44

2.5K 40 2
                                    


Sa nakalipas na dalawang linggo naging masaya lang ang araw namin at kami ni Daniel mas nagiging okay sa isa't isa.

Sa kwarto ko na rin siya natutulog para mabantayan niya daw ako, nung una nahiya pa ko pero binaliwala ko din yun kasi naranasan naman naming matulog noon na magkatabi.

Araw araw pinaparamdam niya sa akin kung gaano niya kami kamahal ni baby lahat ng gusto kong kainin kahit na ang iba ay mahirap na hanapin hinahanap niya talaga mabigay niya lang sa akin.

Ayaw niya daw kasing mabigo ang baby bubut niya, yun ang ibinigay niyang pangalan sa fetus namin.

Ngayon andito kami ng barkada sa kilalang beach sa Barcelona. Beach Sitges kinakailangan pa namin sumakay ng bullet train para makarating dito at sobrang ganda ng lugar.

Kahit na mainit dahil sa panahon dito sa Barcelona ay inienjoy pa rin namin ang mini vacation namin.

Tatlong araw lang kasi kami dito kasi ayaw ni Daniel na mapagod kami ng husto ni baby, mahirap na daw at kung ano pa ang mangyari sa amin ng anak niya.

Napapangiti na lang ako kapag naalala ko ang mga habilin niya sa akin araw araw kahit na magkasama naman kami parati.

Love? Tawag niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

Hmm? Tanging sagot ko

Pasok na tayo sa hotel masyado ng mainit para sa inyo ni baby. Malambing niyang sabi kaya napangiti ako ng malaki.

Inangat ko ang dalawa ko kamay at agad naman siyang tumayo para tulungan at alalayan akong tumayo.

Nakaupo kasi kami sa buhanginan kasama ng ibang turista at ng barkada.

Guys?  Tawag pansin niya sa mga kaibigan namin.

Sabay sabay naman silang lumingon sa gawi namin.

Magpapahinga na si Kath ah mauuna na kami sa hotel.  Paalam ni Daniel sa kanila.

Sige at masyado na ring mainit para sa kanila ni baby. Sabi ni Liza kaya tumango na lang kami ni Daniel at nagumpisa ng lumakad patungong hotel.

Medyo malayo ang hotel namin sa beach side kaya todo alalay ang ginagawa ni Daniel.

Love ako na lang magdadala ng bag ko nahihirapan ka na oh tapos naka alalay ka pa sa akin. Sabi kong may pagaalalang nakatingin sa kanya.

Hindi love okay lang kahit na mahirapan ako basta para sa inyo ni baby kaya wag ka ng magalala okay hindi naman mabigat eh.  Pagpapaliwanag niya at hinawakan ako sa bewang at sabay na ulit namin tinungo ang hotel.

*****

Love? Kath naready ko na yung bubble bath niyo ni baby maligo ka na. Sabi niya pagkalabas niya ng banyo, gusto ko kasing maligo pagkadating namin dito sa hotel kaya siya na nagprepare ng bubble bath ko.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisnge kaya napangiti siya.

Thank you love. Ang swerte swerte talaga namin ng anak natin dahil napaka arugaiin ng tatay niya.  Naglalambing kong sabi sa kanya na mas ikinangiti niya.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako patagilid kasi hindi niya ko mayakap ng mabuti paginakap niya ko paharap dahil sa umbok ng tiyan ko.

Sus swerte din kaya ako kasi may reyna ako at may dadating pang isang swerte sa buhay ko na pagalayan ko ng buong pagmamahal sa buong buhay ko.

Sabi niya at hinalikan ako sa pisnge.

Sus binobola mo lang ako eh.  Pagbibiro ko sa kanya kaya napabitaw siya sa akin at tinignan ako.

Anong binobola totoo kaya yung sinabi ko kayo lang ni baby bubut ang mamahalin ko at ang pangatlong baby hanggang sa makabuo tayo ng basketball team at cheerleader squad natin. Sabi niya na may ngisi sa labi niya kaya tinignan ko siyang nakaawang ang bibig.

Aba gagawin mo pa ata akong baboy Danilo ah ayoko ngang manganak na lang ng manganak. Dapat mamaintain ko tung figure ko noh at ang hirap hirap kaya magbuntis. Reklamo ko sa kanya dahilan para mapatawa siya at yakapin ako ulit.

Kung gusto mo love gawin nating kambal si baby bubut ngayon eh para may dalawa na tayo agad. Tapos may isang cheerleader na tayo kaya lang kasama na siya ni papa God sa taas. Sabi niya na may lungkot sa boses kaya napatingin ako sa kanya.

Oh ayan ka na naman eh wag ka ng malungkot love ayaw ng baby natin malungkot tayo para sa kanya diba.
Sabi ko kaya napatango na lang soya at hinalikan ako sa noo.

Maliligo na ko love ah. Sabi ko kaya bumitaw siya at napabuntong hininga naman ako dahil malungkot pa rin siya.

Paglabas ko love may gagawin tayo sigurado magugustohan mo kaya wag ng malungkot ah. Sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin at kita na ang excitement sa mga mata niya.

Natawa naman ako sa reaksyon niyang yun. Talaga love? Excited niyang sabi kaya napatango ako.

Tumango na lang ako at pumasok na sa banyo para maligo.

Bilisan mo love excited na ko sa gagawin natin. Sigaw niya mula sa labas kaya nahalakhak naman ako.

*******

Sorry guys ngayon lang ako nakapag update ah sobrang busy ko kasi eh...

Sana may nagbabasa pa at enjoy reading readers.

Happy New Year to everyone!

Don't forget to

Vote

Comment

And

Share

Thank you readers for the support.

Love y'all..

Mwaaa..

Serena,

What If?Where stories live. Discover now