Chapter 68 - Someone Like Me

565 15 9
                                    

SANA'S POV :

Hindi ko maiwasang mapatawa nang puntahan niya ko dito sa likod ng bahay . Kasi naman , Naaalala ko yung mga alaala namin noon kung saan para pa kaming aso't pusa .

Wala parin talagang nagbabago sa kanya kahit na nagka-amnesia siya . Trip ko lang naman na gawin ulit yung mga ginawa ko noon .

Tulad ng pag-alok ng tulong sa kanya na makatayo , Naniwala ulit siyang tutulungan ko nga siya . Siyempre , Pinili kong bitawan siya para makita kung anong gagawin niya .

Natawa na lang ako kasi sinabi niya ulit na "I'll make you suffer!" . Alam kong balang araw babalik din talaga ang lahat sa dati .

Hindi ko pa inasahang tatalon na naman siya sa likod ko . Pinagsasabunutan na naman niya ko . Ayos lang kahit na masaktan ako , Basta masaya kong maalala ulit ang mga bagay na nangyari noon .

Nang bumagsak kami sa damuhan , Gusto na naman niya kong suntukin . Imbes na matakot at umilag , Natawa na lang ako . Ganito rin siya noon eh . Kung di dumating ang magulang namin noon , Siguro nasapak at na-blackeye-an na niya ko . Hahahahaha .

Buti na lang at hindi na niya inituloy ang pagsapak sakin ngayon . Tumayo na siya't lumayo sakin . Siyempre , Sinabi na naman niya ang paboritong line niya na "I'm Dahyun , No one can beat me" .

Dahil sa pagka-badtrip niya , Pumasok na lang siya sa loob . Hindi ko talaga maiwasang matawa . Ang cute parin niya kahit nagagalit .

Naupo na lang ulit ako sa damuhan at nag-isip isip . Masaya kong kasama ko na ulit siya . Kahit na hindi niya ko maalala , Masaya parin ako . Ganito ko siya kamahal . Handa akong maghintay kahit gaano katagal . Handa akong masaktan para lang sa kanya . Handa akong magpakatanga para lang mapangiti siya .

Saan pa siya hahanap ng katulad ko ? Katulad ko na handang isuko ang lahat mapasaya lang siya .

If she's feeling down , Just look for me . I'll be there , Faster than other .

Whenever she's sad , I'll be her wishing well .  I'll grant her wishes to make her feel better .

I'll be her handkerchief whenever she's crying . I just want to be with hee . Forever , I love her .

Choose to love bravely , Someone who'll love her sincerely . Someone who'll make her happy , Someone like me .

Napangiti na lang ako habang nakatingin sa bahay namin . Mas madami pang memories ang mangyayari sa bahay na 'to . Nararamdaman kong magsisimula na ulit ang mga nakakatuwang alaala na meron kami sa bahay na 'to . Sisiguraduhin ko 'yan ! Hahaha .

Tumayo na lang din ako at pumunta na ulit sa loob ng bahay namin . Naabutan ko siyang nagpiprito ng itlog .

"Gusto mong ako nang magluto diyan ?"

"Kaya ko na 'to ! Kaya ko nang magluto ng sariling pagkain ko" Sagot niya nang nakakunot-noo .

"Ahm , Sinabi ko bang pagkain mo ang lulutuin ko ? Nagkakamali ka ng intindi . Haha . Ibig kong sabihin , Kung gusto mong ako na muna ang magluto diyan ng pagkain . Pagkain ko , Hindi sayo"

"Ah , Ganun ?! Pinipilosopo mo ko ?! Kung ingudngod kaya kita dito sa kalan ?!" Inis niyang tanong.

"Ang sungit mo naman . Chill lang . Haha . Sige na nga , Ipagluluto na rin kita ng pagkain mo total ako naman ang madalas magluto ng food natin eh"

RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon