Chapter 39 - A Big Trouble

736 27 11
                                    

SANA'S POV :

Nag-ayos na kami ni Dahyun nang sarili nang makapaglinis na't makapagpahinga . Nang dumilim na , Nagsidatingan na ang mga kaibigan ko .

"Pasok na kayo sa loob"

"Wow ! Ang daming pagkain" Sabi ni Momo nang makita niya ang mga pagkain na naka-ready na sa malawak na table na kakainan namin .

"Mukhang nagready talaga kayo ah" Sabi naman ni Jungyeon.

"Aba ! Siyempre , Para masaya"

"Nasaan na yung mga kaibigan ni Dahyun ?" Tanong naman ni Chaeyoung.

"Wala pa sila" Sagot ni Dahyun . Lumapit na siya samin .

"Hello Dahyun" Bati agad ni Momo sa kanya.

"Hi sa inyo" Masayang bati naman ni Dahyun .

"Ahem , Nasaan na yung kaibigan mo ?" Tanong ko kay Dahyun.

"Parating na rin sila" Sagot ni Dahyun sakin.

Hinintay na lang namin sa living room ang pagdating ng mga kaibigan ni Dahyun hanggang sa may marinig kaming dumating na kotse sa labas .

Nagmadali na si Dahyun para salubungin ang mga kaibigan niya sa labas . Hinintay na lang naman namin ng mga kaibigan ko ang pagpasok nila sa loob.

"Bagay kayo sa mga kaibigan ni Dahyun"

"Talaga ?" Tanong ni Chaeyoung.

"Baka naman mga chaka" Sabi ni Jungyeon.

"Promise ! Magugustuhan niyo sila"

"Siguro kasing-bait rin sila ni Dahyun" Sabi naman ni Momo.

"Hindi lang kasing bait . Magaganda sila pero maganda si Dahyun"

"Sana , Nandito na ang mga kaibigan ko" Rinig kong sabi ni Dahyun .

"Papasukin mo na sila"

"Guys , Pasok na kayo sa loob. Nandito na rin ang mga kaibigan ni Sana sa loob" Sabi ni Dahyun sa mga kaibigan niya .

"Guys ! Nandito na sila" Agad nang nagsitayuan ang mga kaibigan ko para makipagkilala sa mga kaibigan ni Dahyun .

Nang makapasok na ang mga kaibigan ni Dahyun sa loob , Napansin ko namang ang gara ng mukha nila Momo at Chaeyoung habang si Jungyeon titig na titig kay Nayeon .

"Ikaw ?!" Rinig kong sabi nila Momo at Chaeyoung dun sa mga kaibigan ni Dahyun .

Wait , Magkakakilala na sila ?! Nagkatinginan na lang kami ni Dahyun .

"Magkakakilala ba sila ?" Tanong namin ni Dahyun sa isa't-isa .

"Yoda ! What the hell ?!" Sabi ni Chaeyoung kay Tzuyu.

"Smurf !" Sagot naman ni Tzuyu kay Chaeyoung .

"Oh My God , Ikaw yung matakaw na dahilan ng pagkadulas ko sa restaurant eh !" Sabi naman ni Mina kay Momo.

RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon