43

2.6K 47 2
                                    


OH MY GOD!  NADINE?!  SAAN KA?!  sigaw ko sa buong bahay habang pababa ako ng hagdan papuntang kusina.

Nadz sorry na late ako ng gising diba ngayon natin susundoin ang barkada.  Sabi ko habang kinakalkal ang bag ko.

Kathryn wag ka ngang tumatakbo alam mo namang buntis ka. Magingat ka please! Inis niyang sigaw sa akin kaya napatigil ako pero patuloy pa rin yung pagkalkal ko sa bag ko kasi hinahanap ko yung vitamins na parati kong dala.

Sorry naman Nadz late na kasi tayo at excited ako makita si --- sabi ko at biglang napahinto ng makita ko ang apat na matang nakatingin sa akin.

Hala! Andito na kayo?! Gulat na tanong ko at napatakip pa sa bibig.

Oo kanina pa, pinasundo ko na lang sila kay tay Mario kasi ayokong gisingin ka pa ang himbing kasi ng tulog mo at alam kong napagod ka kahapon. Paliwanag ni Nadine kaya lumapit ako sa kanya at inakap siya patagilid.

Salamat ate, ang sweet mo talaga.  Paglalambing ko sa kanya na ikinairap niya naman.

Sus,  may hihilingin ka lang eh kaya ka naglalambing. Sabi niya kaya nagpuppy eyes ako sa kanya at ngumiti ng matamis.

Sige na, oo na,  ano ba yung gusto mo? Sabi niya sa akin.

Yes!  Hindi mo talaga ako matiis.  Sabi ko at ngumiti sa kanya.  Gusto kong ipagluto mo ko ng pork adobo for breakfast, please. Sabi ko at agad naman siyang tumalikod at nagprepare ng lulutoin niyang pork adobo.

Lumapit naman ako sa mesa at dahan dahan umupo ng biglang may kamay na umalalay sa akin habang umuupo ako at ng tignan ko ay nakita kong si Daniel pala yun kaya pala ang lakas ng tibok ng puso ko.

Salamat.  Sabi ko sa kanya ng makaupo na ako. Binigyan niya naman ako ng maliit na ngiti at umupo sa tabi ko.

Kamusta ka na Kath? Si James ang unang bumasag sa katahimikan na namuo sa aming lahat.

Okay lang naman kahit papaano,  masaya dahil sa blessings na binigay sa akin. Sabi ko at tinignan ang tyan ko at hinimas yun ng kamay ko.

Kayo kamusta kayo? Nagaalinlangan kong sabi sa kanila.

Kami okay lang din pero may isa dyan na hindi okay. Sabi ni Liza at sabay silang tatlo napatingin sa katabi ko kaya nilingon ko siya at nakitang nakating sa tyan kong kanina ko pa hinihimas.

Dahan dahan kong nilapit yung kamay ko sa kanya at kinuha to at nilagay sa tyan ko kaya napatingin siya sa akin pabalik sa kamay niyang nakapatong sa tyan kong may malaking umbok.

Kamusta ka na Daniel? Kinakabahan kong tanong sa kanya kaya napatingin siya sa akin tapos sa mga barkada.

Tara guys dun muna tayo manood ng movie. Sabi ni Nadine na bigla na lang nagsalita galing sa kusina habang bitbit ang isamg tray ng pork adobo at kanin.

Inilapag niya yun sa harap ko at nginitian ako.

Kain na kayo ni baby ng breakfast ryn. Sabi niya.

Salamat ate. The best ka talaga! Sabi ko kaya napangiti na lang siya habang napapailing.

Oo na Kathryn, halina kayo guys. Sabi niya sa barkada at sabay sabay na silang umalis at tinungo ang  theatre room.

Kain tayo Deej.  Pagaalok ko sa kanya ng pagkain.

Sige lang kumain ka ng marami para busog kayo ni baby. Sabi niya kaya tumango na lang ako at nagumpisa ng kumain.

What If?Where stories live. Discover now