Chapter 65 - Memories ?

527 16 4
                                    

SANA'S POV :

Nang magising ako , Umaga na pala . Agad na kong nag-ayos ng sarili . Nang i-check ko ang phone ko , Nanlaki ang mata ko sa text na natanggap ko mula sa Dad ni Dahyun .

"Sana , Ngayon madi-discharge si Dahyun sa hospital . Sayo siya tutuloy . Sana alagaan mo siyang mabuti . Intindihin mo na lang dahil matigas na naman ang ulo . Parang dati lang" Text ng Dad ni Dahyun kaya naman napangiti na lang ako .

Makakasama ko na ulit dito si Dahyun . Makikita ko na ulit siya . Sobrang saya ng araw na 'to ngayon .

Agad na kong nagmadaling umalis ng bahay at sumakay ng taxi para puntahan sila Dahyun sa hospital . Nang dumating ako sa hospital , Nakita kong naglalakad na si Dahyun kasama ng magulang niya kaya naman napahinto ako sa paglakad .

Nagkatinginan kaming dalawa mula sa malayuan . Kahit sa malayo , Maganda padin siya . Mas gumaganda pa nga siya .

"What are you doing here ?" Tanong niya sakin .

"Da--Dahyun" Agad na kong lumakad palapit sa kanya . Agad ko siyang niyakap nang mahigpit .

Wala pang minuto , Initulak na niya ko palayo .

"What do you think you're doing ? Are you crazy ? Stay away from me !" Sabi niya sabay kunot-noo sakin .

"Masaya kong makita ka" Napangiti na lang ako sa kanya .

"Pwes , Hindi ako masayang makita ka" Sagot niya.

"Ako'ng bahala sayo , Dahyun . Aalagaan kita sa bahay natin . Sisiguraduhin kong magiging komportable ka"

"Whatever" Sagot niya sakin .

"Tama na muna 'yang away niyo . Sumakay na tayo sa kotse. Ihahatid na namin kayo sa bahay niyo" Sabi ng Mom ni Dahyun.

"Wala akong gamit dun . Nasa bahay natin yung gamit ko kaya sa bahay na lang natin ako tutuloy" Sabi ni Dahyun .

"Meron kang gamit sa bahay niyo ni Sana . Maraming-marami" Sagot naman ng Dad niya.

"Aba ! Paano napunta dun ?!" Tanong ni Dahyun.

"Kasi nga mag-asawa na kayo ! Dun ka na nga nakatira" Sagot ng Mom niya.

"Mababaliw na ko , Siguro nilagay niyo na yun doon para palabasin na doon nga ko nakatira !" Sabi ni Dahyun sabay hawak sa ulo niya .

"Dub , Tara na nga . Ang kulit mo" Sabi ng Mom niya sabay alalay kay Dahyun .

"I can't believe it . Talagang nakatira ako sa iisang bahay kasama ang taong 'to ?!" Tanong ni Dahyun sabay turo sakin.

"Wala kang magagawa , We're married"

"Letche !" Sabi ni Dahyun sakin sabay irap pa.

Napatawa na lang ako dahil kahit papaano nakita kk ulit siyang magtaray . Namiss ko rin naman 'tong pakikitungo niya sakin noon.

Agad na kaming sumakay sa kotse ng magulang ni Dahyun at bumiyahe na papuntang bahay . Katabi ko si Dahyun sa backseat .

Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya . Kasi naman , Miss na miss ko na siyang makasama .

RESETWhere stories live. Discover now