglang magbukas ang ilaw.

"Shet !" Nasabi ko na lang dahil alam kong huli na ko .

"Minatozaki Sana , Alas tres na ng madaling araw . Saan ka na naman pumunta ? Sinabihan na kitang hindi ka pwedeng umalis eh !" Rinig kong sermon ng Mom ko mula sa aking likuran .

Dahan-dahan akong humarap sa kanya't napakamot-ulo na lang .

"Mom , Alas tres na ng madaling araw . Gising ka pa" Sabi ko na lang sa kanya .

"Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan eh . Saan ka na naman galing ? Kasama mo na naman ang mga kaibigan mong gumimik . Please Sana . Huwag ka namang magpasaway samin ng Dad mo" Sagot niya sakin kaya nag-peace sign na lang ako sa kanya.

"Mom , Sinunod ko naman ang utos niyo"

"Sinunod mo ?! Eh , Bakit tumakas ka pa din ? Diba sinabi ko na sayo'ng porke't hindi uuwi ang Dad mo ngayong araw ay pwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo" Sagot niya sabay pamewang .

"Fine . Hindi lahat sinunod ko . Pero , Sinunod ko naman 'yung sinabi niyong huwag kong itatakas ang kotse ko kaya naman 'yung kotse ng friend ko ang ginamit namin kanina . Sinabi niyo ring matulog ako ng maaga . Heto , Matutulog na ko ng alas tres , Umaga na rin ngayon" Palusot ko sa kanya.

Nakita ko namang kumunot na ang noo ni Mom . Pinipigilan ko na ngang matawa dahil sa expression ng mukha niya .

"Minatozaki Sana , Niloloko mo ba ko ? Please lang , Sumunod ka na lang . Kapakanan mo rin naman ang iniisip namin . Ikaw ang kaisa-isang tagapagmana ng mayamang business ng pamilya natin . Kapag gumawa ka ng gulo at naapektuhan ang kompanya , Masasayang ang mga pinaghirapan namin ng Dad mo para sa future mo" Sagot ni Mom sakin.

"Opo na po . Naiintindihan ko naman . Saka , Huwag kayong mag-alala . Never naman akong gumawa ng gulo" Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Never ? Eh nung isang buwan , May nakaaway pa kayo ng mga kaibigan mo sa bar na pinagtambayan niyo . Jusko naman , Sana" Napahawak na lang si Mom sa ulo niya .

"Alam ko po ang ginagawa ko . Relax lang , Mom . Sige na po , Matutulog na ko" Sagot ko sa kanya sabay takbo agad papunta sa kwarto ko.

Agad na kong nagpalit ng damit at nahiga na sa malambot kong kama .

"Ang sarap ng buhay ko" Nasabi ko na lang habang ninanamnam ang buhay na meron ako .

My name is Minatozaki Sana . 21 . Masasabi kong mayaman talaga ang pamilya ko . Ako lang naman ang kaisa-isang tagapagmana ng "Minatozaki Mall" na meron sa iba-ibang parte ng bansa .

Lumaki ako'ng nasusunod ang lahat ng gustuhin ko . Wala eh , Nasanay na ko . Kaya naman , Hanggang ngayon hirap parin akong pigilan ng magulang ko sa mga gusto kong gawin .

Ipinikit ko na lang ang mata ko't natulog na . Kinabukasan , Nagising ako ng alas tres ng hapon kaya naman agad na rin akong bumangon sa kama at nag-ayos na ng sarili ko.

Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahang naglakad para malaman kung nasaan si Mom . Mukhang wala si Mom . Umalis ata siya . Hanggang sa nakakita ako ng note na nakadikit sa pinto ng refrigerator .

"Sana , Kailangan kong umalis ngayon para puntahan ang Dad mo . May mga kailangan kaming ayusin sa business natin . Huwag kang magpasaway , Pakiusap" - Mom

See ? Umalis nga siya . Mag-isa lang ako ngayon sa bahay . Walang kasama . Walang kausap . Naupo na lang ako sa upuan at kumain na ng pagkain na meron sa ref .

Habang kumakain , Bigla akong may naisip . Oh My God ! Wala si Mom . Wala si Dad . Wala akong kasama ngayon . Walang manenermon sakin . Walang pipigil sakin na umalis . Yes ! Buti naisip ko 'to . Haha . Tamang-tama , Makakapunta ko mamaya sa birthday celebration ni Chaeyoung nang hindi tumatakas kila Mom and Dad.

Dahil mamaya pa namang gabi ang celebration ng birthday ni Chaeyoung , Magagala na muna ko kung saan ko gusto since wala namang manenermon sakin .  Nagmadali na kong kumilos at agad nang umalis gamit ang kotse ko .

Mukhang sinuswerte ko ngayong araw ah . Agad na kong namili nang namili ng mga bagong damit , gamit at iba pang bagay .

This is me , Minatozaki Sana . I can get whatever I want . I can do whatever I want . And , The thing that I want to do right now is to have fun .

💍To be Continued💍

Si Dahyun na palaging nananalo sa kung ano mang laban ang pasukin niya at si Sana na palaging nakukuha ang lahat ng gustuhin niya . Paano nga ba magku-krus ang mundo nilang dalawa ? Abangan 😘

VOTE.COMMENT.SHARE

RESETWhere stories live. Discover now