Chapter 56 - What To Do ?

642 17 19
                                    

DAHYUN'S POV :

Agad na kong sumakay sa kotse matapos jong mailagay lahat ng pinamili ko sa loob . Sigurado akong matutuwa si Sana nito . Dahil miss na miss na ko ni Sana , Kailangan ko nang umuwi agad .

Ang lakas-lakas ng ulan pero walang makakapigil sakin. Hindi hadlang ang mga 'to.  Masaya kong bumiyahe sakay ng kotse namin .

Habang nagmamaneho , Hindi ko maiwasang maisip na mamayang gabi aaminin ko na sa magulang namin na mahal na mahal ko si Sana . Excited na talaga ko .

Sa wakas , Nalaman ko na rin kung ano ba talaga ang meaning ng "Unexpected Happiness" na nakalagay sa bracelet namin ni Sana . Si Sana ang Unexpected Happiness ko . Siya lang , Wala nang iba .

Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko , Napansin ko na naman yung wedding ring namin na suot ko . Agad ko muna itong tinanggal para mas mapagmasdan ko .

"Ay Shete !" Bigla ko na lang itong nabitawan kaya naman kinuha ko sa baba . Agad ko na itong inisuot muli sa sarili ko .

Nanlaki na lang ang mata ko nang makita kong may kasalubong na pala akong mga kotse . Anong gagawin ko ?!

Waah ! Magkakabanggan kami ! Dahil madulas ang kasada , Nagkaroon ako ng problema sa pagkontrol sa kotse .

Hindi pwedeng may masaktan . Ang bilis-bilis ng mga pangayayari ngayon . Mas gugustuhin kong ako na lang ang masaktan kaysa may madamay na iba .

Agad ko nag iniliko ang kotse para makaiwas sa mga kotseng makakasalubong ko . Hindi ko alam na may malaking poste pala sa daraanan ko . Nanlaki na lang ang mata ko bago tuluyang sumalpok ang kotseng sinasaktan ko sa malaking poste .

Nakaramdam ako nang sobrang sakit . Sobrang sakit sa katawan at sa ulo.  Katapusan ko na ba 'to ? Mamamatay na ba ko ? Sa mga oras na 'to , Wala akong inisip kundi si Sana at ang masasayang alaala namin sa isa't-isa .

"Sa--Sana , Mahal kita"

Kung mamamatay man ako ngayon , Mamamatay akong may masayang alaala kasama si Sana .

Naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa mga sugat na natamo ko sa ulo. Hindi ako pwedeng mamatay nang hindi nagpapaalam kay Sana .

Sinubukan kong kunin ang phone ko kaso nanlalabo na talaga nang sobra ang paningin ko kaya naman agad ko itong nabitawan .

Dahil sa sobrang pagkahilo , Naipikit ko na lang ang mata ko . Ito na yata ang katapusan ko .

💐💐💐💐💐💐

SANA'S POV :

May tumatawag . Baka si Dahyun na 'to . Agad ko nang sinagot ang tawag dahil nakita kong mula kay Dahyun ang tawag .

📱ON THE PHONE📱

"Dahyunie , Nasaan ka na ba ? Miss na kita eh"

"Kaibigan po ba kayo ng may-ari ng phone na 'to ?" Tanong ng kung sino sa kabilang linya.

"Huh ? Sino ka ? Nasaan si Dahyun ?! Bakit nasayo ang phone niya ?!"

"Pasensya na po . Nakita ko po kasing nasa favorites ang phone number niyo sa contacts niya" Sagot ng kung sino.

"Sino ka ba ?! Nasaan si Dahyun ?!" Hindi ko na mapigilan ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na 'to .

RESETWhere stories live. Discover now