Chapter 4 - Trouble

882 33 15
                                    

SANA'S POV :

Nang makapamili na ko ng mga gusto kong bilhin , Inilagay ko na sa kotse ang mga 'yun . Ano pa bang gagawin ko ? Mamaya pa namang gabi ang birthday celebration ni Chaeyoung eh .

May panahon pa ko para maglibang mag-isa . Susulitin ko na ang solo'ng oras ko . Habang bumibiyahe , Naisipan kong magpicture-picture na muna sa nadaanan kong dagat . Maganda sigurong maglakad-lakad sa seaside .

Ini-park ko na ang kotse at agad nang lumabas at naglakad-lakad para makapagselca na ko .

Nagselca-selca ako dahil maganda ang view dito . Habang nagse-selca , Natigilan ako nang makita 'yung mga nakaaway namin noon ng mga kaibigan ko sa bar .

"Diba 'yun yung nakaaway natin sa bar noon . Yung mayabang kung umasta" Rinig kong sabi nung isa sa kasama niya .

Umayon naman ang iba pa nilang kasama . Nagmaang-maangan ako na natatandaan ko sila . Initago ko na ang phone ko sa aking bulsa at nagsimula nang magmadaling lumakad palayo sa mga taong 'yun .

Hanggang sa paglingon ko sa kanila , Hindi na ko nagdalawang - isip na tumakbo dahil alam kong gagantihan nila ko .

Nakaaway namin ang mga 'to dahil nainis ako sa kanila noon . Ang yayabang kasi at ang iingay sa bar kaya naman binanatan ko na katulong ng mga kaibigan ko .

"Shet !" Sigaw ko sabay pandalasan na ng takbo palayo . Kailangan kong tumakas ngayon dahil madami sila iisa lang ako . Mga sira-ulo pa naman ang mga 'yun . Mga walang magawa sa buhay .

Nagsimula na kaming maghabulan sa tabing dagat . Nakakainis naman eh . Nagkataon pa na nandito sila . Mas binilisan ko pa ang takbo hanggang sa may makita akong babae na nakaharang sa daraanan ko .

"Miss , Tabi diyan !" Sigaw ko pero huli na ang lahat dahil nagkabungguan na kaming dalawa't parehong napaupo sa sahig .

Agad rin naman kaming tumayo . Kailangan ko nang makatakas nang tuluyan . Malalagot ako . Napalingon na lang ako sa babaeng sinusungitan na ko ngayon . Hindi ko siya pwedeng iwanan dahil aakalain ng mga humahabol sakin na kakilala ko siya . Baka siya ang mapagbuntunan nila .

Kaya naman minabuti kong isama sa pagtakas ang babaeng 'to .

"Let's Go !" Sambit ko sabay hawak sa kamay niya . Nagsimula na ulit akong tumakbo habang hawak ang kamay ng babaeng kasama ko.

Naririnig kong nagbubunganga na yung babaeng kasama ko sa pagtakbo pero wala akong panahon para makipagtalo sa kanya ngayon . Ang mahalaga ay makapagtago muna kaming dalawa at makatakas sa mga 'yun .

"Dito !" Nakakita ako ng pwede naming pagtaguan . Hinila ko siya sa may halamanan at pumuwesto na upang magtago .

Nang dumating ang mga humahabol samin sa pwesto namin , Nanahimik kaming dalawa.

"Saan na nagpunta ang mga 'yun ?!"

"Baka doon , Tara !"

"Kilos , Turuan ng leksyon ang mayabang na 'yun !"

Narinig ko silang naguusap-usap . Hanggang sa tuluyan na silang umalis at lumayo.

"Wew , Muntikan na yun ah" Sabi ko sabay hinga nang malalim .

Agad na kong lumabas sa kinatataguan namin nang bigla na lang akong batukan ng babaeng kasama ko.

"Aray ! How dare you to hit me ?!" Nakakunot-noo kong tanong sa kanya.

"How dare you too ?! Who are you to hold my hand ?! Tapos , Hindi ka man lang nagsorry . Siguro kaya hinahabol ka ng mga 'yun kasi may utang ka sa kanila" Inis niyang sabi sakin.

"Excuse me , Ako ?! Magkakautang ?! Damn . That will never happen . By the way , Huwag mong ma-misunderstand ang ginawa ko . Isinama lang kita sa pagtatago dahil baka madamay ka't akalain ng mga 'yun na magkakilala tayo" Sagot ko na lang sa kanya .

"Ni hindi ka magso-sorry ?!" Tanong niya sakin na parang siga pa.

"Why would I ?! Ayoko nga . Hindi ko naman kasalanan . It's your fault . Paharang-harang ka" Sagot ko sa kanya sabay lakad na paalis.

"Sino ka ba ?!" Rinig kong tanong niya.

"Ako 'yung taong nakukuha lahat ng gusto" Tiningnan ko na lang siya nang paseryoso.

"Pwes , Ako 'yung taong hindi nagpapatalo . May araw ka rin sakin . Tandaan mo 'yan" Sagot niya sabay lakad na paalis .

Napailing na lang ako . Sino ba 'yun ?! Ang tapang-tapang . Eh , Ang liit-liit naman .

Lumakad na lang din ako't binalikan na ang kotse ko.

Umalis na ko't umuwi na lang sa bahay dahil napagod ako sa kakatakbo . Wew , Muntikan na talaga kong makuyog kanina . Bahala na nga , Mag-aayos na lang ako para mamayang gabi .

Hindi parin mawala sa isipan ko kung sino ang babaeng 'yun . Kala mo kung sino eh . Hindi niya kilala kung sinong kinakalaban niya .

Nang dumilim na , Agad na rin akong umalis at pumunta na sa Bar para maki-join sa birthday celebration ni Chaeyoung .

"Sana ! Mabuti at dumating ka" Sabi ni Chaeyoung sakin.

"Happy Birthday , Chaeyoung" Bati ko sa kanya.

"Sana , Akala namin hindi ka na darating eh" Sabi naman ni Jungyeon.

"Nagpahinga lang ako dahil nagkita ulit kami nung mga nakaaway natin dito sa bar noon . Hinabol nila ko . Mabuti na lang at nagawa ko silang takasan" Sagot ko sa kanila.

"Talaga ?! Buti nakatakas ka pa" Sagot naman ni Momo.

"Siyempre , Ako pa" Proud kong sagot sa kanya .

"Let's start the party" Sabi naman ni Chaeyoung kaya nagsimula na kaming mag-enjoy kasabay ng malakas na music .

💥To be Continued💥

VOTE.COMMENT.SHARE

RESETWhere stories live. Discover now