Chapter 10 - I Hate You

816 26 1
                                    

DAHYUN'S POV :

Kinabukasan , Agad na kong bumangon dahil pinakikilos na ko nila Mom and Dad . Pumasok na ko sa loob ng CR at napaharap na lang sa salamin .

"Dahyun , Kaya mo 'to . Hindi na pwedeng umatras" Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin .

Agad na rin akong nag-ayos ng sarili at lumabas na sa kwarto ko .

"Dub , Mabuti naman at hindi mo na ginawang kaayaw-ayaw ang sarili mo" Sabi ni Mom.

"Kahit naman anong gawin ko , Matutuloy parin ang kasal" Sagot ko sa kanila.

"Let's Go , Hinihintay na nila tayo" Sabi naman ni Dad kaya sumakay na kami sa kotse at bumiyahe na .

Ito na talaga . Wala nang atrasan . Kailangan ko nang harapin ang pakakasalan ko . Ginagawa ko 'to para sa business namin at para narin sa pamilya ko .

Nanahimik na lang ako habang bumibiyahe kami . Bigla namang hinawakan ni Mom ang kamay ko.

"Sigurado ka ba talaga ? Hindi ka na namin pipilitin" Sabi ni Mom sakin .

"Sigurado na po ako . Ginagawa ko 'to para sa business at pamilya natin . Alam kong pinaghirapan niyo ang kompanya . Magiging ayos din ang lahat"

Tumango na lang sakin si Mom . Hanggang sa dumating na kami sa bahay ng pakakasalan ko . Nang makita ko ang malaking bahay , Bigla akong natigilan .

Pamilyar ang bahay na 'to ah . Pamilyar din ang lugar eh . Nagpunta na ba ko dito noon ?

"Pumasok na tayo" Sabi ni Dad . Lumakad na kami at nagdoorbell na. Agad namang lumabas ang mag-asawa sa loob ng malaking bahay . Siguro sila ang magulang ng pakakasalan ko.

Mukhang mayaman nga talaga sila ah .

"Pasok na kayo . Nasa loob na ang anak namin" Sabi ng babae samin.

"Ang ganda ng anak niyo . Pasok na kayo" Sabi naman ng lalaki . Nambola pa . Tsk !

Nang makapasok sa loob , Natigilan na lang ako dahil pamilyar nga talaga ang lugar na 'to . Parang ito 'yung bahay ng mokong na hindi marunong magsorry eh .

Sana naman nagkakamali ako ng kutob . Please lang ! Sana huwag siya .

"Sana , Nandito na sila" Rinig kong sabi ng mag-asawa sa kanilang anak .

"Hello po , Nice to meet you" Bati ng kung sinong nagngangalang Sana .

Agad na kong lumingon para makita kung sino siya . Pareho kaming natigilan nang makilala na namin ang isa't-isa.

"Sana , Siya ang aming anak . Si Dahyun" Sabi ni Mom sa kanya .

"I--Ikaw ?!" Sabay naming sabi ni Sana nang makita ang isa't-isa .

OH MY GOD . Tama nga ang hinala ko . Siya nga ! Kaya pala pamilyar ang lugar at bahay . Bakit sa dinami-dami , Siya pa ?! Buwisit na buhay 'to . So , Sana pala ang name niya ah .

"Magkakilala na kayo ?" Gulat na tanong ng mga magulang namin .

"Oo" Sagot niya .

RESETWhere stories live. Discover now