Chapter 51 - Revenge

722 22 12
                                    


DAHYUN'S POV :

Sobrang saya ko talaga ngayon . Masaya kong nagkaroon kami ng ganitong bonding . Kahit na hindi parin magkasundo sila Tzuyu , Chaeyoung , Momo at Mina ay masaya parin naman ang lahat. 

Makikita sa ngiti naming lahat ang sobrang enjoyment . Nagpapasalamat talaga ko kay Sana . Dahil sa kanya kaya nandito kami ngayon .

Never talaga siyang nabigo na mapangiti ako.  Palagi niya kong napapasaya.  Palagi niya kong pinapatawa kaya naman mas magugustuhan ko pa siya ngayon. 

Nakilala ko na yung tunay na Sana . Yung Sana na gagawin ang lahat mapasaya lang ako . Yung Sana na palaging masaya at palaging positibo kung mag-isip .

Para sakin , Hindi naman talaga siya selfish.  Sa katunayan nga , Mapagbigay talaga siya.  Sinasabi nila na si Sana yung tipo ng tao na palaging sarili ang inuuna . Palaging nakukuha ang gustuhin niya . Para sakin , Siya yung tipo ng tao na gagawin ang lahat mapasaya lang ang iba . Siya yung tipo na palaging nandiyan sa tabi ng kung sinong nangangailangan ng karamay .

Nagulat na lang ako nang tumabi sakin si Momo.

"Oh Momo"

"Kumusta naman kayo , Dahyun ?" Tanong niya.

"Ayos naman kami ni Sana . Masaya naman kami"

"Alam mo , Ngayon lang naging ganyan ang kaibigan namin . Kaya sana pahalagahan mo siya . Intindihin mo siya kapag may mali siyang nagagawa . Huwag kang mag-alala , Iintindihin ka rin naman niya . Kilala namin si Sana , Hindi niya sasaktan ang taong mahal niya" Sabi ni Momo sakin. 

"Pwede ka bang magkwento ng kahit na ano tungkol kay Sana ?"

"Aba . Oo naman . Si Sana , Noon pa man mabait na . Kahit na matigas ang ulo niya pagdating sa parents niya , Bilang kaibigan maaasahan 'yan . Siguro nga't siya yung tipo na gustong nakukuha ang lahat nang naisin niya pero yung mga ninanais niya mabuti naman ang pinatutunguhan" Sagot ni Momo.

"Talaga ? Wala ba siyang nakarelasyon dati ?"

"Ikaw ang unang nagpatibok sa puso ng baliw na 'yan . Ikaw lang , Wala nang iba" Sagot ni Momo.

"Ganun ba ? Kung ganun , Totoo pala talaga ang mga sinasabi niya sakin noon"

"Kaya nga , Sana pahalagahan niyo ang pagmamahal sa isa't-isa" Sagot niya sakin.

"Pangako , Hindi ko iiwanan si Sana. Sisiguraduhin kong magiging mas masaya kami .Kahit na anong mangyari , Hindi ko siya makakalimutan . Saka , Mahal ko na kaya yang kaibigan mo"

"Talaga ? Mabuti naman kung ganun . Masaya ko para sa inyo .Basta , Sabihin mo lang kapag kailangan niyo ng tulong ko" Sagot niya kaya tumango na lang ako sa kanya.

"May nakakatuwa bang nangyari kay Sana noon ?"

"Ahm . Wala naman , Kasi maingat yang si Sana . Pero matigas talaga ang ulo niya . Kahit na anong saway sa kanya ng magulang niya , Hindi siya nakikinig . Palagi siyang tumatakas ng bahay , Madaling araw na ang uwi niya" Sabi ni Momo nang nakangiti.

"Haha ! Pasaway pala talaga"

"Tama ka . Pasaway talaga pero mabuting tao 'yan kaya sana marealize mong sincere siya sa pag-amin sayo" Sabi ni Momo.

RESETWhere stories live. Discover now