Chapter 32 - Smurf meets Yoda

663 22 4
                                    

CHAEYOUNG'S POV :

Annyeong , Ako nga pala si Chaeyoung . Isa sa bestfriends ni Sana . Papunta ko ngayon sa restaurant na paborito naming tambayan nila Sana .

Nagyakag kasing kumain si Momo kaya wala na kaming nagawa ni Jungyeon kundi pumayag . Sayang nga lang at hindi samin makakasama si Sana dahil kasama niya si Dahyun .

Naiintindihan naman namin siya . Next time na lang namin siya isasama sa mga gala namin .

Malamang naiinip na si Momo sa rea
restaurant kaya naman binilisan ko na ang pagmamaneho . Habang nagmamaneho ko ng kotse , Nanlaki ang mata ko nang may muntikan na kong masagasaan na kung sino .

Mabuti na lang at agad kong naihinto ko ang kotse . Wew , Wait ! Nasaan yung muntikan ko nang mabunggo ? Hala ! Nabunggo ko na yata . Nawawala sa harapan ng kotse ko eh .

Agad na kong nagmadaling lumabas ng kotse para alamin kung ano nang nangyari sa muntikan ko nang masagasaan .

Nabigla ako nang makitang nakaupo na siya sa sahig sa harapan ng kotse ko .

"Ahm , Pasensya na . Hindi ko sinasadya"

"Walanghiya ka !" Sigaw niya sakin sabay pandalasan ng tayo .

Ang tangkad naman ng babaeng 'to . Hindi ko naman kasalanan eh . Siya 'tong biglang nasulpot .

"So--Sorry , Ikaw naman kasi 'tong basta-basta na tumatawid eh"

"Ako pa ngayon ?! Sa tangkad kong 'to , Di mo ko nakita ?!" Inis niyang tanong.

"Excuse me , Alam mong daanan 'to ng sasakyan . Hindi dito ang tamang tawiran . Wala akong kasalanan"

"So , Pwede mo na kong banggain ?! Ganun ?!" Inis niyang tanong.

"Hindi sa ganun ! Ibig kong sabihin , Matuto ka namang tumawid sa tamang daanan"

"Ako na nga 'tong mapapatay mo !" Galit niyang sabi sakin.

"Eh di sorry , Ikaw naman ang may kasalanan eh . Please lang , Umalis ka na diyan . May pupuntahan pa ko"

"Ikaw lang ba , Huh ? For your information , Nagmamadali din ako dahil may lakad ako . Tapos , Sasagasaan mo lang ako !" Sabi niya sakin.

"Oo na , Tumabi ka na lang"

"Aba , Ang yabang mo ah . Ang liit-liit mo , Ganyan ka kung umasta" Sabi niya .

"What ?! Ano bang problema mo ?! Pati height ko , Inaano mo"

"Mukha kang smurf !' Sagot niya sabay pamewang.

"What ?! Mukha ka namang Yoda"

"Buwisit 'to . Papatayin pa ko . Letche !" Sigaw niya sabay hampas sa harapan ng kotse ko.

Agad nang nagmadaling umalis 'yung babae bago pa ko makapagsalita . Shet ! Sino ba 'yun ?!

Siya na nga 'tong daan nang daan sa maling tawiran , Siya pa galit . Inidamay pa ang height ko porke't matangkad siya .

Humanda talaga sakin ang taong 'yun kapag nagkita ulit kami . Sasagasaan ko na talaga siya sa susunod . Kala mo kung sino . Tsk !

Sumakay na ulit ako ng kotse at nagmaneho na ulit . Panira ng araw ko eh .


💞💞💞💞💞

TZUYU'S POV :

Nagmamadali na kong sumakay ng taxi para puntahan sila Mina . Pupuntahan kasi namin ngayon si Dahyun sa kanila . By the way , Ako nga pala si Tzuyu . Isa ako sa mga kaibigan ni Dahyun .

Nang malapit na ang pagtatagpuan namin nila Mina , Agad na kong bumaba sa taxi dahil nagkaroon ng traffic .

Tatakbuhin ko na lang . Kaya ko na 'to .

"Tzuyu , Bilisan mo na . Magkita na tayo" Biglang nagtext si Mina sakin .

"Papunta na ko , Relax lang" Reply ko sa kanya .

Agad na kong nagmadali para naman makarating agad ako . Hanggang sa maisipan kong dumaan na lang sa may kalsada.

Kaso , Hindi 'yun ang tamang tawiran eh . Aish , Bahala na nga . Agad na kong kumilos para tumawid kaso biglang sumulpot ang isang mabilis na kotse .

Oh My God . Akala ko mamamatay na ko . Napaupo ako sa sahig sa sobrang kaba . Mabuti na lang at nakapreno ang sasakyan .

Agad rin namang lumabas ang driver ng kotse . Ang yabang-yabang niya . Sobrang yabang . Akala mo kung sino . Ang liit-liit naman .

Siyempre , Hindi ako pumayag na umangat ang kayabangan niya . Porke't tumawid ba ko sa maling daan , Pwede na niya kong sagasaan ?!

Kainis. Nag-iinit ang dugo ko sa mga katulad niya . Mukha naman siyang Smurf eh . Kaso , Tinawag niya akong Yoda .

What the hell ?! Wala akong mapapala kung makikipagbungangaan ako sa maliit na mayabang na 'yun kaya nagmadali na kong umalis . Pero , Siyempre hinampas ko muna 'yung kotse niya bilang ganti .

Kasora , Nagmadali na lang akong umalis para puntahan na si Mina . Makikipagkita kami kila Nayeon and Jihyo . Kotse kasi ni Nayeon ang gagamitin namin eh .

💐To be Continued💐

Ano na nga bang mangyayari sa pagbisita nila sa bahay nila Dahyun at Sana ? Abangan .

VOTE.COMMENT.SHARE


RESETDär berättelser lever. Upptäck nu