- 1 -

7.2K 99 1
                                    

DANIEL'S POV

Nandito kaming lahat sa isang silid naghihintay na sana gumising na siya mahigit kalahating araw na siyang natutulog sabi ng doktor okay naman lahat pero bakit hindi pa siya nagigising.

Napatingin kaming lahat sa pinto ng biglang may kumatok at pumasok ang isang nurse kasama ang isa pang nurse na may kargang dalawang bata isang babae at isang lalake. Masaya akong lumapit sa dalawa kong anak at  kinuha ang babae sanggol kinuha naman ni James ang lalakeng sanggol.

"Sir may naisip na po ba kayong ipapangalan sa kambal niyo?" tanong ng isang nurse.

Tinignan ko ang anak kong babae at sabay sabing "Sabrina Suzethe Padilla at siya naman si Skylar John Padilla"

Pagkatapos niyang kunin ang pangalan ng mga anak ko umupo ako sa tabi ng asawa ko at hinalikan siya sa noo pati na rin si Sab nilagay ko si Sab sa tabi ng nanay niya at kinuha ko naman si Sky kay James at hinalikan ko rin siya sa noo.

Lumapit ako sa mga kaibigan ko na mula sa umpisa hanggang ngayon nasa tabi ko, namin naka suporta at umalalay sa lahat ng pinagdaanan namin bago mabuo tung pamilyang to.

"Congratulations bro buo na yung pamilya mo." Sabi ni Quen sabay tapik sa balikat ko.

"Oo nga guys kung hindi narin dahil sa inyo siguro hindi ko mahahanap ulit ang babaeng mahal ko." Sabi ko sabay isa isa silang tinignan.

"You should take care of them this time bro or else I'm going to take her away from you." James

Agad naman siyang nakakuha ng malutong na palo sa asawa niya kaya nagtawanan kami.

"Hmmm.."

Agad naman kaming napatingin sa higaan ng asawa ko ng bigla siyang napaungol ng mahina agad ko siyang nilapitan at hinawakan yung kamay niya.

"Hi" nanghihina niyang sabi sabay napatingin sa dalawa naming anghel na natutulog sa tabi niya. "Mga babies ko ang ganda at gwapo niyo naman mana sa tatay." dugtong niya pa sabay tingin sa akin.

Napaluha naman ako sa nakikita ko ngayon sa aking harapan dahil sa kaligayahan ng asawa ko dahil sa wakas mahahawakan na namin ang mga anak na matagal na naming hinihintay.

"Kamusta yung pakiramdam mo love? may masakit ba sayo? may gusto kang kainin? nauuhaw ka ba?"  sunod sunod kong tanoong sa kanya at tatayo na sana ng pinigilan niya ko at ngumiti siya sakin ng napakatamis na ngiti.

"Okay lang ako love, hindi rin ako nagugutom o nauuhaw masaya lang ako sa mga nakikita ko ngayon" binaling niya naman ang tingin niya sa mga kaibigan namin. " At thank you dahil andito kayong lahat na mga kaibigan namin ni daniel."

"Wala yun sis ikaw pa ba eh mula bata magkaibigan na tayong lahat syempre sino pa ba ang magdadamayan diba?"sabi ni Liza na nasa tabi na ng asawa ko, tumango lang ang asawa ko sa kanila at binaling naman ang tingin sa mga anak namin.

"Hi babies ko pinahirapan niyo si mommy sa panganganak pero okay lang kasi worth it na makita ko na kayo at mahawakan sana nakikita tayo ng kapatid niyo ngayon no, siguro kung nandito siya matutuwa yun kasi may kasama na siya." Sabi niya sa mga anak namin, napahigpit naman ang hawak ko sa kamay ng asawa ko at tinignan ang mga anak ko.

" Sorry mga anak ah kasalanan ni daddy kung bakit wala ang kapatid niyo dito ngayon." pagsusumamo ko sa mga anak ko na parang naiintindihan na nilang dalawa kung ano man yung sinasabi ko.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko kung hindi pa hinawakan ng asawa ko yung pisnge ko at pinahid ng sarili niyang kamay ang mga butil ng luha na tumulo sa mga mata ko at diretsong tumingin sa mga mata ko.

"Love wag mo ng sisihin yung sarili mo ah matagal na yun napatawad na kita diba?" tumango lang ako sa kanya pero alam ko sa loob ng puso ko na dala-dala ko pa rin ang sakit at pagsisisi sa mga nagawa ko noon sa kanya at sa anak namin.

" Kung nakikita tayo ngayon ng panganay natin alam kong hindi niya magugustuhan na nalulungkot ka at sinisisi mo pa rin yung sarili mo sa mga nangyari. " sabi pa ng asawa ko.

" Oo na po love titigil na ko. " sabi ko sa asawa ko para lang makumbinse ko siyang okay na ko sa lahat ng mga nangyari sa amin.


What If?Where stories live. Discover now