Chapter 89 - From the Person I Love

547 15 4
                                    

SANA'S POV :

Nang dumating ako sa lugar na sa tingin ko'y maaari akong makapag-relax , Agad na kong naglakad-lakad sa paligid .

Nandito ko ngayon sa seaside kung saan naganap ang first date namin ni Dahyun at kung saan una kaming nagkita .

Mahalaga ang ginampanang papel ng lugar na 'to sa buhay naming dalawa . Kung wala ang lugar na 'to , Hindi siguro kami nagkakilala .

Parang kailan lang kasama ko pa siyang nagba-bonding dito . Ang bilis ng panahon . Ngayon , Mag-isa na lang akong naglalakad-lakad dito . Mag-isa na lang akong umaalala sa masasayang memories naming dalawa sa lugar na 'to .

Sa paglalakad ko , Napansin ko 'yung tindahan ng mga pagkain . Naalala ko tuloy nung first date namin , Kumain kami dito ng iba't-ibang pagkain . Sobrang saya niya nung mga panahong 'yun kaya masaya na rin ako .

Kahit na umuulan that time , Hindi kami nagpa-awat . Walang nakapigil sa moment namin kasama ang isa't-isa . Ngayon , Mukhang ako na lang ang mag-isang kakain dito . Hindi na siguro mauulit ang masayang alaalang 'yun .

Bumili na ko ng pagkain at naupo na lang sa isang tabi . Pipilitin kong maging masaya kahit hindi naman talaga . Wala eh , Mahal na mahal ko talaga siya . Iisipin ko na lang na kasama ko siya sa mga oras na 'to . Kinuha ko na ang phone ko't nagselfie na lang mag-isa .

Gagawin ko parin yung mga nakasanayan naming gawin noon . Pinagmasdan ko yung picture namin noon dito at yung picture ko ngayon na hindi siya kasama . Parang bula siyang nawala sa buhay ko . Ayos lang , Magiging masaya parin ako .

Kung pwede ko lang sanang ibalik yung panahon kung saan hindi pa siya naaaksidente . Kung pwede ko lang sanang ibahin yung tadhanang nangyari . Kung nagawa ko lang sana siyang iligtas that time .

Kailangan kong magrelax at makapag-isip . Alam ko na ! Naalala ko yung way ko ng pagrerelax . Yung pagyakap ko kay Dahyun , Yun ang nakakapagpa-relax sakin .

Gagawin ko na lang yung way ni Dahyun ng pagrerelax since wala siya sa tabi ko .

Inipikit ko na lang ang mata ko't pinakinggan ang ihip ng hangin . Naaalala ko talaga ang lahat ng alaala naming masaya . Iminulat ko na lang ang mata ko dahil hinsi effective . Mare-relax lang ako sa yakap niya .

Kumain na lang ako ng binili kong pagkain .

"Ang sarap nito . Ang saya ko ngayon . Sobrang saya . Nag-eenjoy talaga ako" Sabi ko habang kumakain .

Habang kumakain ako't napapatingin sa bawat paligid ng seaside , Naaalala ko yung memories namin ni Dahyun .

Nakangiti ako ngayon . Pero , Bakit ganito ? Tumutulo ang luha ko . Pakiramdam ko kasing bigat ng luha ko ang sakit na nararamdaman ko.

"Masaya parin ako . Ayos lang ako . Magiging maayos din ako . Kaya ko 'to . Di bale nang ako ang nasasaktan , Huwag lang siya" Sabi ko sabay punas sa luha kong walang tigil sa pagpatak kaso hindi ko talaga magawang mapigilan .

Napaluha na lang ako nang tuluyan . Nasasaktan parin talaga 'tong puso ko kahit na anong gawin ko .

Akma na sana kong aalis nang biglang may lumapit saking batang lalaki .

"May nagpapabigay po sa inyo" Sabi ng bata sabay abot ng papel sakin.

"Ano 'to ?"

"Sulat po , Sige po" Sabi ng bata sabay takbo na palayo . Hindi ko na natanong kung kanino nanggaling ang sulat . Agad ko nang binuksan ang sulat at binasa ito .

📝You're my Unexpected Happiness . You'll always be in my heart no matter what . Nawala ka man sa isip ko , Nakatatak ka naman sa puso ko . Hindi magbabago ang katotohanang mahal na mahal parin kita hanggang ngayon, sa mga susunod pang araw hanggang sa huli . Huwag ka nang malungkot , Please . Nandito na ulit ako para sayo📝

Matapos mabasa ang sulat , Napahinga ako nang malalim . Kahit wala mang nakalagay kung kanino galing 'to , Alam ko kung sino ang taong 'to . Walang iba kundi ang taong pinakamamahal ko .

Lumingon ako sa paligid pero hindi ko siya makita . Ano nang gagawin ko ngayong alanganin ang lahat ? Alam kong hindi parin mawawala ang sakit na naramdaman namin sa isa't-isa . Baka masaktan lang ulit siya dahil sa mga kapabayaan ko .

Kailangan ko nang magdesisyon . Kailangan ko nang gumawa ng paraan bago pa siya masaktan nang husto.

Inilapag ko na lang sa isang tabi 'yung sulat at agad na kong tumayo . Tatapusin ko na ang lahat  . Lumakad na ko palayo at sumakay na sa kotse .

Mas mabuting sa bar na lang ako magpalipas ng oras kaysa dito .


💐TO BE CONTINUED💐

VOTE.COMMENT.SHARE

RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon