Chapter 3 - Seaside

1K 37 6
                                    

DAHYUN'S POV :

"Dub , Kailangan naming umalis ng Dad mo para gumawa ng paraan para maisalba ang pabagsak nang business natin" Sambit ni Mom habang inaayos ang bag niya.

"Pustahan tayo , Maghahanap na naman kayo ng ire-reto sakin" Napatingin sila ni Dad sakin .

Sanay na kaya ako . Palagi namang ganyan ang ginagawa nila eh . Hindi sumusuko hanggang sa maireto na ko nang tuluyan sa kung sinong anak ng mayamang pamilya .

"Dub , Sana maintindihan mo kami . Para din sayo 'to" Sambit naman ni Dad sakin.

"Let me correct you , Dad . Para sa business natin 'to . Hindi para sakin" Sagot ko sabay lakad na lang sa hagdan papunta sa kwarto ko.

"Kim Dahyun , Balang araw maiintindihan mo din . Aalis na muna kami" Extra ni Mom.

"Whatever , Kahit ano namang gawin niyo eh . Mananalo parin ako . Sige na po , Magmumukmok na lang ako dito buong araw" Pahabol ko sabay tuluyang punta sa kwarto ko .

Sumilip na lang ako sa bintana sa kwarto ko't nakitang umalis na ang magulang ko kaya naman napangisi na lang ako .

"Ngayon , Makakaalis na ko . Oh My God ! Sa wakas , Makakalabas rin ako ng bahay na 'to" Masayang sabi ko sabay ayos na agad ng sarili .

Since wala sila dito sa bahay para bantayan ako , Panahon na para magsaya ko .

"Guys , Magkita-kita tayo . Wala sila Mom and Dad dito . Bonding naman tayo" Agad ko nang initext ang mga kaibigan kong sina Nayeon , Tzuyu , Mina at Jihyo .

Agad na kong umalis ng bahay gamit ang kotse ko . Siyempre , Ang saya-saya ko ngayon dahil naisahan ko na naman ang magulang ko .

Agad na kong nag-park ng sasakyan sa parking area ng isang restaurant . Nakita kong naghihintay na sakin ang mga kaibigan ko.

"Guys !" Masayang sigaw ko sabay lapit at yakap sa kanila .

"Dahyun , Mabuti naman at nagka-chance kang makipagkita samin" Sambit ni Nayeon .

"Tama , Balita ko naging busy ka sa pakikipag-date sa anak ng business partners ng magulang mo" Sabi naman ni Tzuyu.

"Tama , Ganun na nga . Pero alam niyo namang walang pwedeng tumalo sakin" Sagot ko sa kanila.

"Paano kapag wala ka nang choice ?" Tanong naman ni Mina.

"Ako ? Mawawalan ng choice ? No way ! Ang dami-daming way para malusutan ko ang mga problemang darating sakin" Proud na proud kong sagot kay Mina.

"What if ipakasal ka na ng magulang mo ?" Tanong naman ni Jihyo.

"Tama na nga ang kakatanong niyo . Mag-enjoy na lang tayo ngayon . Let's have fun" Ngumiti na lang ako sa kanila.

Umorder na kami ng foods at sabay-sabay nang kumain . Sila ang mga matatalik kong kaibigan . Alam na alam nila ang mga kalokohang pinaggagawa ko .

Nakipagkwentuhan lang ako sa kanila tungkol sa mga ini-date ko nitong nakaraan .

"Grabe ka , Dahyun . Hahaha ! Rock and Roll pa more" Tumatawang sabi ni Nayeon sakin.

RESETKde žijí příběhy. Začni objevovat