Chapter 9 - No Choice

837 26 4
                                    

DAHYUN'S POV :

Wala na talaga kong choice kundi ang gawin 'to . Kailangan ko na talagang magsakripisyo para masagip ang kompanya namin .

Nabigla sila Mom and Dad nang sumulpot ako.

"Kanina ka pa diyan , Dub ?" Tanong ni Mom.

"Hindi naman po . May gusto lang po kong sabihin sa inyo" Sagot ko sa kanila.

"Ano 'yun , Dub ?" Tanong ni Dad .

"Payag na po ko" Sagot ko sa kanila .

"Payag saan ?" Tanong nila sakin.

"Payag na kong magpakasal" Napabuntong-hininga na lang ako matapos kong sabihin ang desisyon ko.

"Ta--Talaga , Dub ?! Hindi ka ba nagbibiro ? Seryoso ?!" Gulat na tanong ni Mom.

"Opo , Sigurado na po ko . Alam kong kailangan ko na talagang gawin 'to" Sagot ko sa kanila.

Bigla nila kong niyakap nang mahigpit . Wala na kong magagawa kundi ang pumayag . Kailangan kong iligtas ang kompanya pati na rin ang pamilya ko.

Sa papel lang naman kami makakasal ng pakakasalan ko . Wala nang iba . Hindi namin kailangang mabuhay nang magkasama .

"Mabuti at pumayag ka na , Dub . Sa pagpayag mo , Ligtas na ang kompanya" Masayang sabi ni Dad.

"Tamang-tama . Pupunta tayo sa bahay nila bukas . Magkikita na kayo ng pakakasalan mo" Sabi naman ni Mom . Tumango na lang ako sa kanila at pumunta na sa kwarto ko.

Kailangan ko ring ipaalam sa mga kaibigan kong sina Nayeon , Jihyo , Mina at Tzuyu ang tungkol sa pagpapakasal ko .

📱NAJIMIDATZU GC📱

ME : Guys , Ikakasal na ko sa taong hindi ko mahal o kilala man lang . Kailangang gawin ko 'to para masagip ang kompanya .

NAYEON : What the fvck ?! Kim Dahyun , Seriously ?! Ikakasal ka na ?

JIHYO : Ayos lang sayo ? Akala ko ba walang makakatalo sayo ?

MINA : Basta , Sabihin mo lang samin kapag kailangan mo ng kausap . Susuportahan ka namin .

TZUYU : Dub , Goodluck na lang sa pakakasalan mo . Magiging magulo ang buhay niya dahil sayo . Hahaha ! Joke lang .

ME : Tzuyu naman eh . Guys ! May atraso nga pala kayo sakin . Ako 'yung pinagbayad niyo ng mga kinain natin !

NAYEON : Hahaha ! ✌😂 Sorry na , Dub

JIHYO : Babawi na lang kami sayo next time 💟

MINA : Goodluck na lang din sayo . Baka matanda na yung pakakasalan mo 👏😎

TZUYU : Hala ! Oo nga . HAHAHAHA 👏😂

ME : Hindi naman siguro . Aba ! Mas lagot ako kung matanda na nga . Bahala na nga muna kayo . Magmumukmok na muna ko dahil nai-stress ako . Bye !

📱End of Gc Conersation📱

Siguro hindi naman matanda ang pakakasalan ko . Emegesh ! Sana talaga hindi .

RESETWhere stories live. Discover now