Chapter 43 - First Date

838 30 2
                                    

SANA'S POV :

Hindi ko mai-explain yung sayang nararamdaman ko sa mga oras na 'to . Pakiramdam ko , Pareho na kami ng nararamdaman ni Dahyun sa isa't-isa . Pakiramdam ko pareho na kaming masaya't komportable .

Hindi man niya sabihin sakin nang direkta , Alam kong may nararamdaman na siya para sakin . Makita ko lang 'yung ngiti niya , Alam ko na agad ang nararamdaman niya eh .

Yung mga ikinikilos niya at yung nakikita ko sa mata niya , Alam kong posible talagang mahulog ang loob namin sa isa't-isa . Sa katunayan , Tuluyan na nga yata kaming nahulog para sa isa't-isa .

Nagmaneho na ko ng kotse habang nasa tabi ko naman si Dahyun . Dadalhin ko siya sa espesyal na lugar . Kung wala ang lugar na 'yun , Hindi kami magkakakilala .

"Saan ba tayo pupunta ?" Tanong niya sakin.

"Basta , Relax ka lang diyan . Malapit na tayo"

Makalipas ang ilang minuto , Ihininto ko na ang kotse sa parking lot . Hinawakan ko na ang kamay ni Dahyun at naglakad-lakad na .

"Sana , Dito talaga ? Hahaha" Natatawang tanong niya .

"Kung wala ang lugar na 'to , Hindi tayo magkakakilala"

"Tama ka . Kahit na hindi maganda ang unang pagkikita natin sa lugar na 'to , Nagpapasalamat parin akong nakilala kita" Sagot niya sabay ngiti sakin .

Naisip kong dito siya dalhin . Dito sa seaside kung saan unang nagkrus ang landas naming dalawa . Napapangiti na lang ako habang inaalala yung unang pagkikita namin dito .

Sinong mag-aakala na mauuwi kami sa ganitong sitwasyon kahit na para kaming aso't pusa nung umpisa ?

"Naalala mo pa noong nakapikit ka diyan sa pwestong 'yan tapos bigla tayong nagkasalubong ?"

"Oo naman . Nagulat kaya ako sayo noon" Sagot niya sakin.

"Eh , Yung pagtakbo nating dalawa ?"

"Aba , Siyempre . First time kayang may humawak sa kamay ko tapos bigla akong isasama sa pagtakbo" Sagot niya .

"Kahit papaano , Nagpapasalamat ako sa mga humabol sakin noon . Kasi kung di nila ko hinabol , Hindi ko naman mahahawakan ang kamay mo"

"Baliw ka talaga , Hahaha" Sagot niya sakin sabay tawa .

Naupo na muna kami sa isang tabi at nagpahinga . Inisandal ni Dahyun ang ulo niya sa balikat ko.

"Ang payapa sa lugar na 'to"

"Tama ka . Ay ! Mas magandang gayahin mo ang ginagawa ko" Sabi niya sakin sabay tayo.

"Ano naman 'yun ?"

"Mas mare-relax ka" Sagot niya.

Agad na rin akong tumayo at pumuwesto na sa tabi niya .

"Ano ba 'yan ?"

"Ipikit mo lang ang mata mo't pakinggan mo ang katahimikan ng paligid . Palagi akong nare-relax kapag ganito . Sige na , Gawin mo rin" Sagot niya sabay pikit na ng mata niya .

RESETWhere stories live. Discover now