Chapter 19 - My Closest Friend

815 29 0
                                    

DAHYUN'S POV :

Nang imulat ko ang aking mata , Wala na si Sana sa tabi ko. 

Nasaan na kaya ang Sana na 'yun ? Agad na rin akong bumangon at nag-ayos ng sarili bago tuluyang lumabas ng kwarto .

Nakarinig ako ng ingay sa kusina kaya naman ini-check ko na . Natigilan na lang ako nang makita siyang abala sa pagluluto ng makakakain. 

"Kanina ka pa nagising ?"

"Yes . Maaga kong nagising kaya naman naisipan kong magluto na" Sagot niya habang nagluluto .

"Ganun ba ? By the way , Walang meaning yung pagpayag ko na tumabi ka sakin kagabi"

"Alam ko . Wala rin namang meaning 'yun sakin eh" Sagot niya .

"Mabuti nang nagkakaintindihan tayo"

"By the way , Hindi mo na kailangang magluto ng sariling pagkain mo . Dinamihan ko na ang luto kong almusal natin" Sabi niya kaya naman napaisip ako . Bakit parang naging mabait naman 'tong si Sana sakin bigla ?

"Bakit naman parang bumait ka sakin ?"

"Pasasalamat lang 'to kahit papaano . Pasasalamat sa pagpayag mong huwag akong magtiis sa baba matulog" Sagot niya .

"Ganun ? Fine . Naiintindihan ko" Kahit papaano pala marunong magbalik ng pasasalamat ang taong 'to kahit na hindi siya marunong magsorry .

Nanahimik na lang ako't lumabas na muna ng bahay . Bigla namang tumunog ang phone ko , Tumatawag si Nayeon kaya naman sinagot ko na ang tawag niya .

ON THE PHONE :

"Hello Nayeon"

"Dub , Kumusta na ? Ayos ka lang diyan ?" Tanong niya sakin.

"Heto , Nababadtrip na dahil sa Sana na 'to pero kinakaya ko naman . Hindi naman ako magpapatalo sa kanya"

"Mabuti 'yan . Gusto ko lang malaman kung safe ka or whatsoever diyan" Sagot niya.

"Don't Worry , Ayos lang talaga ako . Salamat sa pag-aalala"

"Babawi kami sayo , Dub . Promise" Sambit niya sakin.

"Salamat , Nayeon . The best ka talaga"

"Siyempre ! Para sayo , Dub . Alam mo namang malakas ka sakin eh" Sagot niya .

"Salamat , Haha . I Love You , Nayeon" Sagot ko sa kanya .

"I love you too , Dub . Ingat ka diyan ah . Sabihin mo lang kapag kailangan mo ng kausap" Sabi niya.

"Thanks Nayeon . Ingat din kayo nila Mina , Tzuyu at Jihyo"

"Sige na , Bye na muna . Dub , Next time na lang" Sabi niya sabay end-call .

~ END CALL ~

Ang bait talaga ni Nayeon . Si Nayeon , Siya ang pinakauna kong naging ka-close nung mga panahong pumapasok pa kami sa school . Actually , Classmates ko silang lahat pero si Nayeon talaga ang una kong nakasundo .

Maalaga kasi talaga siya at mapagmahal . Palagi niya kong dinadamayan kapag kailangan ko ng kausap .

"Dahyun , Ready na ang agahan" Rinig kong sabi ni Sana sakin kaya naman lumapit na ko sa kanya .

Pumasok na ko sa loob at naupo na sa upuan sa dining room . Inilagay na ni Sana ang agahan naming piniritong hotdog at itlog tapos meron pang sinangag na kanin. 

"Ganito talaga ang bet mong kainin ?" Tanong ko sa kanya.

"Yes . Hindi naman porke't nakukuha ko lahat ng gusto ko ay hindi na ko kakain ng mga simpleng pagkain lang" Sagot niya.

"Ah , Sige . Salamat"

Naupo na rin siya kaya nagsimula na kaming mag-agahan . Habang kumakain , Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya . Ang awkward kapag ganito . Hindi ako sanay na hindi kami nag-aaway eh .

Pakiramdam ko tuloy mag binabalak ang Sana na 'to . Parang may masama siyang plano eh . Kaya dapat hindi ako basta-basta magtiwala .

💐To be Continued💐

Ito na nga ba talaga ang simula ? Abangan .

VOTE.COMMENT.SHARE

RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon