- 5 -

2.6K 61 1
                                    

Third Person's POV

Pagdating ni James sa tree house nila ni Kathryn agad siyang bumaba sa sasakyan niya at umakyat sa taas.

Pagbukas niya ng pinto nakita niyang mahimbing na natutulog si Kath sa kama nakapatong pa ang libro sa taas ng tyan niya.

Maingat niyang kinuha ang libro at dahan dahang umupo sa tabi ni Kathryn.

Hinaplos niya ang buhok ng dalaga na agad namang naramdaman ni Kath.

Tinignan niya kung sino ang umistorbo sa mahimbing niyang tulog ng nakita niya si James ngumiti siya ng tipid at umupo sa kama.

"Bakit ka na naman nandito kuting? May nangyari naman ba? " mahinahong tanong ni James sa kanya.

" Wala naman nabadtrip lang pero okay naman na ko. " at ngumiti naman ito ng tipid sa kanya.

" Alam mo bang pinagalala mo na naman kami kanina basta basta ka na lang umaalis na walang paalam. " nagaalalang sabi ni James kay Kath.

" Sorry gusto ko lang mapagisa kanina at magisip. "  paliwanag niya at tumayo na at niligpit ang mga gamit niya.

"Okay ka na? " James

" Oo naman, tara na? " Kath

Bumaba na silang dalawa sa tree house at agad na pumasok sa sasakyan ni James ng biglang bumuhos ang ulan.

Nagumpisa ng magmaneho ng dahan dahan si James para ma ihatid niya na si Kath sa bahay nila.

Hindi din naman tumagal ang byahe nilang dalawa kasi malapit lang naman sa bahay nila Kath ang tree house.

Pagkababa ng sasakyan agad silang pumasok sa bahay nila Kathryn at agad naman napatayo ang kapatid at kaibigan ni Kath.

" Kath?! San ka ba nanggaling bakit umalis ka ng hindi nagsasabi nagalala kami sayo! " nagaalalang sabi ni Nadine.

Ngumiti lang si Kath at nakipag beso sa kanyang kapatid at kay Liza bago umakyat sa kwarto niya

Hindi siya sumubok na tumingin kay Daniel na kanina pa siya tinitignan at naninibago sa kinikilos niya.

"Ano nangyari kay Kath? " tanong ni Liza

"Hindi ko alam wala siyang sinabi sakin na abutan ko lang siyang tulog sa hideout niya. " kibit balikat na sabi ni James sa kanila.

" Ang tamlay niya naninibago ako. " Quen

" Wag na kayo magtaka alam niyo naman kung may problema o iniisip o may pinagdadaanan siya ganyan yung kilos niya diba? " Nadine at tumango lang naman sila maliban kay Daniel.

What If?Where stories live. Discover now